Chapter 12

2.7K 104 16
                                    

Narating ko ang beranda na humihinga pa, hindi narin sumunod si Kookie kaya makakapag-relax na ang puso ko. Pahamak talaga si Sugar kahit kailan. Walang bubongg ang beranda kaya tumingala ako sa langit, walang akong makitang bituin. Maganda sana mag star gazing sa mga ganitong pagkakataon. Di nagtagal na-boring ako, ayoko namang bumalik sa loob dahil una sa lahat nandun si Kookie, pangalawa aasarin lang ako ni Sugar. Umuwi nalang kaya ako, total wala naman akong ginagawa dito.


"Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako sa taong bigla nalang sumulpot sa tabi ko.


"Vincent.." di ko siya napansin. "kanina ka pa diyan?"


"Nope, kararating ko lang, malalim yata ang iniisip mo."Inabot nya sakin ang isang glass ng champaigne at tumingala kami sa mga bituin.


"Ang lapit nilang tignan na pakiramdam mo kaya mo silang hawakan pero napakalayo pala nila sayo." Pumikit ako ang huminga ng malalim.


"Ang lalim ah, pero alam mo, yung sa tingin mong napakalayo eh siya palang napakalapit sayo." aniya. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Tell me what's on your mind."


"Marami na parang wala? Haha hindi ko kasi alam kung problema ba talaga o hindi." tugon ko naman.


"Mae, sa tingin ko, wala kang problema, hindi mo lang alam ang gagawin mo dahil kay Kookie." Gusto kong ikaila ang sinsabi niya kaso tama naman siya. Masmaganda pa nga yung magkaroon ng problema dahil alam mong may solusyon, ibang usapan na kapag hindi mo talaga alam ang gagawin mo.


"Naranasan mo na ba yung ganito Vincent?"


"Yep, and you are one of those moments where I'd just stare blankly and think of how I can't do anything about it." aniya na pumukaw ng interes ko. Aba't kelan naman kaya yun? "At wala akong balak sabihin kung ano yun." dagdag niya.


"Wala pa akong sinasabi ah."


"Alam ko namang tatanungin mo eh, kaya inunahan na kita."


"KJ nito. Sabihin mo na? Nakaka-bitin naman to. continue!" pangungulit ko pero hindi parin niya sabihin kaya tinigilan ko siya.


"But I tell you, doing nothing won't hurt you but the people around you." Napatingin ako sakanya na nakangiti pero ramdam ko ang sinseridad sa mga binitawan niyang salita. Para bang may sinasabi ang kanyang mga mata, nasaktan na kita dahil wala akong ginawa. Umiwas ako ng tingin dahil para bang tinutukoy nito ang fiance niya na dahilan kung bakit kami naghiwalay.


"Oo, masakit nga kung sakali, pero hindi ko talaga alam ang gagawin ko."Nilaklak ko yung champaigne na ibinigay nya sakin kanina.


"Effort and honesty Mae, yan ang kailangan mo." Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Ayokong mawala ang kung anong meron kami ngayon. "Hindi ka pa ba babalik sa loob?" tanong niya. Umiling ako kaya bumalik na siya sa loob.


"Hmmm, peace of mind." Ewan ko pero kapag ganitong tahimik masmagandang mapag-isa. Kaya pala laging may ganitong eksena sa mga pelikula, kung saan yung bida eh lagging nag-iisa at nakatingin lang sa langit para mag-isip. "Brrrrrr" medyo giniginaw na ako, pero ayokong pumasok sa loob.

[#2] Gay Turned Campus Hunk: Fall In Love With Me [BTS Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon