Kabanata 29

12.6K 351 269
                                    

"Madam!" Flora shouted when she saw me.

Umuusok ang ilong ko sa inis at hinanap si Cruzita sa likod niya para sana makaalis na pero wala. Kumulubot ang noo ko dahil doon.

"Where's your cousin? Is she done? Tara na, umalis na tayo." nagmamadali kong sabi at hinila siya paalis sa hallway na iyon.

The scene a while ago is still playing on my mind. Ayaw kong bumalik doon. Gusto ko nang umalis! Hindi talaga maganda ang pagpunta ko rito, e. Look what happened! Just fucking look who I bumped in to!

Kumamot siya sa batok. "Iyon nga, Madam. Nandoon siya ngayon sa boss niya, makakaalis naman raw siya kaagad kung ipapaalam ko. Kaya ano? Tara, Madam!"

I sighed. "Okay."

Hindi na ako nakaangal nang hilain ako ulit ni Flora sa ibang kwarto naman. That's when I remembered who the hell is Cruzita's boss. I was too occupied to even think about that. Panay tuloy ang mura ko sa isip ko nang makarating kami sa isang dressing room, pareho sa pinanggalingan ko.

"Cruzita's boss is part of a famous band pala. Have you heard about the band, Alpha? Huh? Madam?"

Umirap ako at hindi nagsalita. Ofcourse, I know! I once made out with that band's vocalist and went too far! We just didn't make out, kung alam niya lang! I gritted my teeth.

Flora looks like she's enjoying everything right now. Lalo na nang makita niya si Clyvan na kinakausap ang pinsan niya habang prenteng nakaupo sa upuan katapat ng vanity table.

I tried so hard to hide myself. Marami namang tao, usually mga naga-assist kay Clyvan. And Cruzita is one of those. I stood right beside the door with Flora who is calling her cousin.

"Huh? Uuwi ka na ba?" I heard Clyvan said.

Cruzita nodded, "Opo, sir. Nandoon na po ang pinsan ko, o.." turo niya sa amin.

Nanlaki ang mata ko at lumingon sa kaliwa ko, sa pintuan.

Sakto ay bumukas ang pintuan kaya kaagad akong napaatras at natakot na baka masagasaan ng mga taong papasok.

Sunod sunod na lalaki ang pumasok sa loob. All of them were tall and very dashing. Para akong nahilo nang marealize ko ang lahat ng nangyayari. Napaatras ako sa gulat at pakiramdam ko ay ilang minuto na lang ang itatagal ko sa mundong ito.

My hand started shaking as I searched for Flora's hand. Why is this happening? What did I do? Is this my karma? For what?

Si Hunter ang huling pumasok. He wasn't smirking at all while his friends were laughing while talking about something. Bumalot sa ilong ko ang pamilyar na amoy niya. He still smells the same.

"Amber?" Clyvan's voice made them stop laughing.

Nilingon ako ni Flora na may pagtataka ang mata. I am dumbfounded here. I didn't know what to do.

Nilingon ko ang apat na lalaki na kapapasok lang. Dylan looked at me with a little shock but relaxed. Ruther smirked and glanced at the man beside him. Si Hunter na pinasadahan lang ako ng tingin at dumiretso sa malayong sofa. The last guy, the familiar one. Kasama nila sa SPA dati.

"Amber, kumusta?" Clyvan smiled at me. "Nakauwi ka na pala!"

"Ano 'yan?" niyugyog ni Flora ang braso ko.

Hilaw akong ngumisi. My eyes flew to Hunter that's sitting like a king on that sofa. Nakadekwatro ang paa at nakatiklop ang braso. Masama ang tingin niya sa mga kasama ngayon.

"Yeah.." I awkwardly answered Clyvan and didn't mind my friend who is gasping right now.

This is completely awkward. Bakit? We were never been close. Si Hunter lang ang dahilan. This is funny.

Amber Alert (El Vicente Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now