Chapter 8: The Probe

2.3K 36 0
                                    

“Saan na naman ang lakad mo?”

Natigil siya sa pag-aayos ng buhok ng tumagos ang kanyang tingin sa sariling repleksyon sa kanyang tokador at nakita doon ang imahe ni Larina.

Nagwisik muna siya ng pabango bago ito hinarap.

“I have an interview today.” Pagsisinungaling niya.

Nagiging bihasa na siya sa pagsisinungaling sa loob ng dalawang buwang nakararaan dahil nakakatingin na siya ng deretso dito hindi kagaya noon na halos magkanda-utal utal siya sa pagtatago dito sa mga tunay niyang lakad.

Nagi-guilty man siya ay wala siyang magawa dahil ang pagkalulong kay Nicholas ang nag-uudyok sa kanya upang magsinungaling.

Pag-ibig ang nagturo sa kanya upang magkaila sa mga nagaganap sa kanyang buhay ngayon.

Pinangangatwiranan na lang niya na hindi naman masamang magsinungaling kung ang nakataya ay sariling kaligayahan naman niya ang katumbas.

Napakamaka-sariling pakinggan pero iyon lamang ang pinaka-balidong rason upang makawala sa nararamdamang guilt.

Kung ipagtatapat niya kay Larina ang relasyon niya kay Nicholas ay tiyak na tututol ito at magsusumbong sa kanyang papa. At tiyak niyang uuwi ito kaagad ng Pinas upang pigilan ang kalokohan niya.

“Nagtataka naman ako kung bakit kailangan mo pang magpakahirap mag-apply sa ibang kumpanya samantalang may sarili na kayong kumpanya na naghihintay na lamang na pamahalaan mo?”  ang nanunuring tanong nito.

“Gusto ko lang maranasan just for one time kung paano maging empleyado at magtrabaho sa ibang kumpanya bago maging sariling boss ko ako. Ipinaliwanag ko na yan sa inyo ni papa hindi ba? At naiintindihan ako ng papa sa gusto ko.” Naiinip na sagot niya habang panay ang sulyap sa kanyang relos.

“Yan nga ang ipinagtataka  ko eh. Mula ng mag-OJT ka sa Gemstones parang nagbago ang pananaw mo sa buhay at pati sa pag-uugali at lalo na sa mga kilos mo. Hindi ko makita yung Yvette na iyakin at matatakuting sumubok sa hindi niya nakasanayan. Did something happen to you there?” matalas ang bawat panunuri nito sa kanya.

Napahalakhak lamang siya upang maitago ang biglang pagkabog ng dibdib sa mga matatalim na panunubok nito sa kanya.

“Hindi ba pwedeng magbago ang isang katulad ko?” balik-tanong niya dito. “Hindi ka ba natutuwa sa pagbabago ko Lari?”

“I don’t know, maybe naninibago lang ako sa biglaang transition mo halos hindi na kita makilala. At parang may inililihim ka sa akin eh which is so unusual. And I’ve been hearing rumors from your friends.”

Natigagal siya. Mabilis na nag-isip. Sa pinasok na pakikipag-relasyon kay Nicholas ay maingat silang hindi lumalabas sa mga pampublikong lugar kung saan maraming nakakakilala dito.

Noong una ay nagtataka siya dito kung bakit siya itinatago samantalang ang mga past girlfriends nito ay halos nakapangalandakan sa lahat ng newspapers at social magazines.

Ngunit kapag sinasabi nitong nais lamang nito na protektahan siya at mas maging pribado ang kanilang pagsasama ay natatabunan na ang lahat ng katanungan niya sa isip dulot ng kaligayahang ibinibigay nito sa kanya.

At pasalamat na rin siya ngayon dahil nagbunga ang pagtatago nilang iyon upang hindi siya mabuking ni Larina at magsumbong sa papa niya.

Mga tsismis at blind items lang sa society magazines ang mga lumalabas ukol sa newest conquest ng pirata ngayon na hindi nila matukoy hanggang ngayon. At walang mga pictures na makakapagpatunay na siya nga iyon.

At pasalamat pa rin siya dahil hindi mahilig magbasa si Larina ng ganung mga magazines maliban sa mga binibili niya noong mag-umpisa siyang humanga kay Nicholas. Kung hindi may magsasabi dito ay wala itong malalaman.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon