Kabanata 44

952 42 17
                                    

Kabanata 44

Visit

I almost laughed. Why did Maeve need Atlas? Doktor ba siya para kailanganin niya nang gano'n? Nasa kaniya ba ang mga gamot nito? Siya ba ang lifeline nito?

We were having the time of our life in Japan, but now, here I was in my room in the Ysaguirre's mansion, tucked into bed yet not in the mood to sleep. Pagod ako dahil sa biglaang pag-uwi namin at dahil magha-hating gabi na nang dumating kami, iminungkahi nalang ni Atlas na huwag ko na siyang samahan sa ospital. Ayos lang naman sa 'kin 'yon dahil may parte sa 'king ayaw makita ang sitwasyon ni Maeve. It's just disappointing 'cause everything was going well, then all a sudden...

Somehow, I knew that she was sick. Noong una ko siyang nakita sa YSI ay pansin ko ang pangangayayat niya at noong nakisali siya sa dinner namin ni Atlas, ang sabi ni Douglas ay galing silang ospital. She did look devoid of life but I thought it was because Atlas was being cold to her. 'Yun pala'y totoong may sakit siya.

I slept hoping that after waking up, Atlas would be beside me, but he wasn't. Pero wala na akong panahong malungkot dahil kakabalikwas pa lang sa kama ko'y napahawak na ako sa tiyan ko dahil sa biglaang pagkakaduwal. I rushed to the bathroom and didn't even think twice about puking inside the toilet bowl. Parang may pumipiga sa kaloob-looban ko. Ilang minuto ang ginugol ko sa pagsusuka at nang matapos ay namilog ang mga mata ko dahil sa natanto.

Oh my god. Buntis ba ako?

"Hija, good morning," Tita Lucy greeted me after I arrived at the dining room.

Nakapeignoir pa rin ako pero disente naman 'yon para sa umagahan. Lalo na't nang dumapo ang tingin ko sa kabisera'y naroon si Tito Thomas at nagbabasa ng diyaryo.

He lowered the newspaper to the table and smiled at me. "Good morning, anak."

Namula ang mga pisngi ko. I sat on a chair in front of Tita Lucy. Mukhang napansin niya ang biglaan kong pagkahiya kaya siniko niya ang asawa niya't kinindatan ako.

"Don't mind him, dear! He likes calling youngsters anak."

But I'm not young anymore, I wanted to say, but then I let it go. Nagsimula na kaming kumain ngunit habang tinitignan ko ang nakahaing mga ulam ay bumabaliktad ang sikmura ko.

How awful! Pero kung buntis nga ako, ba't ngayon lang naglabasan ang mga sintomas na 'to? Is this normal? I should probably research about pregnancy stuff later!

"Kamusta na kayo ni Atlas, hija? Nagkabati na ba kayo?" si Tita.

Tumango ako. "Opo... we made up."

"Did you do what I told you to do?"

Mas lalong pumula ang mga pisngi ko. Right! She's talking about make up sex!

Makahulugan ko nalang siyang tinitigan at nang malapad siyang ngumisi'y alam ko na agad na naintindihan niya ang tingin kong 'yon.

"Great! I can't wait to have grandchildren!"

"Lucy," Tito laughed, "huwag mong i-pressure ang magkasintahan. Hayaan mo silang magdesisyon para sa buhay nila."

She shook her head in disapproval. "Alam mo kung bakit ako desperada? Kasi ayaw kong matulad kay Rowan ang anak natin! Goodness, napakagwapong binata pero wala pa ring maipakilala sa atin!"

"He's just enjoying his prime, Luce. He'll come around."

After breakfast, Tita Lucy and I talked about trivial and random things. Nang magsawa ay tumungo na ako sa kuwarto ko at natulog ulit. I woke up at around 10 AM and since I had nothing to do, I took out my phone and researched about pregnancy. I learned that it's normal for the symptoms to appear only after four weeks so I was now sure that I was pregnant. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako sa tuwa.

The Antiquity of Us (La Fortuna Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon