Sa wakas ay narito ka na, pero bakit nga ba?
Akala ko ika'y palaban at matapang pero bakit andito ka?- sa harapan ko na may marka sa leeg.
Hindi ko inaakala na pati ikaw ay mabibilog ng mga boses sa isip mo na kay tamis at lagkit,
Ba't nawalan ka na nang gana?Dati sinabi ko na ikaw ang kaluluwang gusto kong makuha, pero hindi sa ganitong pamamaraan.
Nais ko sana'ng makita kang tumanda kasama ang iyong pamilya- mamuhay ng masaya.
Gusto ko sana'ng marinig ang mga kwento mo kung papano mo inalagaan ang mga halaman at sarili mo,
Pero bakit humantong sa ganito?Alam kong pagod kana, pero sana naman ay inisip mo ang sarili mo.
Oo nais kitang magpahinga pero hindi rito kasama ko- sa mainit na lugar na ito.
Sana ay kinaya mo, hindi para sa kanila kung hindi ay para sa'yo naman,
Kasi kung tunay na mahal mo sila ay sana minahal mo muna ang sarili mo para sa kanila.'Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para maka-akyat ka.
Ako ang demonyo na maghahatid sa'yo pabalik sa langit upang ilagay kung saan ka nararapat.
At kung maayos man ang gusot na ito- at kung mahanap mo rin ang pagmamahal na ninanais mo
Sana sa susunod na buhay ay mahanap mo rin ang pagmamahal para sa sarili mo.Pangalawang Liham na para sa yumaong Ligaya
-Sebastian
YOU ARE READING
Stories of the Untold
PoetryThoughts that are left unspoken and to be forgotten. //Mga saloobin na hindi nailalabas para hayaan nalang na makalimutan Will be a compilation of poems and/or prose in Filipino or in English (English yung description pati yung title kasi sanay ako...