Kabanata 12

12.1K 424 380
                                    

"You're kidding, right?"

He looked at me with a shock on his face.

In the end, he sighed. "Yeah, right?"

Humagalpak ako ng tawa at hinampas siya sa balikat. "Sabihin mo na kasi! Come on, Alis. Ang damot mo!"

"Nandyan na ang sundo mo. You should go,"
malamig na sabi niya sa akin at tinulak pa ako paalis.

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko habang malalim na iniisip ang sinabi ni Alis.

I wonder why.. I mean, he was not serious when he said that right? He can't be.

Ni minsan, wala akong nahimigan na kahit ano mula sa kaniya. He can never like me. That is absurd. Pakiramdam ko hindi naman ganoon si Alistair. He likes someone who is shy and very silent kind of woman. Ako'y malayong malayo doon.

And, he's my best friend!

Speaking of liking someone.. naisip ko si Hunter. Umangat kaagad ang sulok ng labi ko at kinapa ang cellphone sa ilalim ng unan.

It's night. Alas dyis na ng gabi. Madilim sa kwarto ko at tanging ang lampara lang ang nagsisilbing ilaw ko.

I opened my Facebook account and started stalking him. Wala pa ding update sa kaniya. Nakakainis 'tong lalaking 'to. If I got that ton of followers, I'd post my selfies and won't be tired.

Amberley Fedelin : Hi!

I sent him a smiling dog sticker after that. Lumitaw ang kulay berdeng bilog na ibig sabihin ay online siya ngayon. Online siya!

He immediately replied.

Hunter Lucas : Good evening.

So formal!

Me : Why are you still awake? Aren't you supposed to be sleeping? Wala kang pasok bukas?

Hunter : Meron. May pasok ka din naman pero hindi kita pinakealaman.

Napaupo ako at hindi mapigilang mapangisi. Pigil ang tawa ko sa kasungitan niya.

Me : How did you know?

Hunter : I guessed.

Me : So why aren't you sleeping nga?

Ngumuso ako habang namimili ng sticker na pwedeng isend sa kaniya. Sa huli ay isang nakasimangot na aso na lang ang pinili ko. Just to make it look like I'm possessive.

He's typing.

Hunter : I sensed that you would chat.

Tinikom ko ang bibig ko at nagpakawala ng isang impit na tili. I covered my face with my whole pillow. Hingal na hingal ako pagkatapos ibuhos ang tili doon.

Me : Hustler.

Hunter : Jk. I was about to log out and sleep.

Napawi kaagad ang ngiti ko.

Me : Oh. Okay.. sleep, then.

I sent him a sad dog sticker just to make him realize that I don't like his idea of leaving me here. Pinanood ko kung paano lumitaw na typing siya at maya maya'y nawawala pero lumilitaw ulit.

Hunter : I can't sleep, though.

I bit my tongue.

Me : May kausap ka ba?

Hunter : Anong tawag mo sayo?

Me : No. I mean, iba pa?

Hunter : Meron.

Sumimangot ako. Why is he so honest? Sa sobrang honest niya ay naiinis ako.

Sumalampak ako sa kama habang nasa mukha ko ang cellphone ko. Bumuga ako ng hangin at naghanap ng sticker na nababagay sa nararamdaman ko ngayon. Wala akong nahanap kaya nagtype na lang ako ng mensahe ko sa kaniya.

Amber Alert (El Vicente Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now