Napaigtad ako nang itulak ako nang marahas ni Jane sa railings. Nasa ikalimang palapag kami ng SHS Building. Walang taong nagagawi rito dahil fire exit ito ng building. Kita ko mula sa gilid ng aking mga mata ang taas ng kinalalagyan namin. Somehow, I have a fear of heights.
Umuulan na naman. Malalakas na patak ang bumabagsak sa lupa. The melody of raindrops is so soothing and calming but, not my situation right now.
"Ano ba talagang score niyong dalawa ni Rosie?!" Pagalit na buntong ni Jane sabay hawak sa kuwelyo ng aking polo at saka hinila pataas. Lumapit na rin siya sa akin nang ilang hakbang.
Hindi ko alam kung anong score ba ang tinatanong niya. Saang subject or quiz ba. Bakit di niya kasi linawin?
Kanina sa room... pagkapasok niya ay nanlilisik at halos mag-apoy na sa galit ang kaniyang mga mata na papalapit sa akin. Ibinagsak niya sa aking desk ang bubuksan ko pa lamang na libro nang mga oras na iyon.
Binalingan ko siya nang ng tingin. Nagngangalit pa rin ang kaniyang mukha. Ngunit hindi nagsasalita.
Narinig ko ang mga mahihinang bulungan sa paligid. They might wondering what is happening. And why Jane is acting so weird in my desk.
Napansin kong bakante pa rin ang upuan ni Rosie. Hindi ba siya papasok ngayon? Hindi rin niya ako pinadalhan ng mensahe kahapon. Nagtatawanan naman kami bago umuwi sa Manila galing sa Tagaytay.
"Good morning, class." Ani ng guro namin na papasok sa room at may bitbit na laptop. Iyon lamang ang kaniyang dala maliban sa sarili.
Hindi naman natinag si Jane sa presensya ng guro. Galit pa rin itong hinuhuli ang aking mga mata. Hindi ko na lamang siya pinansin.
Nang kukuha na sana ako ng bolpen at notebook sa bag ay nagulat na lamang nang biglang sakmalin ni Jane ang aking palapulsuhan. Napatayo ako sa aking pagkakaupo nang marahas niya akong hinila.
"W-where are you going...we will start our lesson now!" narinig kong sigaw ng aming propesor. Mas lumakas ang bulungan ng aming mga kamag-aral habang nagpapatianod ako sa bawat paggiya sa akin ni Jane palabas ng silid-aralan.
Hinila niya ako nang hinila. Nakikita kong nagugulumihanan ang mga nadadaanan naming mga estudyante. Jane is pretty popular too because she is a party goer and student council's president.
Tumatabi ang bawat madadaanan naming kumpol ng estudyante. That's the power of her dark aura.
Ramdam ko na ang hapdi sa aking palapulsuhan dulot ng pagkakahawak niya. Kala ko ay hindi na kami makakarating sa gusto niyang paroonan. Nagulat ako nang bigla niya akong binitiwan at pagalit na itinulak.
"Score?" Walang ekspresyon kong tanong na mas lalong nakapagpaigting ng tiim ng kaniyang bagang.
Itinulak niya akong muli nang bahagya dahilan para mapatingin ako sa ilalim at maramdaman ang kaunting kaba. Balak niya bang patayin ako? This is a fast way...
"Ano bang meron sa inyong dalawa, huh?! Who are you para paglaanan ng oras ni Rosie?!"
Inaamin kong tila may kumirot sa aking dibdib pagkasambit niya ng tanong. Sino nga ba talaga ako? I was just a guy who is an outcast of the class. But, Rosie gave a blood to my existence. Rosie made me smile twice a day. Rosie made me stifle a smile and learned how to laugh. Rosie taught me to speak more than two sentences. Rosie made me realized that I am relevant...that I can be someone's shoulder to lean on and a friend to cry on.
But, who is me in her life?
"Walang kami." Mahinahon kong tugon. Unti-unti niyang niluwagan ang pagkakahawak niya sa aking kuwelyo at saka binitiwan ito bago ko makitang tumulo ang kanina'y nagbabadya niyang mga luha.
YOU ARE READING
Can You be My Capillary
RomancePeople were born to die. As we living and breathing is simultaneously, we are also dying. People die so that an angel will be born up there. That's what Rosianna Irah Santillan or Rosie's huge belief in her bittersweet life. She has a rare disease d...