"Anak gising na" nang makaramdam ako ng mahinang pagtapik...
"Baka malate ka" sabi pa nya.. Bahagya kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si nanay...
"Opo, nay" masigla kong bati sa kanya..
"Naku, mukhang maganda ang gising ng anak ko ah" nakangiting saad sakin ni nanay..
Maganda nga ang gising ko ngayon, at ewan ko kung bakit... Pero okay na rin yon noh kesa umagang umaga busangot ako, ang panget ko pa naman pag bad mood ako haha..
Tapos na kaming kumain.. Dumiretso na ko sa kwarto at nagsimulang magayos.. Maliligo palang ako nang may magsalita sa likod ko..
"At bakit nakangiti ang yeng-yeng namin" sabi niya sa mapang-asar na tono.. Tss nakakainis tawagin ba naman akong yeng-yeng, eh ang laki laki ko na..
Yes yeng yeng ang palayaw ko at tawag sakin ni kuya.. Nagsimula yon nung may nakilala akong bata nung 4 years old ako kasing edad ko lang din siya at siya rin ang nag-pangalan sakin ng yeng -yeng..
"Maganda ang araw ko ngayon kuya, at agad mo ring sinara" sabi ko hays..
"Oh, oh joke lang ang yeng-yeng naman oh di mabiro" sabi niya na nakataas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko..
"Kuya naman eh, di na ko bata para tawagin mo ulit na yeng-yeng"
"Kunwari ka pa yeng-yeng eh.. Eh diba yung bulol mong kaibigan ang nagpangalan sayo non? Na first love mo pa" nakangiting sabi niya..
Hays naaalala ko nanaman yung araw na yun..
*Flashback*
11 years ago
Nandito kami sa palengke ni nanay as usual sinasama niya ko pagkatapos kong pumasok, half day lang kase day care pako.. At wala akong kasama sa bahay kase pumapasok si kuya, at si tatay maagang umaalis para magtrabaho kaya sinasama nalang ako ni nanay sa palengke..
"Nay pwede po ba ako maglaro?" sabi ko kay nanay..
"Osige, basta diyan-diyan ka lang"
"Opo, nay!" sabay takbo..
"Mag-ingat ka nak at baka madapa ka" sigaw pa ni nanay ng makalayo na ko..
Hindi naman ako kalayuan sa pwesto namin at nakabisado ko narin naman ito dahil sa araw-araw kaming nandito ni nanay..
Naglibot libot ako ng tingin nang makita ko ang isang batang lalaki na umiiyak..
"Uy, bata okay ka lang?" tanong ko sa kanya pero nakayuko lang siyang umiiyak..
At dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko.. nilapitan ko siya..
"Okay lang yan" sabi ko sabay himas ko sa likod niya.. Mukhang guminhawa naman agad ang pakiramdam niya sa ginawa ko..
"Tino *hik* ka?" tanong niya.. Natawa naman ako nang konti kase ang cute niya tapos bulol pa hihi..
"Ah, ang pangalan ko ay Faye" sabi ko ng nakangiti..
"Ah ako naman ti tantan" nakangiti rin niyang sabi..
"Bakit ka ba umiiyak?" tanong ko..
"Nawawala kati ako eh" sabi niya..
"Saan ba ang bahay nyo tsaka sino ang kasama mong pumunta dito? "tanong ko..
"Ta malayo, taka katama ko kati ti nanay"
"Ah gusto mo samahan kita, hanapin natin siya?" aya ko sa kanya..
"Talaga?" nakangiting sabi nya na agad ko namang tinanguan..
Nalakad lakad lang kami ni tantan at kung minsan ay nagtatanong narin para mapabilis..
Nagulat ako nang tumakbo si tantan..
"Nanay! " takbo niya..
"Alaga ko, anak jusko saan ka ba nang galing bata ka! Papatayin mo yata ako sa kaba.. Naku yari ako sa mommy at daddy mo" sabi ng isang babae around 50 yrs old..
"Kati nanay nakita ko yung car toy tapos nawala ka na" malungkot na sabi nito sa kanya..
Lumapit naman ako sa kanila.. at agad din naman nila kong napansin..
"Hello po!"
"Ah, nanay siya po ang kaibigan ko"
"Naku, ikaw ba ang tumulong sa alaga ko? salamat ha.." nakangiting sabi niya..
"Ah, opo"
"Anong pangalan mo--"
"Yeng-yeng po nanay ang pangalan niya"
"Kaygandang pangalan"
May ibinulong ito sakin..
"Naku, pasensya ka na ineng ha, bulol ang alaga ko.. alam ko namang hindi yun ang totoo mong pangalan dahil alam kong hindi niya mabigkas ang pangalan mo"
Natawa naman ako at may ibinulong rin..
"Okay lang po hehe, Faye po ang pangalan ko" sabi ko..
Natawa naman siya.. kaya napatingin si tantan
"Anyo po nakakatawa nanay?" tanong niya..
"Ah wala, anak.. Oh siya sige mauna na kami ineng at umuwi ka na rin at baka hinahanap ka na sainyo.. sabi niya..
"Ah, diyan lang po ako nagtitinda pa po kase si nanay eh"
Tumango naman ito at ngumiti sakin..
"Bye-bye Yeng -yeng" kumakaway na sabi ni tantan sakin..
*End of flashback*
Yeng-yeng
Yeng-yeng
Yeng-yeng
Isang salita na paulit-ulit bumibigkas sa aking isipan..
Kailan mo ba ako titigilan tantan..
BINABASA MO ANG
You and Me
Teen FictionSiya si Faye Marquez, a grade 10 student na gustong magkaroon ng true love... Nagmahal at nasaktan na kasi sya noon at yun ang dahilan kung bakit takot na siyang magmahal ulit... Until she met Tristan Dave Thomson a boy who will change her life...