Chapter 9

3K 99 15
                                    

[ AEMY'S POV ]

i love you..

Yun ang huling katagang binitawan ni Kookie bago ako mabingi sa napakalakas na hiyawan ng mga nanonood samin. Tumigil ang mundo ko nung mga sandaling yun, para bang nag slow motion ang pag-hablot ni Kookie ng kamay ko at dahan dahan kaming bumaba ng stage at ngayon ay tumatakbo. Hindi ko alam pero sinusundan ko lang siya at nakatuon lang ang atensyon ko sa likod niya. Wala akong pakialam kung saan niya ako dalhin, masmainam na kalamhin ko ang sarili ko dahil para na akong nananaginip. Huminto kami sa beranda ng mall at doon naghabol ng hininga. Bumitaw siya sa kamay ko at humawak siya sa tuhod niya at ako naman sa dibdib ko dahil hindi ko alam kung uunahin ko pang huminga o pigilin sa pag wa-wala ang puso ko.

"Hahaha! Grabe, ang wild nila!" aniya na tuwang tuwa. Nahabol na niya ang hininga niya samantalang aatakihen na ako sa puso, halimaw ba siya?. At speaking of wild, ikaw yun! Grabe lang, di pa ako makapagsalita sa kalagayan ko. "Nag-enjoy kaba?" dagdag pa niyang sagot.

Oo, grabe, nag-enjoy ako na kahit anong sandali eh mababawian na ako ng buhay. Ipinaypay ko ang mga kamay ko sa mukha ko dahil kailangan kong huminga at higit sa lahat kumalma. Sinubukan kong sabihing saglit lang pero hinihingal ako ng sobra.

"Aemy.." narinig ko ang boses niya at saka ko nalang namalayan na nasa loob na ako ng yakap niya. "calm down." inumpisahan niyang haplusin ang likod ko. Sa madaling salita, nakayakap siya saakin.

Hindi ba dapat sa mga ganitong pagkakataon, kapag may nagha-hyperventilate eh binibigyan ng space para makahinga at binabawasan ang stimuli sa paligid para kumalma ang tao? Sa tingin ba niya, nakakatulong ang ginagawa niya? Maslalo akong di makahinga, at nadagdagan pa ang kaba sa dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin eh maramdaman niya ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Assassin ba siya at balak niya akong patayin?

"Hi-"

"Hmm?" aniya.

"Hindi ako makahinga!" itinulak ko siya papalayo at huminga ng pagkalalim-lalim. Nagulat siya kaya nakatulala siya ng ilang segundo.

"Sorry" aniya at tumahimik hanggang sa mahabol ko ang hininga ko.

"Kookie, balak mo ba akong patayin!" pambubungad ko matapos ng napakahabang katahimikan.

"Sorry na, pinapakalma lang kita eh." paghihingi niya ng tawad.

"Na-appreciate kong concerned ka, pero common sense na kapag di makahinga ang tao, binibigyan ng space, akala ko mama-matay ako kanina." pagtataray ko, eh sa talagang akala ko bababa na sa langit si San Pedro at susunduin ako eh. "Hay grabe!"

"Sorry na kasi talaga, di na mauulit" aniya.

"Tapos na, kaya ok na." tugon ko naman sakanya. Medyo kumalma narin ang nag-aalborotong puso ko.

I love you..

at umariba nanaman ang puso ko. Ano ba kasing tumatakbo sa kokote nitong si Kookie at palagi nalang may dalang lethal weapon kapag magkasama kami. Kailangan ko na talagang sampalin ang sarili ko at magising sa panaginip na mahal ako ng taong nasa harap ko.

"Uhm, Kookie, tungkol doon sa sinabi ko kanina." marahan kong sabi.

"Ano yun?" mabilis niyang tanong. Tsk. Kelangan talaga ako pa magpaalala sakanya?

"Yung ano.." napahinto ako dahil di ko alam kung itutuloy ko ang sasabihin ko o hindi. "yung sinabi mo kanina.."

"Hmm?" kimi niya. anong hmm ka jan. Huminga ako ng malalim at sa pinakamalalim na baul.
 "yung i love you." hindi siya umimik, hindi ba siya aware sa sinabi niya? o nagkamali lang ako ng dinig? "Well, anyways Kookie, don't say those words if you don't mean it." lalo na kapag ako ang kaharap mo, aatakihen ako sa puso sa mga pinagsasabi mo.

[#2] Gay Turned Campus Hunk: Fall In Love With Me [BTS Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon