Chapter 6

3.3K 111 12
                                    

[ AEMY'S POV ]

Nagising akong di ko maigalaw ang leeg ko. Stiff neck early in the morning. Sa sobrang sakit ng ulo ko di yata ako gumalaw ng boung magdamag. Asar naman oh, ang sakit ng leeg ko. Sa bawat pag-galaw ko eh napapa-pikit ako at napapa-iyak sa sakit kaya heto at super bagal ko sa pag kilos, late na ang dating ko nito panigurado. Toasted bread at coffee nalang ang kinain ko at uminom na ng gamot na iniwan ni Sugar sa lamesa kagabi. Bago ko nilisan ang bahay ay napabalik ako ng tingin.. para kasing may nakakalimutan ako. Di bale na, late na ako sa school.

"Manong tara na po." at panaharurut ng driver ang kotse. Dumating ako sa school at halos kalahating oras na akong late sa first subject ko. Nagdalawang isip pa ako kung papasok pa ako o hindi. Sinilip ko muna ang classroom at nahagip ako ni Sugar at sinenyasan para pumasok. Napabuntong hiningan nalang ako at pumasok sa loob, nagpa-umanhin sa prof namin at dumaan sa likod ng room papunta sa upuan ko. Siniko naman ako agad ni Sugar.

"Uy, bakit kapa pumasok, magaling ka na ba? na-excuse na kita kay ma'am eh." pabulong niyang sabi sakin. Aba naman at malay kong excuse na pala ako. Sabagay medyo mabigat parin pakiramdam ko at may konting stiff neck pa akong nararamdaman.

"Sorry naman." natapos ang first subject at papunta na kami sa next, pero dumaan muna kami sa vendo para bumili ng kape at dumeretso sa room.

"Oh ano, napanaginipan mo ba si Kookie mo?" agad singit ng kaibigan kong matinding mang-asar. Halos maibuga ko nga tong kapeng iniinom ko eh.

"Hindi! Namatay ako kagabi at nagkaroon ng stiff neck!" tinawanan niya ako na parang yun na ang pinaka-magandang joke na narinig niya.

"Stiff neck?! Hahaha, aba matindi--" hindi ko na pinansin ang sinasabi niya.

"Speaking of Kookie.. parang di ko pa siya napapansin.. absent?" pasimple akong tumitingin sa paligid pero di ko siya makita. Pero bakit parang may nakakalimutan taalaga ako. Di ko lang maisip kung ano yun. Kinapa ko ang bulsa ko, nandito naman ang purse ko, ID ko suot ko naman, cellphone-- bigla ay pumasok si Kookie sa kwarto. Ngingitian ko sana siya pero parang matamlay siyang dumeretso sa upuan niya at parang nababasa ko sa paligid niya ang salitang "Depress" na lumulutang lutang. "Anyare dun? bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa?"

"Aba malay ko, ako ba si Kookie?" naku, kaibigan ko nga talaga ito. Numero uno sa pilosopiya. "Baka na-basted!" agad naman niyang singit.

"Na-basted? si Kookie? may nililigawan na siya? sinong walang puso ang babasted sakanya?! Anong pangalan nung babae, ipapakulam ko, ngayon din! teka.. si Annalise?" Bigla akong nainis dahil na-basted siya pero may kirot kasi naalala ko nanaman na may fiance siya. Napansin kong nakatingin sakin si Sugar at nakataas ang isang kilay. "Oh, bat ganyan ka makatingin?"

"Ewan ko sayo. Joke lang, walang nam-basted sakanya." bigla bigla siyang nagsungit  at isinalpak niya ang headset sa magkabila niyang tenga at tumalikod saakin. Ano nanaman ang sumpong neto? Umayos nalang ako ng upo at pinagmasdan ang nakaka-depress na likod ni Kookie. Nakakapanibago lang kasi at nasanay akong lagi siyang nangungulit samin. Tumingin ako sa orasan at medyo maaga pa naman, total lagi namang late si prof sa pagdating.

"Huy, anong pinagluluksaan mo jan?" tinapik ko siya sa balikat mula sa likuran na sadyang ikinagulat niya. Tumingin siya sakin at parang batang ngumuso at pihit ng ulo papalayo sakin. Kyah! Ang cute niya. "So ganyan, may kasalanan ba ako?" pati ba naman tong lalakeng ito eh sinusumpong?
 Magsasalita na sana siya kaso biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Aemy! Hanap ka ni Vincent!" kulang nalang eh malunok niya pati sound system sa sobrang lakas ng boses eh. Agad akong nagpunta sa labas para tignan si Vincent. As usual, may dala siyang batalyon ng kababaihang halos mag hugis puso na ang mga mata. Ano naman kayang kailangan nito.

[#2] Gay Turned Campus Hunk: Fall In Love With Me [BTS Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon