Chapter 11: I love You

361 26 7
                                    


LOWELLA


Mabilis na pinahid ko ang luha sa magkabila kong pisngi habang nakatitig sa larawan namin ni Ignacio na kuha noon maka-graduate siya ng engineering. Ako ang nakasuot ng kanyang toga habang siya naman ay proud na naka-akbay sa akin. Masayang-masaya kaming dalawa. Natupad din ang pangarap niya na makatapos ng kurso na gustong-gusto niya. 


Ignacio was a bright man. Matalino, guwapo at seryoso.  Maraming mga babae noon ang nagkakagusto kay Ignacio pero sa tuwing may lalapit sa kanya ay aayain ako sa kanilang building at doon ay aakbayan ako habang naglalakad kami sa hallway. Ipinaparada niya ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya para tigilan na siya. Hindi naman ako selosang babae dahil secured ako sa pagmamahal ni Ignacio. Marami pa nga ang naiinggit sa akin noon dahil may boyfriend ako na kagaya ni Ignacio.


Sa loob ng sampung taon, pakiramdam ko ay hindi ko na makita ang Ignacio at Lowella na nakikita ko sa larawan na ito.


Matapos na hintayin ko siya na sabihin sa akin ang paglabas nila ni Patricia ay panunumbat lamang ang narinig ko sa kanya kanina dahil sa pagsama ko kay Aries. Nagpauna akong magsabi ng sorry dahil mukhang hindi lalabas sa bibig niya iyon salita na iyon.


I was waiting for him to say sorry as well.


Pero hindi ko iyon narinig kay Ignacio hanggang maihatid niya ako sa bahay. Hindi kagaya noon Biyernes, pumasok ito sa bahay at nagbigay ng galang sa mga magulang ko. Saglit pa itong nakipagkuwentuhan kay Lyka na binibiro nang pabulong. Humahagikhik si Lyka na mukhang nahuhulaan ko na si Jorge ang pinag-uusapan nila. Gusto ko siyang sawayin na huwag biruin si Lyka nang ganoon at baka seryosohin ang kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Jorge. Bata pa si Lyka at ayoko na magkamali ito nang dahil lamang sa bugso ng damdamin. Iba pa naman ang mga kabataan ngayon.


Pero maliban sa tipid na halik sa pisngi ay nagpaalam na si Ignacio at sinabi na naghihintay na rin sa kanilang bahay ang kanyang mga magulang. 


Nagkaka-interes na ba si Ignacio sa iba?


Aminado ako na masakit sa akin bilang girlfriend na may inililihim siya sa akin. Masakit isipin na sumama siya sa ibang babae at hindi ko alam kung ano ang ginawa nila. 


Siguro mas masakit iyon dahil sa kabila ng alam ko na iyon ay hindi man lamang siya nagsabi tungkol doon.


Natigilan ako nang tumunog ang cell phone ko. Binuksan ko iyon at nakita ang message ni Ignacio.


Love, kumain ka na ba? Hindi na ako tatawag mamaya dahil maraming trabaho kanina. Matutulog ako nang maaga. Matulog ka na rin. Daanan kita bukas. I love you.


Ilang beses ko iyon binasa. Pilit na hinahanap kung nagbabago na nga ba si Ignacio. He used the same endearment. Love ang tawagan namin. Pero mas madalas na siya ang nagsasabi noon. Wala sa loob na nagtipa ako sa screen at sinagot ang text niya. 


Gabi-gabi ay hindi nakakalimot si Ignacio na tumawag. Kahit na araw-araw ay magkasama kami sa trabaho ay tumatawag siya.

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon