"Number 23 po proceed to Doctor Espiritu. Room 10," announce ng nurse ng Ospital.
Napatingin ako sa numerong hawak ko. Number 24 ito. Ako na pala ang kasunod. Nag-ayos ako bigla ng upo. Puwede naman akong tumungo kaagad sa opisina ni Tito Russel, ang cardiologist kong tito, ngunit mas pinili kong maghintay.
Kailan kaya ako makakapasok sa ganitong Ospital bilang Doctor?
Hinigit ko palapit sa akin ang dala kong pasalubong. Bigay 'to ni Inay at inutusan akong ibigay kay Tito gayong madadaan din naman ako sa Ospital.
Dried mango chips. Cashew nuts. Banana chips. At ang paborito niyang Peanut Brittle. Galing kasi si Inay sa probinsya namin, sa Mindoro, at dala niya ang mga ito bilang pasalubong.
As I was busy checking on my things, I saw a notebook beside it. It was covered in plain gray. Wala akong katabi sa gawing iyon.
Palinga-linga ako sa paligid upang makita kung mayroon akong mapapansing tao na may hinahanap o sinisipat, ngunit wala.
"Number 24 please proceed to Doctor Virgo. Room 8," muling sambit ng nurse.
Sa pagmamadali ko ay dinampot ko ang mga dala kong pasalubong at ang aking bag. Isinakbit ako ito sa isang balikat lamang. Walang muang ko ring binitbit ang notebook. Ibibigay ko na lamang ito sa lost and found station ng Ospital.
"Puwede po ba kay Doctor De Guzman? May ibibigay lang ako." ani ako pagkabigay ko ng card number sa nurse.
Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Tila ba ngayon lang nakarinig ng ganitong request.
"Itatawag ko po muna sa kanya. Maupo po muna kayo saglit."
Tumango lamang ako bilang tugon. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan habang pinapanood siyang tumitipa ng numerong tatawagan sa teleponong nasa harapan niya.
Inilapag ko muna sa sahig ang pasalubong kong bitbit. Doon ko lamang naalala ang notebook na nakita ko kani-kanina. Nadala ko nga pala ito.
Sa kuryosidad ay sinuri ko ito. Mainam kong tinitigan ang pabalat. Feeling ko ay lalaki ang may-ari nito? Dahil wala man lang kadesign-design.
Probably a student like me? Who knows?
Binuksan ko ito. Maingat ang bawat pagbukas ko na akala mo'y may kung anong lalabas dito.
Nang makita ko ang unang pahina ay nakapagtatakang wala itong sulat. Blangko. Ililipat ko na sana sa kabilang pahina nang biglang magsalita ang nurse, "Ano raw po ang pangalan niyo sabi ni doktor De Guzman?" tanong nito habang hawak ang telepono at nakatutok sa tainga.
Buti na lamang at malapit lang ako kung kaya't maririnig niya ako kung magsasalita man.
"Kyle. Kyle De Guzman."
Nakita kong kinausap niya muli ang nasa telepono, marahil ay si tito ito. Tumatango-tango pa ang nurse habang nagsasalita at pinapakinggan ang mula sa kabilang linya.
Pagkabalik ng paningin ko sa notebook ay nasa ikalawang pahina na ito. Napakunot ang noo ko sa nabasa. Hindi ko alam kung libro ba ito o hindi dahil tila naka-calligraphy nang maayos ang nakasulat.
"We Live to Die" Ito lamang ang nakasulat. It sounds like a novel's title or a movie or a song. Napakunot muli ako.
Kuryoso kong binuklat at inilipat ito sa susunod na pahina. I was stiffened as I saw a list. There were ten of it but the title was the one that caught my attention.
"Ten things I want to do before I die"
Iyon ang pamagat na nakasulat. Now I'm convinced that it must be copy of a manuscript or a novel to be published. Things like this doesn't happen in reality for me.
YOU ARE READING
Can You be My Capillary
RomancePeople were born to die. As we living and breathing is simultaneously, we are also dying. People die so that an angel will be born up there. That's what Rosianna Irah Santillan or Rosie's huge belief in her bittersweet life. She has a rare disease d...