04

18 4 2
                                    

Nang alisin ko ang pagkakasabit ng aking bag mula sa aking balikat at sabay lapag nito sa ilalim ng front desk ng Extension Library ay napansin ko agad ang nagngangalit at madilim na ekspresyon ni Kristine.

May ibinubulong pa si Zarah sa kaniya habang hinihimas ang kaniyang likod. Salubong pa rin ang kilay ni Kristine habang padabog na isinasalansan ng mga na-scan niyang mga libro.

Nakita kong sinubukang kuhanin ni Zarah ang scanner sa kaniya ngunit nagpumiglas naman si Kristine bago marahas na pinipindot sa pabalat ng bawat mahahawakan niyang libro.

Mga bagong dating itong libro na kailangan naming idagdag sa database ng library. Kailangan munang i-scan ang nilabas na barcode para mas madaling malaman kung saan ilalagay o isasalansan. At para mas madali na ring isauli kapag may gumamit mang mga estudyante.

Napatingin naman sa gawi ko Zarah at biglang namilog ang mga mata. Palipat-lipat ang mga mata niya sa akin at kay Kristine na nakatiim bagang pa rin at salubong ang kilay. Seriously? It's just 8 in the morning. Relax. Grumpiness can leads you into bad shape.

"What?!" Matining na sigaw ni Kristine kay Zarah. Umalingawngaw ito sa buong silid aklatan. Buti na lamang at wala pang mga estudyante, dahil alas-nuwebe pa sila pupuwedeng pumunta.

I saw how Zarah pouted her lips as is she's trying to point something that she can't point through her index finger. Her pout was pointing my direction.

Napasigam ako bago umupo sa aking silya. Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata na nilingon nila akong dalawa. Napatigil pa sa ginagawa si Kristine.

"H-hi...K-Kyle." Pautal-utal na bati sa akin ni Kristine.

Binalingan ko naman sila nang tingin. Nakita ko kung paano ang kanina'y lukot na mukha ni Kristine ay unti-unting umamo. Her puppy eyes are now on board. Ngumiti ito sa akin. Nagtaas lamang ako ng kilay bilang pagbati sa kaniya.

Umikot naman si Zarah patungo sa upuan malapit sa akin. Tatlo ang upuan sa front desk. May pagkamalaki  at lawak din kasi ang library kahit extension lamang ito.

Ako, si Kristine at Zarah ang mga naka-assign tuwing Sabado at Linggo. Full-time employees and certified or licensed librarians naman ang mga pumapasok tuwing weekdays.

Nang makaupo si Zarah sa pagitan namin ni Kristine ay binuhay nito ang naka-lock na desktop sa harap niya. Tumipa siya rito upang hanapin ang mga pamagat na aklat na hinahanap ng mga researchers na nag-e-email sa aklatan.

"Mabuti pa si Kyle makakauwi nang maaga at makakatambay." Basag ni Zarah sa katahimikan. Napakunot naman ang noo ko at binato ko siya ng tingin.

Nakita ko ring nanlisik ang mata ni Kristine nang tinapunan niya ng tingin si Zarah.

"What do you mean?" Tanong ko.

Nainis ako nang kibit-balikat lamang ang naging tugon ni Zarah sa akin at hindi nito iniaalis ang atensyon sa desktop sa harapan niya.

Nababanas man ay ibinalik ko ang paningin sa desktop sa harap ko. Binuhay ko na rin ito. Sa gilid ko ay ang mga library cards ng mga estudyanteng nanghiram ng libro. Magulo ito kaya isinalansan ko na lamang at pinag-sunod sunod in alphabetical order.

Pagkabuhay ng desktop ay mabilis kong hinanap ang database namin. Doon nakapaloob lahat-lahat about sa library. I checked the returned books section. Sa akin kasi nakatoka iyon.

Nakita kong may labing-anim na librong naisauli kahapon bago magsara ang library. Trabaho kong ibalik naman iyon to their respective shelves.

I love my job because I love sniffing books. I love its scent that I wish it can be my perfume.

Can You be My CapillaryWhere stories live. Discover now