They said that people come and go. Gone for good. Kaya siguro ayaw ko ring magpapasok ng mga tao sa buhay ko. Dahil alam kong ano mang oras ay aalis din sila. Ano mang oras iiwan ka rin nila. Ayokong maiwan, sawa na ako. Hindi iyon isang hugot bagkus ay isang tugon na matagal nang nananahan sa akin.
Ayokong masanay sa presensya ng mga taong mapapalapit sa akin. Ayokong idepende ang kasiyahan ko sa presensya nila. Ayokong maging malungkot at muling buuin ang sarili ko mula sa umpisa...at ako lamang ang huhulma.
Ayokong pulutin ang mga piraso sa mga lugar na pinag-iwanan sa akin. Sapat na ang sarili ko. Sapat na si Inay...si Tito at ang mga libro.
Sapat nang lunurin ang sarili ko sa mga pahina at mga metapora. Kuntento na ako. Pero anong ginagawa ko ngayon?
"I can't believe that you really don't have friends...you're peculiar...wow!"
Eksaheradang sambit ni Rosie nang makapasok kami sa gate ng UST. Kakaunti pa lamang ang mga estudyante dahil maaga pa. Nagkalat ang mga nagwawalis sa paligid. Masyado kasing maraming puno sa eskuwelahan.
Palundag-lundag pa si Rosie habang naglalakad kami. She looks so excited and extra happy today. Nakakahawa ang positive energy niya. Sana ganiyan din ako.
"Who wants to be friend with a boring guy like me?" Mapait kong tugon nang hindi siya nililingon.
"Me!" Agaran niyang sabat habang inilapat sa dibdib ang kaniyang kamay.
Nakaramdam ako ng saya sa sinabi niya. Kahit pa hindi ko sigurado kung nang-aasar, nagbibiro o nanunuya lang siya ay gusto ko siyang pasalamat for making me feel like I'm relevant. Relevance is what I want.
"Oh, come on! I shared my deepest secret to you...so you mean ayaw mo pa rin akong maging kaibigan?"
"I caught you off guard. Correction." Sarkastiko kong sumbat sa kaniya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nasa ikaapat na palapag pa ang aming room. At kung minsan ay pahirapang makasakay sa elevator ng eskuwelahan. It's my first time going to school this early. I prefer going to school at exact time. To avoid waiting...social interactions.
Napangisi siya at saka nagbato ng matalim na titig.
"I just want to be friends with you habang nabubuhay pa ako. Malay mo ako na pala ang una't huling kaibigan mo. Atleast, I made a history in your life." Sabay hagikgik niya pagkasambit nito."Why didn't you share your secret to your friend? I'm sure may bestfriend ka..."
"Si Jane? Nako, she's busy clubbing. Alam mo namang hindi kaya ng puso ko ang labis na ingay. So, I decided not to say. Besides, ayaw kong masanay siya na kasama ako. I don't want her world to revolve in my company. I want her to enjoy, go out and be wild and make some other friends." Aniya.
"The why did you share it with me? You could've denied it."
"Wow! So you really can speak more than ten words? Lagi ka lang kasing nasa sulok ng room kaya akala ko..."
"Wag mong ibahin ang usapan!" Mariin kong tugon. Nagtiim din ang aking bagang bagay na nagpagulat sa kaniya. Napalakas nang bahagya ang aking boses na tila nanghihingi ng agarang sagot.
Nakita ko kung papaano siya nagitla but, still managed to smile.
"And, it's okay not to smile if you aren't okay. You can fake a smile through your lips but not with your eyes." Dagdag ko pa.
Natawa siya sa sinabi ko. Hinawi niya ang kaniyang buhok nang liparin ito nang bahagyang ihip ng hangin.
"Hindi ko alam? Siguro I was curious by how someone will react if I said I'm dying soon. I'm amazed when you aren't bothered nor pity me. And, that's how I decided to share my secret." ngumiti na naman ito bago niya pindutin ang button ng elevator.
YOU ARE READING
Can You be My Capillary
RomancePeople were born to die. As we living and breathing is simultaneously, we are also dying. People die so that an angel will be born up there. That's what Rosianna Irah Santillan or Rosie's huge belief in her bittersweet life. She has a rare disease d...