Akala ko ba ay kaya mo?
Na ako'y malayo ng ilang libong kilometro
Upang maialay ang magandang mundo para sa ating dalawa.
Nagtungo ako sa lugar,Kung saan habang naghahari ang araw sa akin,
Ay ang pagsilip ng buwan sa iyo.
Na habang nagbabanat ako ng buto,
Ay binabanatan ka na pala ng iba.At pagsapit ng gabi ko—
Habang mahimbing ang tulog at pahinga
Ay siya namang pagsama niyong dalawa—
Kung saan ay pinagsasaluhan niyo ang isa't isa.Umasa ako sa iyong mga pangakong—
"Wag kang mag-alala sa'yo ako sa huli"
Kumapit ako at nagtiwala
Sa metal na inuukupa ang palasingsingang daliri koInaakala ko'y habang suot ito
Ay mananatili kang akin at sayo'y ako—
Ngunit nasaan na ang iyong mga salita?
Ang pangakong panghabang-buhay?Pero lalaban ako,
Sapagkat sa akin ka at wala ng iba.
Ikaw ang iniirog ko,
Tinitiis ko yung pagod at sakit ng uloPara mahimbing ang iyong tulog
Ngunit hindi ko sinabing, dapat ay may iba kang katabi
Sana naman na isip mo
Yung "ako" na ninanais maka-uwi—Upang ika'y makapiling, mahagkan, at makasama.
Hindi kita masisisi kung inasam mo ang pansamantalang kaligayahan
Pero bakit isa sa'king mga kaibigan pa?Ikaw ang ginoong hinayaan kong ako'y angkinin
Na akala ko'y kasing tigas ka ng bato
At kasing tibay ng tulay ngunit tama sila—
kahit yung pasta ay lumalambot kapag iniinit.
YOU ARE READING
Stories of the Untold
PoetryThoughts that are left unspoken and to be forgotten. //Mga saloobin na hindi nailalabas para hayaan nalang na makalimutan Will be a compilation of poems and/or prose in Filipino or in English (English yung description pati yung title kasi sanay ako...