Chapter 2: Home Coming

4.1K 61 1
                                    

Hindi maipaliwanag ni Yvette ang pangamba habang nakatunghay kay Sebastien, ang dalawang taong gulang niyang anak.

Payapa itong natutulog. Tila isa itong anghel sa kainosentehan. At naisip niyang sana ay kagaya siya ng anak na may kapanatagan ng loob.

Ngunit hindi na siya bata pa kaya kahit na ano pa mang gawin niya ay hindi niya mapapanatag ang dibdib.

Tumingin siya sa relos, mga tatlong minuto na lang bago lumapag ang eroplano sa Pilipinas ngunit pakiramdam niya ay ilang segundo na lamang at magkakaharap na sila ng kanyang ama. At habang papalapit ang takdang oras ay siya namang pagtaas ng kanyang adrenalin.

Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang ama pagdating nila. At ngayong pauwi na siya ay bitbit pa niya ang ‘excess baggage’ ng kapusukan ng kanyang kabataan.

Halos ayaw na niyang maalala pa ang nakaraan ngunit sa tuwing mapapatitig siya sa mala-anghel na anak ay napapawi ang lahat ng sakit ng nakaraan.

Matapos ang teribleng episode niya sa ospital halos tatlong taon na ang nakararaan ay nalaman niyang buntis siya na ikinasindak niya ng husto noon.

Dalawampu’t taong gulang pa lamang siya noon at kaka-graduate lang niya sa college. At hindi niya alam kung ano ang gagawin lalo na ng malaman ito ni Don Manuel.

Kung hindi lamang dahil kare-recover lang niya mula sa pagkaka-ospital ay natikman sana niya ang matinding galit at disappointment nito sa kanya.

Imbes na ipakita ng ama ang poot sa ginawa niyang pagsira sa kanilang pangalan dahil sa pagbubuntis na walang ama ay ipinalasap naman nito sa kanya kung gaano katindi ang pagkadisgusto nito sa ginawa niya.

Dahil pinalayo siya nito at dinala sa Amerika upang doon isilang ang kanyang anak.

Hindi niya masisisi ama kung bakit itinaboy siya dahil aminado siyang malaki ang naging kasalanan niya dito dahil nung una pa lang ay pinaglihiman na niya ito. Lalo pa’t ayaw niyang ipagtapat kung sino ang ama ng dinadala niya bukod sa kahihiyang idinulot nito sa pangalan ng kanilang pamilya.

Alam niyang kahit pinalayo siya ng ama ay mahal pa rin siya nito dahil kung hindi ay pinilit na sana siya nitong ipalaglag ang dinadala niya maisalba lamang sila sa malaking eskandalo.

Isang masakit na pagpaparusa ngunit naintindihan niya dahil sa sakit na idinulot niya dito. At tinanggap niya iyon ng walang pagtutol.

Malaki ang pagkakautang niya dito kaya gagawin niya ang lahat mapatawad lang siya ng ama.

Pinalaki siya ng ama ng walang katuwang mula ng mamatay ang kanyang ina sa pagsisilang sa kanya. Hindi na ito muli pang nag-asawa pa dahil itinuon nito ang lahat ng pag-aaruga at atensyon sa kanya. Kaya ang lalim ng guilt sa nagawa niya dito ay dinadala pa rin niya.

Sa pagbabalik-Pinas niya ngayon gagawin niya ang lahat upang maging karapat-dapat na muli sa paningin nito. 

Hindi na siya katulad ng dating Yvette na mahina noon na takot na takot humarap sa responsibilad at problema. Natuto siyang mag-isa at lumaban noong isilang niya ang kanyang anak na nag-iisa sa Amerika dahil kahit ang kanyang bestfriend na si Larina ay iniwan siya dahil sa kanyang kahinaan.

Dahil sa kahinaan na iyon ay nawala lahat sa kanya. At hinding-hindi na niya mapapayagan pang maulit uli sa kanya ang naging bunga ng kanyang kahinaan.

Ilang ulit siyang nangarap na sana’y mamatay na lamang siya dahil sa mga nangyari sa kanya ngunit tumatapang siya habang lumalaki ang kanyang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Masyado siyang naging mapusok noon kaya napasok siya sa ganitong klase ng gusot.

She was burned to the deepest degree and was hurt despicably.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon