Tahimik na ang gabi nang dumalaw ako sa mataas na gusali,
Doo'y aking nakita ang lagusan,
Na siyang madaraanan sa akmang paglipad
Mula sa pinakamataas na palapag.Kung iyong nanaising masilayan ang katapusan,
Halika't samahan mo akong tumalon sa kawalan;
Dalawa tayong maglalakbay sa landas na hindi kayang tahakin ng iba.
Kakayanin mo ba?Tanging kape na lang ang sumasalba sa akin,
Sa mga saloobin na hindi na kayang indahin.
Mga emosyong hindi na mapigilan at nais ko nang pakawalan.
Ang nais ko lang naman ay matapos ang sakit na bumabalot sa akin.Ilabas niyo ako rito,sa sarili kong kulungan;
Palayain niyo ako at bigyan ng pagkakataong mabuhay ng matiwasay,
O 'di kaya'y inyo akong bigyan ng kapayapaang makapagpahinga,
Kahit ano basta't makaalis lang ako rito.Isinulat ni Cocø
Inayos Raiza JøyInspired by the song
"Racing into the night"https://m.youtube.com/watch?v=x8VYWazR5mE
YOU ARE READING
Stories of the Untold
PoesíaThoughts that are left unspoken and to be forgotten. //Mga saloobin na hindi nailalabas para hayaan nalang na makalimutan Will be a compilation of poems and/or prose in Filipino or in English (English yung description pati yung title kasi sanay ako...