/a construed scribble and a collaboration/

10 4 0
                                    

Construed from Aki Magante

Please do read her piece first before reading this; you can view it in this link:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=161042105540901&id=100049053374305&sfnsn=mo

Nang minsa'y naiwan niyang bukas ang kaniyang telepono ay hindi ko na pinigilan ang sarili na alamin ang rason kung bakit nakakaya niyang hindi umuwi sa bawat gabi. Nanginginig ang aking mga kamay habang hinahawakan iyon, unang bumungad sa akin ang mga litrato niyong dalawa— ang masasaya niyong mukha habang kapiling ang isa't isa. Hindi ko pa man natatapos tignan ang lahat ay siya namang pagdating ng mensahe mo para sa kaniya— naghihintay kang makapiling siya ulit sa araw na iyon.

Sa ilang taon naming pagsasama, hindi ko pa rin makakalimutan kung papaano siya umiyak ng dahil sa saya nang sinambit ko ang mga katagang "I do" sa harap ng altar kung saan kami'y pinag-isa ng Panginoon, ngunit hindi ko akalaing makikita ko ulit ang ganoong klase ng saya sa kaniyang mga mata habang kasama ka niya. Sa bawat gabi na sayo siya umuuwi— ikaw nga yata ang hindi niya naibanggit nang mangako siya sa akin na sa araw-araw ako'y kaniyang mamahalin.

Galit ako, galit na galit nang malamang bukod sa akin ay may inuuwian siyang iba, na bukod sa akin ay may pinapahalagahan siyang iba, na mayroong isang taong nais niyang makasama— taong nagawang bihagin ulit ang puso niya. Kasabay ng pagkabuo ng galit sa aking puso ay siya namang pamumuo ng luha sa aking mga mata— hindi rin siguro nakayanan ng aking anak kung kaya't umagos ang pulang likido sa pagitan ng aking mga hita.

Nagulat siya nang makita ako at agad-agad na isinugod ako sa ospital. Ako nga ang legal ngunit ikaw ang mahal niya— sa mata ng Diyos at sa mata ng batas, ako ang tama. Ngunit sa kaniyang mga mata— ikaw ang para sa kaniya.

Ilang beses kitang kinausap— nagmakaawa upang siya'y lubayan mo na, hindi pa ako nakuntento't nilait ko ang buong pagkababae mo— kabit ka, ang dahilan kung bakit unti-unting nasisira ang pamilyang iniingat-ingatan ko. Ngunit tama ka— ano nga ba ang iyong magagawa kung siya mismo ang kusang nananatili sa piling mo?

Maaaring ako ang legal ngunit alam kong nananatili lamang siya dahil sa batang nasa aking sinapupunan. Kung sa susunod na buwan ay sayo pa rin siya umuwi, puputulin ko na ang koneksiyon naming dalawa— hahayaan ko kayong magsama sapagkat alam kong mas kaya mo siyang mahalin kumpara sa kaya kong iparamdam sa kaniya.

Damdamin ng isang asawa
—isinulat ni Joyce-joy

Sinta, pagpasensyahan mo sana ako. Inaamin ko, ako'y nagkamali at nagtaksil— ako na yung naghanap ng iba, naghanap ng taong mas magpapasaya sa akin, at naghanap ng babaeng bagong makakasama. Sapagkat nadala ako ng mga bulong ni tukso kaya't nagawa ko iyon sa'yo.

Nangako ako sa altar na aalagaan kita at mamahalin hanggang sa huli kong hininga— pero tama na. Simula nung natali ang palasingsingin ko sa'yo ay unti-unting mong inuukupa ang espasyo para sa sarili ko— na kahit ang mga kliyente at mga lalaki kong kaibigan ay pinaghihinalaan mo.

Binibigay ko naman sayo lahat ng oras, atensyon, pagmamahal, pati na rin yung atm ko— pero sa kabila ng lahat ay bakit pinaghihinalaan mo pa rin ako?

Hanggang umabot ang panahon na naisipan kong ibigay ang ninanais mo— pamilya. Itanim ko ang aking binhi sa iyo at noong ito'y yumabong at umusbong ay ikinagalak mo ito. Akala ko ay hindi ka na maghihinala, pero doon ako'y nagkamali— ang pagkakatali sa leeg ko ay mas lalong humigpit. Ano pa ba ang nais mong gawin ko?

Hindi ka na nakukuntento sa mga simpleng liham gawa ng sulat-kamay, sa mga bulaklak, at sa mga tulang isinusulat ko. Kinukumpara mo na rin ako sa mga lalaking napapanood mo sa telebisyon na binibigyan ang mga asawa nila ng mamahaling bato at kasuotan na hindi ko naman mabibigay sayo ng agaran— hinahanapan mo ako ng mga bagay na hindi kailanman ay maibibigay. Marahil ang ideya ng simpleng pamumuhay ay hindi na para sa iyo.

Kaya noong nakilala at nakasama ko siya, naalala kita— yung dating ikaw. Nakita ko sa kaniya yung mga mata ng saya at galak noong mga panahon na simpleng lutong bahay lang ang naihahain ko, na yung simpleng gala sa labas habang magkahawak-kamay ay ikinasasaya mo, at naramdaman ko na mas tanggap niya ako— sa kung ano man ako at hindi sa kung ano yung patutunguhan ko.

Oo mahal kita— pero hindi ko hahayaang maging alipin ako ng sarili kong pagmamahal. Oo mahal kita— pero napagtanto ko na dapat pala'y mas mahalin natin ang sarili kumpara sa iba— na kahit may mahal tayo ay dapat mahalin din natin ang sarili. Hindi man ako naging mabuting asawa pero sisiguraduhin kong ako'y magiging mabuting ama sa anak ko.

Ang kasagutan ni Ginoo
—isinulat ni Cocø

Stories of the UntoldWhere stories live. Discover now