Chapter 5: The Enemy Encounter

2.6K 42 0
                                    

Dalawang lingo na lang at matatapos na ang OJT ni Yvette sa Gemstone at pagkatapos nito ay graduation na nila.  Magtatapos na ang semestre at training niya sa Gemstones ngunit ni anino ni Nicholas ay hindi pa niya nakikita simula ng mag-umpisa siyang magtrabaho dito.

Halos kabisado na niya ang gawain sa opisina pati mga empleyado dito ay halos kakilala na niya at nakasundo na  rin niya ang middle aged executive secretary nito na si Selma ngunit si Nicholas ay ni minsan ay hindi man lang pumasok ng opisina.

Bawat araw ay kinasasabikan niyang pumasok upang makita lamang ito at mapalapit dito. Ngunit sa bawat araw na pagpasok niya at madatnang bakante pa rin ang silid nito ay unti-unting nawawalan siya ng pag-asa.

Paano pa siyang makakabawi sa unang pagkikita nila kung hindi naman ito pumapasok ng opisina?

At tuluyan na ngang mamamatay ang kanyang pag-asa kung ilang araw na lang ay matatapos na ang kanyang training na ni wala man lang nangyayari.

Parang hindi niya matanggap na nagpakapagod siya sa wala.

Ayon kay Selma ay nasa abroad ito diumano at may inaasikasong transaksyon at malayong umuwi kaagad ito kung mabigat ang inaasikaso nito doon. Bukod pa sa isinasabay na rin nito ang pagbisita sa ilang chains of hotels nila internationally.

At may idinagdag pa ito na nakakakirot ng dibdib. Maaaring nagtatagal pa ito lalo kung may nakikilalang babae doon. Madalas daw na ine-extend nito ang business trip kung may nakukursunadahang babae kahit pa manggalaiti na ang nag-iisang kapatid nito na umuwi na ito ng Pilipinas.

Alam niyang may kapatid ito ngunit very low profile, ang siyang CEO ng lahat ng kanilang businesses ngunit ang chain of hotels ay pinamahala na ng solo kay Nicholas.

At maging ang nakakatandang kapatid diumano nito ay hindi ito mapigilan sa pambabae kung may matipuhan ito. Ang mabuti nga lamang naman dito ay hindi naman nagpapabaya sa responsibilidad ito kaya’t hinayahayaan na lamang ng pamilya nito.

“Yang si Nicholas, matulis talaga sa babae kaya ingat ka Yvette sa ganda mong yan hindi ka palalampasin nun.” Ang dagdag biro pa nito sa kanya.

“Ni hindi nga ako napansin nun nung umpisa pa lang eh, tapos sasabihin mo hindi niya ako palalampasin.”  Ang wala sa loob na sagot niya.

“Aha!” ang pambubulaga nito sa kanya. “Ibig mong sabihin may gusto ka kay Nicholas? Well, sino ba naman ang hindi magkakagusto dun.”

Nag-blush siya.

“What I meant is, hindi ako ang tipo ni Sir Nicholas.”

“Diyan ka nagkakamali hija, nasa sa iyo ang lahat ng qualities na magugustuhan ni Nicholas, itaga mo yan sa bato.” Ang serysosong sabi nito.  “I’ve been here for more than three decades, nakita ko nang lumaki ang mga batang del Frias, parang mga anak ko na ang mga yan kaya’t kabisado ko na sila.” Anito na kita sa mukha ang loyalty at pagmamahal sa magkapatid na del Frias.

Napatingin si Yvette dito, inarok kung seryoso ba ito o nagbibiro lang dahil kahit pa nasa posisyon ito ay kilala itong mapagbiro kung hindi lamang din tungkol sa trabaho.

“O wag mo akong tingnan ng ganyan, totoo ang sinasabi ko.  Alam mo Yvette, hindi naman talaga maloko sa babae si Nicholas sa inaakala ng lahat.  Madami man itong nakarelasyon pero one at a time siya, he’s loyal during the duration of a relationship. Tingin ko lang sa batang iyan hindi pa nakikita ang babaeng magpapaibig sa kanya kaya’t papalit-palit ng girlfriend. At nasanay kasing hinahabol ng mga babae kaya yan namihasa na rin at hindi mapigilang pagbigyan lahat. Pero kapag natumbok ang puso nun pipintig na lang para sa iisang babae.” Anito na titig titig pa sa kanya na para bang sinasabi nitong siya na nga iyon.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon