Chapter 4: Herstory

3.5K 45 1
                                    

Naramdaman ni Yvette ang pangangapos ng hininga ng sa wakas ay makarating na siya ng bahay. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tinungo ang silid ng hindi man lang dumaan sa silid ng anak upang silipin ito.

Deretso siya sa shower at naligo upang mahimasmasan. Pagkaraan ng ilang sandali ng nasa kama na siya’y bumalik-balik sa kanya ang eksena sa hotel entrance.

Hindi niya akalaing magagawa niya ang nagawa kanina. Ang alam lang niya ay nasiyahan siya sa kanyang pagkukunwari.

Dahil ang totoo apektado pa rin ba siya dito kaya siya nagpanggap na hindi ito kilala?

Napapikit siya ng isandal ang ulo sa head board ng kama. Maaari ngang nagkunwari lamang siya ngunit masisiguro niyang matagal ng nakasara ang pinto ng puso niya para dito.

Ngunit nagkamali siya dahil tila nasa harapan lamang niya ang mga matang sing-itim ng kadiliman ng gabi at kung mangislap ay tila mga bituin naman sa langit.

Parang kailan lang ay bumabalot sa kanyang katawan ang matitipunong braso nito sa kanya.  Sensitizing her mind and body at his gentle touch. Na tila ba nasa tabi lamang niya ito at hinehele siya ng mga yakap nito matapos nilang magniig.

Ang labi nito na tila kahapon lang ay sumisiil ng halik sa kanyang mga labi.

At ang mga haplos nito ay para bang kumikiliti pa rin sa kanyang kabuuan na nagbibigay ng pag-asang may natatanging espesyal na damdamin ito para sa kanya.

Hindi na niya napigilang maglakbay ang isipan sa nakaraan ng mapahikbi siya ng tuluyan.

“Are you out of your mind, Yvette? Baliw ka na talaga, ano?”  walang gatol na talak ni Larina sa kanya.

“Pwede ba, Lari,” Ito ang magiliw na tawag niya sa bestfriend at Ivy naman ang tawag nito sa kanya kung hindi ito galit sa kanya kagaya ngayon. “Ito na ang pagkakataon ko para ma-meet si Mr. Pirate. Kaya kung maaari sana samahan mo ko dun.”

“You’re crazy! Never! Hindi mo ko mapapasali sa mga kagagahan mong yan!” galit na talaga ang tono nito. “Ano ba ang pumasok sa kukote mo at diyan ka mag-o-OJT, ang laki-laki ng garment factory niyo, dun ka mag-OJT!”

“Hindi nga pwedeng mag-training sa sariling kumpanya dahil magiging bias sa performance rating, kaya nire-require na maghanap ng ibang kumpanya. At gusto ko sa Zirconia Hotel mag-OJT.”

“Kaya nga hindi ka pwede sa Zirconia Hotel dahil Management ang tatapusin mo hindi HRM, pwede ba!” ang singhal nito na tila ba mapuputulan ng litid sa iritasyon sa kanya.

Pero ipinag-kibit balikat lamang niya iyon ng balikat. Desidido na talaga siya sa gustong gawin. At wala ng makakapigil sa kanya kahit si Larina.

Hindi niya mapipigilan ang galit nito dahil alam na alam nito ang dahilan kung bakit sa Zirconia Hotel niya gustong mag- OJT.  Nandun kasi ang dream boy niya.

Last semester na nila sa kolehiyo. OJT na lang ang kulang at ga-graduate na sila. Dahil sa garment factory nila kaya management ang kinuha niyang kurso samantalang si Larina na nahilig sa pagdidisenyo at pagpapaganda ng bahay ay Interior Design ang kinuha ngunit sa parehong eskwelahan sila nag-enrol para hindi pa rin magkahiwalay.

Tinitigan niya ito ng tila naglalambing at nginitian ng matamis upang makuha niya ang pagsang-ayon nito.

“Isn’t a hotel not part of management?” ang pamimilosopo niya. “Sige na Lari, hindi naman ako sa mismong hotel magta-trabaho kundi sa office nila, I will not be somekind of a chaimber maid nor a receptionist doon ‘no.”

“Kahit na, I don’t approve.”

“Para kang si Daddy eh, nakakasuya naman.”

“Dahil alam ko kung ano ang purpose mo doon. Ano ba ang nakita mo sa lalaking iyon? Sa Magazines mo lang nakikita mamatay-matay ka na sa pagka-inlove! And by Gods, Ivy, bulag ka ba sa mga nababasa mo? That guy is an absolute bad boy daig pa niya ang casanova! Hindi ang ganitong klase ng lalaki ang pinag-aaksayahan ng panahon at paghanga.”

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon