Chapter 3: Total Stranger

3.2K 62 0
                                    

“Don’t be a slouch, Yvette, let’s get that body moving.” Ang malinaw na dinig ni Yvette mula kay Erik kahit pa halos nakakabingi na ang pinaghalong ingay at tugtog sa loob ng disco house.

Sinimsim niya ang hindi pa nangangalahating cocktail drink. Pinipilit niyang mag-enjoy ngayong gabi kaya pumayag siyang maaya ni Erik, ang production manager ng kanilang garment factory.

Kung hindi lamang niya kailangang mag-relax ay hindi siya sasama dito. The guy is absolutely besotted with her.

Hinawakan pa nito ang kanyang kamay ng pahila na hindi man lang hinintay ang pag-sang-ayon niya. Pero mabilis niya itong pinigilan sa pamamagitan ng pagbawi dito.

“I’m sorry Erik but I don’t feel like dancing.” Nayamot niyang sabi ngunit hindi masyadong pinahalata.

Hindi na ito nagpumilit ng titigan siya ng may kahalong disappointment. Tipong inaarok siya nito kung nagpapakipot lamang ba siya o nagu-umarte lamang. Ngunit ng makitang seryoso siya ay napaupo na lamang ito sa kanyang tabi.

Nainis siya lalo ng ang braso nito ay isinampay pa sa sandalan ng kanyang kinauupuan na tila ba nakaakbay na ito sa kanya.

Presko ito ngunit pinilit niyang iignora dahil lalo lamang siyang maiinis sa garapalang pagpapapansin nito sa kanya. Kung tutuusin ay boss siya nito pero matapang talaga ang hiya nitong magparinig na may gusto ito sa kanya sa unang pagkikita pa lang nila sa opisina noon kaya bistado na niya ang layunin nito.

“C’mon, it’s just a dance. Kaya nga tayo nandito hindi ba?” ang giit nito.

“Don’t push it.” Sabi niya sa tono ng isang boss. Napabuga siya ng hininga ng ilipat ang tingin sa dance floor nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang nawalay na bestfriend.

Kapag nababagot sila ni Lari ay nagpupunta sila sa disco. At magagaling silang mananayaw. Kahit anong sayaw ay kaya nila.

Muli siyang napa-buntung hininga ng malalim. Wala na siyang kabali-kabalita kay Lari. Ni hindi nga niya alam kung saan ito nagtungo matapos silang magtalo sa ospital noon. Ni hindi naman na niya nagawang hanapin pa ito dahil kaagad siyang pinapunta ni Don Manuel sa Amerika.

They practically grew up together. Hanggang sa magkaroon ng matinding sigalot sa pamilya nito na naging tampulan ng malaking eskandalo sa kanilang subdibisyon noon pero bukas palad nilang mag-ama na kinupkop ito at inilayo sa masasakit na alaala ng pagkakawatak-watak ng pamilya nito.

Oh, damn, how she missed Larina. Higit pa sa magkadugo ang bonding nilang dalawa. Hindi dahil sa parehas silang solong anak kaya sila naging magkalapit.

Lalong nadagdagan ang pagkabagot na nararamdaman niya sa pagkakaalala sa nag-iisang matalik na kaibigan. Kung uuwi naman siya ay tiyak na kukulitin na naman siya ng ama na pag-usapan ang lalaking nakabuntis sa kanya. Napapikit siya.

Noon ay gusto niyang ipaglaban ang karapatan at pag-ibig sa lalaking unang pinagkatiwalaan ng kanyang puso ngunit napagtanto niyang hindi ang isang katulad nito ang dapat na ipaglaban matapos niyang magising mula sa masakit na reyalidad.

At duda siya kung pag-aaksayahan pa siya nito ng kahit sulyap man lamang matapos makuha ang gusto nito sa kanya. Baka nga pagtawanan pa siya nito.

Hindi nga ba’t matapos siyang pagsawaan nito ay para lamang siyang basahan na itinabi? At siya naman na isang luka-luka ay habol pa rin ng habol dito noon?

Napamura siya sa isip. Inubos niya ang laman ng kopitang iniinom. Pagkatapos ay bigla siyang tumayo at binitbit ang bag.  Napasabay-tayo rin si Erik sa pagkagulat sa ginawa niya.

“Saan ka pupunta?” ang takang tanong nito.

“Home.” Ang natatamad na sagot niya.

“B-but we just got here.” Halatang pilit ang pagpapakahinahon nito.

Napangiti lamang siya ng walang tamis bago tuluyang iniwan ito.  Alam niya sa sariling mahirap na siyang pakitunguhan lalo na pagdating sa mga lalaki. Naging mailap na siya matapos siyang mapaso noon. Hindi dahil sa ayaw niya ngunit may pakiramdam siyang hindi na niya kayang umibig pang muli.

Wala siyang pakialam magalit man si Erik. Pinagbigyan lamang niya ito. Kilala na niya ang klase nito.

Mayaman siya at maganda. Suwerte nito kung mapapaamo siya. Dahil daig pa nito ang naka-jackpot sa lotto kung mapapaibig siya ninuman kahit pa sabihing isa siyang dalagang ina.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon