Sa sobrang miss ko na agad kay clent ay inisip ko ulit lahat ng ginawa namin kanina pati yung bawat halik nya sa noo ko.Kaya alas dose na ako nakatulog at puyat ako ngayon.....
Kringg!!!!kring!!!kring!!
"Nakk...tanghali na!!magbihis kana ha..aalis na kami ng papa mo!"rinig kong pamamaalam sakin ni mama habang nakatalukbong pa ako ng kumot....
"May sasabihin ako sayo"naalala kong sambit ni clent kaya agad kung tinanggal ang kumot ko at dali-dali akong naligo,nagbihis,kumain,at nagbike papuntang school.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag babike ay biglang di ko na maipedal ang bike ko kaya nagpagewang-gewang ako sa may gilid ng kalsada.
"Shit!ngayon kapa pumalya!"inis kong sambit sa bike ko kaya bumaba ako at sinubukang ayusin yung kadena ng bike ko....pero di ko nagawa kase sumiksik sa plato yung kadena kaya wala akong ibang nagawa...kundi ang pabantayan yun sa may tapat ng tindahan.
"Salamat po ate!"dali-dali akong tumakbo papuntang school.
"Clent papunta na ako dyan!"sigaw ko habang hingal na hingal sa pag tagbo...konti nalang ang tatakbohin ko papunta na ako sayo asawa ko!!!
"A-arayy..."daing ko habang tumatakbo ako kaya napahawak nalang akong bigla sa tyan ko.Siguro napasobra ako sa pagtakbo kaya lumakad nalang ako tutal malapit nanaman ako eh.
Pagkarating ko sa school ay medyo nanghihina pa ako kase nakisabay pa tong sakit ng tyan ko..tapos nasiraan pa ako ng bike at ngayon ay nakikita ko nanaman sina nikka at hanz na nagliligawan sa labas ng pinto ng classroom namin.
Buti nalang talaga at mabait ang aming advicer ngayon...malaya kaming gawin kung anong gusto naming gawin at saka hindi sya gaya ni miss kilay na parang drakula..napaka ganda na nga mabait at masipag pa.
"Bat pinapamawisan ka chaze?"tanong ni nikka kaya napatingin din sakin si hanz.
"Tumakbo ako kase nasira ang bike ko tapos dumagdag pa tong sakit ang tyan ko..."sagot ko.
"Di kaya nasira ang tyan mo sa kinain mo kanina?"tanong ni hanz.
"Bagong loto yung kinain namin eh saka di naman ako nakakain ng mani kaya sure ako na inaatay lang ako kakatakbo."pagpapaliwanag ko sa dalawa saka pumasuk na sa loob.
Pagkapasuk ko ay sumalubong sakin ang maingay kong mga kaklase kaya lalong nag init ang ulo...dumagdag pa tong sina angel at kyla na hindi naglinis ng classroom.
"Lahat kayo labas!!!"utos ko sa kanila kaya nagulat silang lahat.
"Ano bang p roblema nya?"
"Gumagawa pa ako ng assignment eh.."
"Lumabas na lang tayo baka kung ano nanaman magawa nyan"
"Nakakainis naman ihh nagseselpon pa ako"
Iba't-ibang reklamong rinig ko sa kanila kaya grrrr.....nakakayamot na talaga!!!Lalo na tong kambal tukong sina angel nakikisali sa paglabas di ko naman pinapalabas.
"Hoy angel at kyla!!maglinis nga kayo alam kung di oa kayo naglilinis mga tinamaan kayo ng lintik!!"bulyaw ko sa dalawa kaya napabalik sila sa loob at saka kumuha ng gamit na panglinis...
"Kelan ba matatapos ang parusang to?ilang buwan na tayong naglilnis sa room pero di parin nya tayo tinitigilan.."bulong ni angel.
"Kelan kaya babait ang dragon na to satin?"tanong naman ni kyla....
"Bakit parang ang init ng ulo mo ngayon?"tanong sakin ni nikka.
"Ikaw ba naman ang tumakbo ng tumakbo papuntang school na may dala pang bag tingin mo hindi iinit ang ulo mo lalo na't madadatingan mo tong dalawang tamad na to?"nakapamay-awang kong sagot sa kanya.
YOU ARE READING
HIGH SCHOOL WINTER (like you a lot)
RomanceKung papipiliin ka,si enzo na gusto ka at gusto mo pero gusto rin ng bestfriend mo o si clent na mahal na mahal ka pero pinaglaruan kalang dati? Marahil pati ikaw ay nalilito at naguguluhan...sa laro ng tadhana makikisabay ka ba o magpapatalo ka n...