Chapter 7

3.3K 101 10
                                    

[ AEMY'S POV ]

Ano ba ang tingin mo sakin?

Nagpagulong gulong ako sa kama kakaisip ng mga katagang yan. Bakit kelangan niyang sabihin sa paraan na pwedeng ma-misinterpret? Halos lumuwa ang puso ko dahil ang akala ko ay tinatanong niya ako kung nakikita ko siya bilang isang kaibigan o----

"Aaargghh! Kookie naman eh! Ang hirap ma-inlove sayo!" nababaliw na ako kakaisip. Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. "Hindi ba pwedeng saakin ka nalang?" ay ano ba tong sinasabi ko, alam ko namang hindi maaari. Gusto kong maging selfish, kaso hindi na pwede.

Kinabukasan, hindi ko maipaliwanag kung masakit ang tiyan ko, natatae ako, lalabas bituka ko o ano man, parang ayokong pumasok sa room. Pakiramdam ko ay lalamunin ako ng buhay kapag pumasok ako kaya dumeretso muna ako sa rest room. Naghugas lang ako ng kamay at tinignan ang sarili ko sa salamin.

"Naku, tignan mo nga naman tong mga walang pakisamang eyebugs." kinakausap ko yung salamin habang minamasahe ang galit na galit kong eyebugs. Lumabas ako ng restroom pero imbes na dumereto na sa room ay umupo ako sa may gilid at sinandal ang sarili sa pader. Bakit ba ako kinakabahan eh hindi aman galit si Kookie?

Ano ba ang tingin mo sakin?

Aiiisshh! Kasi naman, eh wala naman siyang ibang ibig sabihin eh. Umiiral lang talaga ang katangahan ng isan inlove na kagaya ko. Pero kung sasagutin ko ang tanong niya, syempre naman, siya ang pinaka-hot, bad boy, romantic person na dumating sa buhay ko.. at mahal ko.

"Ako ba yun?"

Napatayo ako bigla sa pagkakaupo ko. "Gosh, huwag ka nga bigla biglang sumusulpot jan, Vincent!" halos mailuwa ko ang puso ko nung biglang may nagsalita, jusko, buti nalang at si Vincent lang.. paano pa kaya kung si Kookie! Ifla-flush ko talaga sarili ko sa restroom.

"Eh bakit ka kasi naka-upo dito? Akala ko kung may masakit sayo, saka sinong mahal mo? Ako ba? ako ba yan?" pagsusutil niyang sabi habang ngiting ngiti saakin. Sinikmuraan ko siya, mahina nga lang. Nasabi ko pala ng malakas yun. Tsk.

"Hindi ikaw yun. Hmmphf!" pagsusungit ko sakanya.

"Eh sino?" pangungulit pa niya, itong lalaking to talaga. "Sino?"

"Ewan ko sayo."

"Tawagin ko--" hindi ko na siya pinatapos at sumagot na ako dahil hindi niya ako titigilan hanggang di niya nakukuha gusto niya. "Kookie!"

"Oh, bakit?" nag 180 degree turn ako at bumalandra sakin si Kookie na nang-galing sa restroom. Ngayon, naririnig ko ang sigaw ng puso ko na iluwa ko na raw siya. Narinig ba niya?

"Uh-oh" narinig ko si Vincent sa likod ko na parang balak umalis kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"Ahh-- kanina ka pa ba diyan?" tanong ko nagbabakasakaling wala siyang narinig.

"Kalalabas ko lang nag banyo, bakit?" aniya na nagpupunas pa ng kamay sa tissue.

"Narinig mo?" mabilis kong tanong.

"Ang alin?" Harujusko, wala siyang narinig. Nakahinga ako ng pagkaluwag-luwag. "Di ka pa ba papasok?"

"Ah- eh ano. Wala." napatingin ako kay Allan.

"May sasabihin ka pa ba sa mahal mo?" ani Vincent. Nanlaki mga mata ko at naramdaman ko ang pagdaloy ng init sa katawan ko. Nananadya ba to? At nakakaloko pa talaga ang ngiti niya. "Pwede mo nang bitawan kamay ko." Hindi ako makaharap kay Kookie dahil alam kong sa puti kong ito, sinabuyan na ng blush on ang mukha ko kaya bumitaw ako sa pagkakahawak ko sakanya at dali-daling nag-walk out papuntang room.

[#2] Gay Turned Campus Hunk: Fall In Love With Me [BTS Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon