Balak ko syang sagutin kase June 12 ko sya unang nakita sa cctv pa namin kaya gusto ko maging memorable ang araw nato sa aming dalawa.Magkikita kami ngayon sa tambayan...linggo ngayon pero pupunta kami sa school ang tanging alam nya ay para sa project at yun lang ang alam ni clent kaya ako nagpapasama sa kanya.Nag dress ako ng offshoulder na baby pink.
Oo morena ako kaya kahit hindi masyadong bumagay sa kulay ko tong suot ko ay kinareer ko na para lang sa kanya...saka di naman ako dati sumusuot ng dress eh ewan ko ba,basta para sa kanya gagawin ko lahat.
"Anong meron?"pagtatakang tanong ni clent habang nakangiti nung pagkakitang-pagkakita nya sa akin sa tambayan kase di na ako nag pasundo sa kanya.
"Pangit ba?sige uuwi nalang ako..."saad ko na parang na desapoint sa sarili.
"Wag...diba may project pa kayo?baka hanapin ka ng mga kaklase mo"pagpipigil nya sakin sabay hawak sa braso ko kaya napatigil ako at ngumiti sa kanya.
"Di ba bagay sakin?"seryoso kong tanong...
"Kahit anong isuot mo para sakin...lahat ng yun bagay kahit nga ako eh...hahaha joke"pagbibiro nya sakin..punch line yata yung ginawa nya ah dagdag points nanaman sya sakin haha.
"Pinaghandaan ko kaya ang araw na to kala ko di mo magugustuhan.."ani ko sa kanya.
"Gusto ko yung suot mo pati yung nag susuot.."wala na talaga akong magawa sobrang kinikilig nanaman ako sa kanya.Ganto lagi sya kapag nakasimangot ako kaya ang bilis nya akong napapatawa lagi eh.
"Teka nasan na pala ang mga kaklase mo?baka pag hintayin kalang nila tapos hindi pala dadating.."nagpalinga-linga si clent sa paligid para hanapin ang mga kaklase ko pero tinawanan ko lang sya.
"Bat ka ba tumatawa..dapat mainis ka kase wala pa sila"ika nya tapos hinawakan ko ang dalawa nyang kamay.
"Mali ang tanong mo..dapat kelan mo ba ako sasagutin."nakangiti kong sambit sa kanya na ikinangiti naman nya.
"Teka nga *smirk*plano mo ba to?..haha grabe ka sakin huh pinapakaba mo ako chaze baka mamaya paasahin mo lang ako.."napakamot nalang sya sa tenga nya kase nahalat nya na pinalano ko tong lahat haha..
"Hahah..pano kung sabihin kong oo?"nakangiti kong sagot sa kanya.
"P-panong oo?oo pinalano mo to or....oo tayo na?"naguguluhanan nyang tanong sakin.Napatampal nalanga ko sa noo ko sa sobrang slow ng magiging boyfriend ko...
"Oo pinalano ko to at oo tayo na."mahnahon kong sagot sa tanong nya na lalong nagpangiti sa kanya...
"W-w-wait totoo ba to o baka nanggogood time ka lang?alam mo kase seryoso ako pagdating sayo...baka mamaya nyan inuuto mo lang ako ehh"
"Di ka makapaniwala?sige tanungin mo ulit ako.."
"Wait hihinga lang ako ng malalim...*inhale...exhale*ok na Chaze Lluna Hercel.......can you be my girl friend?"napapatawa ako sa sobrang cute kung huminga ng malalim saka sa reaksyon nya ngayon..kaya di ko mapigilang titigan lang sya habang nakangiti ako.
"Chaze..!sabi ko na nga ba ehh ginogood time mo lang ako buti nalang di agad ako naniwala.."ani nya kaya nawala ako sa pagkatulala ko sa kanya.
"A-ano nga ulit tanong mo?"tanong ko sa kanya kaya napatalikod nalang sya siguro kase napahiya sya at di ko yun sinasadya...
"Uyy wait lang kase sorrg na natulala ako sayo ehh...clent...."sinundan ko si clent saka hinawakan ang kanang nyang kamay.
"Natulala lang ako kanina sorry na"nakapouth kong sabi sa kanya habang sinasabayan syang mag lakad-lakad at naka holding hands sa kanya.
YOU ARE READING
HIGH SCHOOL WINTER (like you a lot)
RomanceKung papipiliin ka,si enzo na gusto ka at gusto mo pero gusto rin ng bestfriend mo o si clent na mahal na mahal ka pero pinaglaruan kalang dati? Marahil pati ikaw ay nalilito at naguguluhan...sa laro ng tadhana makikisabay ka ba o magpapatalo ka n...