Chapter 10: Broken

4K 92 21
                                    

Matagal na nakatitig si Yvette sa nakaparadang kotse ni Nicholas.

Ilang araw na kasi niya itong hinahagilap at pabalik-balik sa bachelor’s pad nito. Nagbabakasakali siyang matatagpuan niya ito dito at sinuswerte siyang makikita ito ngayon dahil nandito ang sasakyan nito.

Hindi naman siya makatawag kay Selma ng hindi nagpapakilala dahil naging istrikto ito sa pag-ii-screen ng lahat ng tawag para kay Nicholas bago magbigay ng impormasyon tungkol dito. Kaya’t hindi niya ito matanong kung saan ito naglalagi o nagpupunta.

Tanto niyang iniiwasan siya nito mula noong huling gabi ng pagkikita nila dahil hindi na siya nito tinatawagan o kinokontak man lang.

At lahat ng mga tawag niya ay hindi nito sinasagot. Pati mga dati nitong pinupuntahan ay wala ito kaya’t malinaw na malinaw sa kanya na iniiwasan siya nito.

Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya upang pagtaguan siya nito dahil napakaganda nang huling gabing pinagsaluhan nila noon.

May takot man siya sa dibdib na ito na yata ang katapusan nila ay ayaw niyang i-entertain dahil binibigyan niya ito ng katwiran upang mawala ang pinangangambahan niya.

Iniisip na lang niya na baka busy ito o may inaasikasong mahalaga sa negosyo ng pamilya nito dahil hindi naman biro ang magpalakad ng isang hotel empire upang basta magpabaya na lang ito sa responsibilidad.

Maaaring sa kaabalahan nito ay hindi na nito magawang tawagan siya o madalaw man lang.

Ngunit patuloy na gumigiit sa kanyang utak na hindi lilipas ang dalawang araw ay tinatawagan na siya nito.

Pinakamatagal na ang tatlong araw na hindi ito makatiis na hindi siya makita.

Ngunit nakalipas na ang tatlong araw na ni hindi man lang ito nagpaparamdam kahit sa telepono.

In fact, magda-dalawang linggo na siyang walang balita dito. Ganoon na katagal. Hindi kaya nagkasakit ito? O Naaksidente kaya ng hindi niya nalalaman?

O sa mas masakit at reyalistikong katotohan ay tuluyan na nga siyang iniwanan nito?

Napapikit siya sa pagtanggi. Hindi niya makakayang tanggapin. Hindi ganoon si Nicholas ang giit niya sa kanyang utak.

Kung wala itong panahon na makipagkita sa kanya siya na ang pupunta dito.

Napawi lang ang kanyang malalim na pag-iisip ng may bumusina sa kanyang likuran. Kaagad na pinaandar niya ang sasakyan at pumarada.

Masyado siyang nakatutok sa malalim na pag-iisip kung kaya’t nakalimutan na niyang nakatigil ang sasakyan niya sa gitna ng daan ng parking lot ng makita ang nakahimpil na sasakyan nito.

Habang sakay siya ng elevator ay nagkaroon siya ng ilang sandaling mapakalma ang sarili sa anumang alalahanin.

Nang marating na niya ang twentienth floor ay mahinahon na ang kanyang pag-iisip at bumangon ang excitement sa dibdib na makikita niya ito ngayon.

Huminga muna siya ng malalim bago pinindot ang button ng doorbell ng nasa harap na siya ng pintuan ng pad nito.

Nakailang buzzer din siya bago siya napagbuksan ng pinto at hindi niya inaasahan ang taong magbubukas sa kanya.

Ni hindi siya nakapagbitaw man lang na kahit na anumang salita ng bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ni Shane dahil nabikig na ang lalamunan niya.

Shock na shock talaga siya pagkakita dito.

Nakasuot lamang ito ng guhitang kulay asul na polo na halatang hindi sa kanya dahil lagpas ang dulo nito hanggang sa itaas ng tuhod nito.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon