"A-a-ha?"tanong nya.
"sabi ko kung makakailang puntos kaya ako dito?!"medyo nilaksan ko na ang boses kase baka di nya narinig...
"Ah...hahaha siguradong di mo pa malalampasan ang high score ko dyan"saad nya kaya sigurado akong machachallenge ako.....kaya tinanong ko kung anong high score nya dyan.
"Bakit ilan ba ang high score mo?"tanong ko sa kanya.
"506"sagot nya
Makailang sunod-sunod kong shoot ay nagulat si clent kase nalampasan ko ang high score nya at halos maduduble na sana ang score kung di nag time out ang 5 minuto.
"Ilan nga ulit high score mo?"nakangiti kong tanong sa kanya habang nakapamaywang.
"Hahaha...edi ikaw na..."ani nya kaya naglakad-lakad kami para mag hanap ng ice cream.
"San ka pala natutong mag basketball?"tanong nya sakin habang naglalakad kami.
"Sa kalasada"sagot ko kaya nagtaka sya...
"huh?sa kalsada lang?"tanong nya ulit.
"Haha bat parang di ka makapaniwala?...nakikipag laro kase ako sa isa kong kaibigan na lalaki saka nanunuod din ako sa mga liga nila kaya natuto ako."pagkukwento ko sa kanya.
"Tinuruan ka ba nung kaibigan mo?"tanong nya na para bang natahimik.
"Hindi..basketball player kase dati si papa kaya nakikita ko siyang mag practice tapos nasasaulo ko ang bawat tricks nya kaya natututunan ko na rin nung nagtagal"
"Ah..."nagtaka ako nung natahimik sya kase kanila lang ang sigla nya tapos biglang tahimik...anong ibig sabihin kaya nya?
"Bat parang natahimik ka yata?"pabiro kong tanong sa kanya para di sya ma offend.
"Ahh...wala haha may naisip lang ako"sagot nya saka ngiti ulit.
"Ano naman ang naisip mo?baka makatulong ako.."
"Naisip ko kase kung tatanggapin ko ba ang alok sakin ni coach jaycee na mag basketball...para kaseng mas deserve mo hahahaha"
"kakasura ka na...di naman ako lalaki ihh..."nakanguso kong sabi sa kanya sabay halukipkip at irap sa kanya.
"Hahaha joke lang naman kase...para kaseng mas magaling kapa sakin eh hahaha joke lang ulit"lalo akong nagtampo sa kanya kaya umuna ako sa paglalakad at nung nakahanap ako ng mauupuan ay umupo ako.
"Sorry na oh..."ika nya at inabutan ako ng ice cream habang kumakain na sya.Tiningnan ko muna ang ice cream kase baka may mani...at tama ang hinala ko hayssst.
"Bat yan binili mo?"nakasimangot kong tanong sa kanya.
"A-bakit...ayaw mo?"tanong nya sabay kain ulit ng ice cream...bali nasa cone yung ice cream pero kinakain nya talaga hindi nya dinidilaan.
"Di ako pwede nyan ih!!"sagot ko sabay talikod.
Napatingin sya sa ice cream na hawak nya at sa kinakain nya...
"Oh..sayo nalang tong akin"iniaro nya sakin ang kanya kahit na madami-dami na ang nakain nya ay tinanggap ko parin yun kase paborito kong flavor yung kinakain nya...chocolate with syrup na strawberry kaso wala na yung syrup.
"Sorry na kasi...."sabi nya sabay sanggi sa braso ko.
"Napaka takaw mo..di moko tinirahan ng strawberry syrup eh"sinanggi ko rin sya para ipahiwatig na bati na kami.
YOU ARE READING
HIGH SCHOOL WINTER (like you a lot)
RomanceKung papipiliin ka,si enzo na gusto ka at gusto mo pero gusto rin ng bestfriend mo o si clent na mahal na mahal ka pero pinaglaruan kalang dati? Marahil pati ikaw ay nalilito at naguguluhan...sa laro ng tadhana makikisabay ka ba o magpapatalo ka n...