Chapter 8

3.2K 104 7
                                    

[ KOOKIE'S POV ]

"Kookie, sama ka sa gig namin." nilingon ko sa classmate na kumakausap sakin sa likuran ko.

"Gig? kelan?"

"Sa Sunday, libre kaba, kulang kasi kami ng isa eh." aniya.

"Sorry, may date ako eh." Pagtanggi ko at di ko sinasadyang mapatingin sa dereksyon nina Aemy na nakatingin din sakin. Napatingin din ang classmate sa kanila at bumalik ng tingin sakin kaya nginitian ko nalang siya.

"Hindi, okay lang. Enjoy nalang kayo ni Aemy." aniya at naghanap ng ibang maiimbitahan. Di nagtagal ay lumapit sakin si Sugar.

"Huy, sino yang ka-date mo? tinanonng ko si Aemy, wala naman daw kayong date?" pabulong niyang tanong.

"Si Aiyoo at--" nakalimutan kong tanungin pangalan nung tatlo niyang kaibigan. "si Aiyoo, manonood kami ng sine." dagdag ko.

"Oh, eh bakit pangalan ni Aemy narinig ko?" pumilantik ang kilay niya at parang imbestigador na naghihintay ng sagot ko.

"Wala akong sinabi, napatingin kasi ako sa inyo kaya akala niya si Aemy yung ka-date ko." pagpapaliwanag ko.

"Juice colored, eh paano ka makaka-score kay Aemy niyan kung pinapakita mong may ka-date ka? Shunga lang?" aniya. May punto naman siya, kaso natalo ako sa pustahan eh. Wala akong magagawa.

Sunday.

"Oi! Kookie!" Nakita ko sina Aiyoo na papa-akyat na ng escalator. "Sorry, late kami. Hirap pumili ng damit eh." aniya.

"Nahirapan ka pa sa pag-pili niyan?" kinilatis ko ang kabuoang suot niya. Naka Kaki shirt siya maong shorts at sneakers, yung tatlo naman naka blouse, pants and sandals.

"May problema ka sa suot namin?" pagtataray niya. Natawa naman ako. "Wala, ang gaganda niyo. Tara na, nagumpisa na yung movie." Bago kami pumasok ay bumili kami ng popcorn at softdrinks. Nag group picture kami sa showing stand bago pumasok sa loob ng cinehan. Umupo kami sa gitna at nasikuha ng popcorn at drinks.

"Kookie, kulang yata nabigay nung tindera. Apat lang itong sofrtdrinks dito."

"Ganun ba? Labas muna ako, kuha ng inumin ko." paalam ko sakanila kaya lumabas ako ng sinehan. Sinabi ko sa tindera na kulan yun naibigay niyang softdrinks pero di niya ako binigyan dahil wala yung resibo at yung mga pinamili kaya bumili nalang ako ng bago.

Naalala ko, huli kong nood ng sine ay kasama si Aemy. Pabalik na ako ng sinehan nang mmapansin ko ang isang babaeng nagtatago sa poste malapit sa entrance at parang may hinahanap. Derederetso lang ako na dumaan sa gilid niya..

[ AEMY'S POV ]

"Ano daw?" tanong ko kay Sugar.

"Si Aiyoo daw ka-date niya. Mag-sisine daw sila sa Sunday." aniya.

"Ahh, ganun ba?" hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.

"Selos ka na niyan?" biglang singit ni Sugar. "Selos? oi, di ah, bakit ako magseselos.. eh magkaibigan naman sila." sabi ko naman.

Sinabi ko yun pero sa totoo lang, di ako mapalagay. Di ko maiwasang maisip na sana ako nalang ang kasama niyang manood ng sine. Wala namang masama kung may date sila ni Aiyoo, labas na ako dun, pero di ko maiwasang mainggit. Naiingit ako sa mga close at nagiging close ni Kookie. Siguro nga, talagang nagseselos ako.

Sunday.

Hindi ko naman alam kung anong movie ang panonoorin nila pero nagpunta parin ako dito. Nung huli kong ginawa ang mag-stalk eh nasaktan lang ako. At anu naman kayang gagawin ko kung sakaling makita ko sila? Pumwesto ako sa isang poste at sinisilip ang mga entrance ng sinehan baka sakaling makita ko sila. Pero para lang akong tanga dito.

[#2] Gay Turned Campus Hunk: Fall In Love With Me [BTS Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon