Chapter One: Lowella and Ignacio

613 37 13
                                    


"Lowella, hindi pa ba lumalabas sa meeting si Engineer?" takang tanong ni Delia nang makita akong kanina pa nasa lobby ng munisipyo at panay na ang tingin sa orasan. Ang tinutukoy nito ay ang kasintahan niya na si Ignacio Reed Buenaventura. Sa munisipyo ay Engineer Reed ang tawag sa kanya dahil na rin sa iyon na ang nakasanayan noong nag-aaral sila ng kolehiyo at sa kursong engineering ay tuksuhan palagi ang binata dahil sa maraming babae ang umaaligid sa kanya at binansagan siyang Reed at mas bagay raw kaysa sa makalumang pangalan niya na Ignacio. Pero hindi kailanman nagloko ang kasintahan sa kanya at nanatili na sa kanya lamang ang mga mata. Hindi naman lugi ang lalaki sa kanya dahil marami rin ang nanliligaw sa kanya noong high school pero ito ang nakakuha ng kanyang atensiyon. Guwapo, mabait at matalino si Ignacio. Huwag ng isama na magkakilala sila mula pa noong elementarya.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pilit na ngumiti si Lowella kay Delia at napatingin sa ikalawang palapag ng munisipyo kung saan naroon ang opisina ni Mayor. Pagkuwa'y ibinalik kay Delia ang mga mata. "Hindi pa. Pero baka palabas na iyon. Mauna na kayo nina Wilma," sabi na lamang niya nang makitang nasa labas na ng munisipyo sina Wilma at Myr at kausap si Aries na siyang palaging may dala ng sasakyan. Doon sila lahat sumasakay kapag pauwi na dahil nadadaanan naman ni Aries ang bayan kung saan doon nakatira ang dalawa. 


"Aba'y kanina pa sila nagmi-meeting. Baka gusto mo na sumabay na lamang sa amin at mauna kaysa naman hintayin mo si Engineer na mukhang hindi pa matatapos sa pakikipag-usap sa ibang opisyales. Naku pihadong iyon na naman widening d'yan sa may bayan ang kanilang pinagmi-mitingan."


Napatingin siya sa orasan. Pasado alas singko bente na at totoong gusto na rin niyang umuwi pero tiyak na magagalit na naman si Ignacio kapag nauna siyang umuwi at hindi ito mahintay. Ilang beses na rin nilang pinag-aawayan ang pagbili ng sasakyan para naman may magamit sila kapag pumapasok. Pero nagsabi na si Ignacio na mas uunahin niya na makapag-ipon ng pambili ng bahay kaysa sa sasakyan. 


Ang pagiging simple ni Ignacio at ang pagiging mataas ng kanyang pangarap ang madalas nilang pag-awayan nitong mga huling buwan. Ilang taon na rin kasi silang nagta-trabaho sa munisipyo ng San Nicolas. High school sweethearts sila ni Ignacio at lumaki sa iisang barrio. Parehong eskuwelahan ng elementarya at high school hanggang sa mag-kolehiyo sila ay roon lamang sila sa San Nicolas. Hindi sa ayaw nilang mag-Maynila. Gusto niya. Pero dahil hindi naman kalakihan ang kinikita ng kanilang mga magulang ay hindi na siya nagpilit. Kinumbinse o sa mas madaling sabi ay kinunsensiya siya ni Ignacio na huwag nang pilitin ang mga magulang na mag-aral siya sa Maynila tutal naman daw ay pareho silang matalino ni Ignacio at makakuha sila ng sapat na kaalaman sa kanilang bayan na magagamit nila para makakuha ng magandang trabaho.


Kung matatawag ng magandang trabaho ang nasa gobyerno ay marahil nga masuwerte sila ni Ignacio dahil pagka-graduate lamang nila ay parehas silang kinuha ng munisipyo ng kanilang bayan. Si Ignacio bilang isang engineer at siya naman ay na-assign sa assessor's office. Hindi naman masama ang suweldo dahil kung sa kagaya nila na nasa isang barrio lamang at malayo sa kabihasnan, wala ka naman pagkakagastusan. Iyon lamang ay ganoon na ang kanilang routine. Ilang taon na silang nagta-trabaho sa munisipyo. Nasa limang taon na rin pero hanggang doon na lamang ang gagawin nila kahit pa nga masasabing ilang beses na na-promote si Ignacio at lumaki ang suweldo. Para sa kanya mabagal ang takbo ng buhay sa probinsiya. Hindi kagaya sa Maynila na gumagalaw nang mabilis ang lahat. 

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon