IGNACIO
"Are you okay?" Tinig iyon ng nag-aalalang si Patricia.
Ilang minuto ako na nakatayo roon habang pinapanood ang pag-alis ng sasakyan ni Aries kung saan nakasakay si Lowella.
Si Lowella na girlfriend ko. May sakit na biglang sumipa sa aking dibdib. Naalala ko ang mga panahon na hinahabol ko lamang siya ng tingin dati. She's always bright in my eyes and I was mesmerized by her simple beauty and witty attitude. Sinabi ko sa aking sarili na isang araw ay magiging girlfriend ko si Lowella. Nang mag-high school kami ay palagi kong inaalam kung may nanliligaw sa kanya o kung may pag-asa ba ang mga lumalapit sa kanya noon. Ligawin si Lowella kaya hindi nakakapagtaka na sanay ito sa atensiyon ng mga lalaki. Pero ni minsan ay hindi naging mapaglaro si Lowella sa damdamin ng mga nagkakagusto sa kanya. May mga kaklase ako na nanligaw rin sa kanya na umuuwi na bigo na mapasagot si Lowella kahit na dadalawang araw pa lamang nanliligaw sa kanya. Matapat ng sinasabi ni Lowella na wala pa sa kanya ang pagkakaroon ng kasintahan. Kahit pa nga ang mga sikat na varsity players ng kanilang eskwelahan ay nagpahayag ng damdamin sa dalagita pero hindi niya iyon inintindi.
Nang lapitan ko siya ay ibayong lakas ng loob ang ginawa ko. Nakita ko ang hindi pagkapaniwala sa mukha niya nang una ko siyang sabayan pauwi. Hanggang sa naging madalas na iyon. Hindi ko alam kung saan ako kumuha noon ng lakas ng loob para magsabi na gusto ko siya.
Nang sagutin niya ako pakiramdam ko ay higit pa sa pagtama ng lotto ang naramdaman ko. Higit pa sa pag-aanunsiyo na ako ang valedictorian sa klase. Higit pa sa pagkakakuha ko ng scholarship sa pag-aaral ng pagka-inhinyero. Kaya naman ginawa ko ang lahat para maging karapat-dapat sa kanya balang araw. Para maibigay ko ang kailangan niya oras na hingin ko na sa kanyang mga magulang ang kanyang kamay.
Pero ang babae kanina na sumakay sa kotse ni Aries, pakiramdam ko ay hindi na siya si Lowella na naging kasintahan ko noong high school. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na takot.
Na baka mauwi sa wala ang sampung taon na relasyon namin.
"Reed?"
Napakurap ako nang maramdaman ang kamay na humawak sa braso ko. Napatingin ako roon pagkuwa'y napatitig sa nag-aalalang mukha ni Patricia. Pilit na ngumiti ako sa kanya. Sa kabila ng bihira naman kaming mag-usap ni Patricia ay magaan ang loob ko sa kanya. Kahit na nag-aral siya sa Maynila at nagpatuloy sa ibang bansa, at kahit na kabilang siya sa kilalang pamilya sa politika sa aming bayan ay nanatiling mababa ang loob ni Patricia. Sa kanyang ayos ay bagay lamang siya talaga na manatili sa isang siyudad, hindi rito sa San Nicolas.
"Okay lamang ba na mauna na akong umuwi, Pat?"
Natigilan ito. Pagkuwa'y napalingon sa mga kaklase namin na nasa mesa. Nagkakatuwaan pa ang mga ito at halatang walang alam sa nangyari. Ibinalik ni Patricia sa akin ang tingin.
"I'll take you home, Reed. Mukhang mamaya pa rin naman sila uuwi."
Natigilan ako at nag-aalangang napatingin sa mga kaklase namin bago ko ibinalik sa kanya ang tingin. "Huwag na, Pat. Mukhang namiss ka rin nila at hindi ka madalas nakakauwi." Napatingin ako sa aking relong pambisig na regalo ni Lowella sa akin noong isang taon nang mag-anniversary kami. Sinabihan ko siya noon na dapat hindi na bumibili ng ganoong kamahal na regalo nang malaman ko sa internet kung magkano ang halaga ng relo na ibinigay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Takes Time
RomanceWhen Lowella left her town, she was brokenhearted. A broken relationship and the hunger to make her dreams come true made her leave the town where she had the first taste of love. She convinced herself that their love wasn't meant to be. Ignacio, e...