Last two days na niya sa Gemstones. Tuluyan ng namatay ang pag-asa ni Yvette na muling makikita si Nicholas. Lahat ng plano niya para dito ay nabasura na ng tuluyan.
Daig pa niya ang naulila uli. Bagama’t hindi niya alam ang pakiramdam ng isang naulila ngunit ngayon ay alam na niya kung ano ang pakiramdam ng isang namatayan.
Masakit. Makirot. Malungkot. Parang mahirap makabangon sa pagkabigo.
Maaga siyang pumasok ngayon kesa sa nakagawian niya. Nadatnan pa nga niya ang mga janitors na naglilinis.
Sinadya talaga niyang pumasok ng maaga dahil gusto niyang pumuslit sa silid ni Nicholas.
Gusto niyang maramdaman ang presence nito doon kapag naririto ito. Kahit man lang sa paraang ito ay makapiling niya ang presensya ng pinapangarap na lalaki.
Dinampot niya ang picture frame nito at dinala sa dibdib. Mahigpit na kinipkip at pinangarap na sana ay si Nicholas nga ang yakap-yakap niya.
Hindi niya talaga mapigilan ang pagbugso ng damdamin para dito. Para siyang isang teenager na patay na patay sa isang crush.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito kalalim ang damdamin niya para rito dahil kung tutuusin ay hindi pa naman niya lubusang nakikilala pa ang pagkatao nito.
Sa pictures at features sa magazines nga lang niya ito nakilala ay nagkagusto na siya kaagad.
At ng makilala niya ito ng personal ay higit pa sa nararamdaman niya noon ang pagtatangi niya dito.
At habang nasasabik siya sa mga araw na pagpasok nito ng opisina at makita ito ay siya namang pag-ugat ng isang malalim na pag-ibig ang tumutubo sa kanyang dibdib lalo na kapag kine-kwentuhan na siya ni Selma ng tungkol sa pagkatao at buhay nito.
She’s like an obsessed woman so madly in love with the man.
At naiinis siya sa sarili kung bakit ganun na lamang ang pagtinging inuukol niya sa isang lalaking ni hindi man lang siya tinapunan ng kaunting interes.
At nagnanaknak ang kanyang puso sa pagdurugo dahil ni hindi man lang siya nagkaroon ng tsansang maipakita dito kung gaano niya ito kamahal.
Gusto niyang maiyak na bukas ay magpapaalam na siya sa Gemstones ng hindi man lang muling nakikita ang lalaking pinapangarap.
Hanggang sa pangarap na lang ba niya iibigin ito? Mananatili na lang bang ilusyon lahat ang kanyang plano na makasama ito?
Napapikit siya na hinalukipkip ng mas mahigpit ang picture frame ni Nicholas. Dala-dala niya ito sa dibdib na napaharap siya sa pinto at napasandal sa lamesa nito.
Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nanlaki ito sa pagkagulat dahil tumambad sa kanyang paningin ang nangingiting imahe ni Nicholas.
“Nicholas!” ang nasorpresang bulalas niya ng mabitawan ang yakap-yakap na picture frame nito at nalaglag sa makapal na carpet.
“What are you doing in here obsessing with my picture frame?” Ang namamanghang tanong nito habang papalapit sa kanya at pinulot ang nalaglag na picture frame.
Halos pangapusan siya ng hininga sa hindi malamang gagawin o isasagot. At lalong hindi siya nakahinga ng sadyang humarang sa kanya ang katawan nito upang ibalik sa dating kinalalagyan ang picture frame nito.
“N-nicholas?” hindi pa rin makapaniwalang sabi niya.
“I’m asking you what are you doing in here obsessing with my picture frame? Instead of mumbling my name over and over again.”
Pagtingala niya dito ay napagtanto ni Yvette na titig na titig ito sa kanya at naroon ang ‘inquiring look’ at hindi naman pala dahil sa na-aamaze ito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3224957-288-k89449.jpg)
BINABASA MO ANG
THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3
Romance~~~ "Nasisiraan ka na bang talaga?... We have just met and now you're declaring love? I've never met such a woman who does and it scares the hell out of me." ~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Pinabalik siya ng Pinas ng...