Chapter 11

3.2K 109 22
                                    

[ SUGAR'S POV ]

"Ano bang ginagawa ng babaeng ito at hindi niya sagutin yung phone?!" kanina ko pa kasi siya tinatawagan eh, may usapan kaming magkikita ng 9am, susme! tanghali na wala parin siya! Mamimili kasi kami ng isusuot namin para sa christmas party this friday. Nagpasya na akong puntahan siya sa bahay nila at baka natutulog pa ang bruha.

*Ding dong* nag-doorbell ako at ipinagbukas ng yaya nila. "Si Aemy?" tanong ko sakanya.

"Nasa kwarto po niya, hindi pa po bumababa." tugon naman niya. Tulog pa nga yata talaga yung babaeng yun. Pumasok ako sa loob at laking gulat ko nang makita ko ang kuya ni Aemy na nasa harap ng computer.

"Ralph Mond!" halos mapasigaw ako. Hindi ko nga pala siya tinatawag na kuya kahit na masmatanda siya saakin. Bigla siyang napalingon saakin kaya ngumiti ako.

"Oh shit!" Napatingin ulit siya sa computer at mukha yatang  namatay yung character niya. "Sayang yung points! Argh!" pagrereklamo niya.

"Sorry naman." sabi ko habang papalapit sakanya. Sumandal siya sa upuan at humarak sakin. "Kelan ka pa dumating?"

"Kanina lang, may lakad kayo ni babes?" tugon niya.

"Oo, eh kaso parang tinulugan yata ako eh, 9am usapan namin, lunch na wala pa siya sa meeting place." sabi ko naman.

"Akayatin mo nalang sa kwarto, baka naglalaway pa yun. Hahaha!" Aniya na muling humarap sa computer. Ako naman, dali-daling tinungo ang kwarto ni Aemy at nadatdan siyang natutulog ng mahimbing. Huminga ako ng pagkalalim-lalim.

"AEMY! TANGHALI NA!" malakas kong sigaw habang papalapit sakanya. Kumunot ang mga mata nya at tinakpan niya ng unan ang mukha niya. Tumalon ako sa kama niya at kiniliti siya para magising.

"Aarhhh! Sugar—sto.. stop! Ahaha- haha— babangon na!" aniya na umupo na.

"Alam mo ba kung anong oras na? 11:30 na po!" pagpapa-alala ko sakanya. Agad siyang napatingin sa table clock niya at dahan dahang napatingin sakin.

"OMG! I'm so sorry Sugar! I overslept!" aniya.

"At ano ba ang ginawa mo at parang nagpuyat ka yata?" agad ko namang tanong sakanya sabay tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh di ba nga, sinundan ko sina Kookie sa cinehan kahapon.."

"Tapos nahuli ka?" bigla kong singit at napa-ngisi siya. "Sabi ko na eh, oh ano nangyari?"

"Yun na nga, nahuli ako tapos nagpunta kami sa theme park." aniya. Bigla akong napangiti.

"The two of you?" excited kong sabi. "Hindi eh, kasama namin sina Aiyoo." aniya. Oo nga naman, may kasama pala sila.

"Oh, eh anong oras kayo naka-uwi at parang puyat na puyat ka?" tanong ko. Inayos niya ang buhok niya at pinunasan sandali ang kanyang mata bago sumagot. "Mga 10pm na siguro"

"10pm? anong oras ka ba natulog?" dagdag ko ulit na tanong. Para kasing namamaga mata nya at ang lalim ng eyebugs niya,

"Hindi ko na alam, madaling araw na sigur—" bigla siyang napahinto at ibinaon ang mukha sa unan na hawak niya.

"Oh bakit?" bigla kong tanong. "Anyare sayo?"

"Sugar! si Kookie kasi—!" inangat niya ang ulo niya , hindi ko alam kung nakangiti siya, nakakulubot kasi noo niya.

"Bakit si Kookie? Sinabi mo na bang mahal mo siya?" sabi ko naman. Sana naman nagkaaminan na ang dalawang to.

"Hindi eh, pero— ewan ko! kasi ganito yun.." at ikwinento nga niya ang nangyari sa theme park. At para kaming lokaret na nagtitilian at kinikilig. "Tapos sabi niya.. Didn't I tell you that I will make you fall in love with me? waaaa!" at naghahampasan na kaming dalawa ng unan. Jusko jugigo! nice one Kookie!

[#2] Gay Turned Campus Hunk: Fall In Love With Me [BTS Jungkook]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon