Kabanata 22
Jealous
'Di pa rin maalis sa isipan ko ang pagiging show-off ni Atlas kanina sa rehearsals. Damn. I should probably get used to this, right? Ayos lang naman sa 'kin ang atensyon niya, e. Naiilang lang ako kapag pinagpipyestahan na kami ng mga tao.
Isa pa, mukhang 'di nagustuhan ni Maeve ang nangyaring 'yon kanina. She kept looking away from me after that. Nakikipag-ungusan na rin siya sa 'kin sa rehearsal ng production number. Aksidenteng napatid niya pa ako! Gosh! May naitanim na ata siyang sama ng loob sa 'kin ngayon pa lang!
"Why the long face?" Atlas asked as he sliced the steak on my plate. Sinalinan niya rin ng wine ang kopita ko.
Umiling ako. "Nothing. Pakiramdam ko lang kasi ay nagalit si Maeve kanina, e."
"Nagalit? Bakit naman?" A line formed between his eyebrows.
Nagsimula na kaming kumain. Nasa isang restaurant kami sa town center dahil maaga kaming natapos kanina. Pareho kaming gutom kaya napagdesisyunan naming dito na lang maghapunan at dadalhan na lang ng take-out si Mom pagkatapos.
"Well, isn't it obvious? The girl likes you, Las."
His eyebrows furrowed more. "She's just a friend, babe. I'm sure she thinks of me the same way."
"Tss. Pusong-bato ka ba?"
"Is that a pick-up line?"
"No!" Sinamaan ko siya ng tingin. He laughed. "Seriously, 'di mo alam? Halata namang may gusto sa 'yo 'yon, e. At talagang umaasa siya! She wouldn't be so upset if you didn't lead her on!"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko talaga alam. She's Douglas' sister that's why we're acquaintances. Wala naman na kaming masyadong interaksyon nitong nakaraang mga buwan."
"Because?"
"Because I have nothing to talk with her." Mukhang may napagtanto siya kaya umayos siya ng upo. He gave me a menacing smile. "Wait, nagseselos ka ba?"
I blinked twice. "No!"
"You used to be a better liar, love. Hindi 'yan gagana sa 'kin."
Napabuntong-hininga ako. 'Di naman talaga ako nagseselos, e. Konti lang.
"I'm just... curious, okay? Ba't ikaw talaga ang nagbigay ng flowers sa kaniya noon? I thought LAFOMA's strict with going in and out of the campus? Tapos talagang binisita mo siya sa LFU para lang bigyan siya ng bulaklak?"
Binitawan niya ang mga kubyertos niya upang mabalingan ako ng buo niyang atensyon. He tried to bore a serious look but I could clearly see the ghost of a smile on his face. Napanguso ako.
Obviously, he's enjoying this!
"I was requested at YSI that same day. Dahil mas flexible ang schedule ko kaysa kay Douglas at maliit na bagay lang naman ang pagpunta sa LFU, ako na lang ang nagbigay ng bulaklak niya. It didn't mean anything to me."
"Really? Even the kiss that she gave you? Wala lang din ba 'yon?"
He grinned some more. "She's a sweet person, princess. Ganoon talaga siya kahit kanino. Besides, she's also like a sister to me because of Doug. I never thought of her in the way you think I did."
"Sister? Magka-edad lang kami, ah? So sister mo rin ako?"
"Of course, not." His face darkened as he let out a gruff chuckle. "I wouldn't get a fucking boner for my sister. That's just disgusting."
Para akong uod na binudburan ng asin dahil doon. Kapag talaga sumasagi sa isipan ko ang mga kahalayan niya ay parang gusto ko na lang na kainin ako ng lupa. He's such a pervert!
![](https://img.wattpad.com/cover/223939854-288-k944812.jpg)
BINABASA MO ANG
The Antiquity of Us (La Fortuna Series #2)
RomansaA life of despair and deception is the life that Iowa Linarez lives. As she pretends to be Ionna Linarez, her dead twin sister, she has no choice but to walk in someone else's shoes and achieve someone else's dreams, even though she has her own, too...