Muling pinasadahan ni Yvette ang imahe sa salamin. Hapit na hapit sa kanyang katawan ang pulang-pulang velvet dress. Haltered type ito at malalim ang uka nito sa dibdib na umabot hanggang sa gitna ng kanyang tiyan ngunit nakakasiguro naman siyang hindi ito bibigay o lilihis sa dapat na tinatakpan sa anumang maling ikikilos niya.
Litaw na litaw ang makikinis at mahahaba niyang legs dahil sa igsi ng skirt. Mala-porselana sa kaputian na hayagang nakaparada sa mata ng sinumang makakakita.
Wala siyang ibang aksesorya sa katawan maliban sa malapad na gold wrist band type bangle sa kanang kamay.
Ang strap ng stilletoe sandals niya ay two and a half inches ang taas na kumplimentaryong-kumplimentaryo sa hindi kalakihang paa. Matangkad siyang babae ngunit maliit ang kanyang paa na tila kagaya sa mga maharlika.
Medyo kinulot ang kanyang mahabang buhok na hinayaang nakalugay sa kanyang balikat at likod. Nilagyan din ito ng highlights upang lalong lumutang ang mala-mais na kulay ng buhok.
Ang make-up niya ay tamang-tamang lang sa panggabing okasyon o sa isang night out party.
Hindin naman siya nagmukhang kaladkarin o cheap o bastusin sa ayos at suot niya. It came with good taste and class.
Class at sopistikadang-sopistikada siya.
Tila siya isang mamahaling porselana sa kaputian at kakinisan dahil sa kulay ng kanyang suot.
Siniguro niyang mapapansin siya dahil pagpasok pa lang niya sa hotel bar ay maraming ulo na ng kalalakihan o babae man ang napapalingon sa kanya.
Dumiretso muna siya sa powder room upang muling siyasatin ang sarili bago muling bumalik sa bar upang masigurong nasa ayos ang lahat sa muli nilang pagtagtagpo ni Nicholas.
At kagaya rin kanina bago siya umalis ng bahay ay nasisiyahan siya sa nakikita sa sarili ngayon.
Ni hindi siya makapaniwalang malayong-malayo na ang itsura niya mula sa isang regular na kolehiyala dalawang linggo na ang nakakaraan.
Hindi naaksaya ang perang ginastos niya sa pagpapa-make over sa isang sikat na salon. Mas marami siyang natutunang tips sa tamang pagme-make up at pag-aayos sa sarili sa iba’t-ibang okasyon.
At satisfied na satisfied siya sa kinalabasan ng pagsisikap niyang mabago ang pisikal na kaanyuan.
Ang laki ng naging transisyon niya at kung paano niya ito madadala ay ‘bahal na’ ang paulit-ulit na sinasaksak niya sa utak.
Ke naiintindihan o hindi ang pinaggagawa niya sa sarili ay walang halaga sa kanya dahil ang tanging nais niya ay masilo si Nicholas.
Siguro nga talagang sira na ang ulo niya dahil habang lalong lumilipas ang mga araw ay lalong tumitindi ang pagnanais niyang makuha ang interes nito.
Siguro nga ay obsessed na siya dito pero ayaw niyang tanggapin mas nanaisin pa niyang sabihin sa sarili na totoong iniibig niya ito kung kaya’t nagkakaganito siya.
Baliw na baliw siya sa pag-ibig dito at ginagawa niya ang lahat upang makuha lang ito.
Kahit nga sariling kaibigan ay napaglilihiman na niya dahil nakapokus lamang ang kanyang isip dito.
At napapaniwala naman niya si Larina na walang kakatwang nagaganap sa kanya. Kagaya ngayon na napaniwala niya itong may post graduation party ang mga kaklase niya kaya nakalabas siyang mag-isa ngayong gabi.
At nagpapasalamat siya na pagkatapos ng graduation nila ni Larina ay umalis kaagad ang kanyang papa patungong abroad upang ipagpatuloy ang transaksyong inaayos nito para sa kanilang negosyo. Umuwi lamang ito sandali upang maka-attend sa graduation nila at pagkatapos ay muli na naman itong umalis.
BINABASA MO ANG
THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3
Romansa~~~ "Nasisiraan ka na bang talaga?... We have just met and now you're declaring love? I've never met such a woman who does and it scares the hell out of me." ~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Pinabalik siya ng Pinas ng...