IGNACIO
Natigilan ako nang biglang tumunog ang cell phone ko. Kakagising ko lamang at nagulat pa ako nang makita na lagpas alas otso na pala ng gabi. Ganoon ba ako kahabang nakatulog? Bigla ay naisip ko na baka nakarami na ng text si Lowella sa akin dahil mula kagabi pa ako hindi nakakapag-text sa kanya.
Kung kagabi ay naroon ang galit at hinanakit pero ngayon nahaluan na iyon ng iba.
Guilt?
Iyon ba ang nararamdaman ko? Pero bakit ako magi-guilty kung kasama ko kagabi si Patricia? Hindi ba at kasama rin naman niya si Aries?
Kasama lamang ba? Tila may paghamon ang isang bahagi ng utak ko. Natigilan ako at pilit na inalis iyon.
Balewala lamang iyon kay Patricia. At hindi naman masama na maakit ako kay Patricia dahil bukod sa mabait ang babae ay maganda ito. Kung iisipin, malayo ang ganda niya kay Lou. Si Lowella ay may pagka-mataray ang dating ng ganda. Samantalang si Patricia ay likas na palangiti at marahil dahil nasa pulitika ang pamilya ay tinuruan silang maging malapit sa mga tao. Pero kahit hindi pa ang kanyang Papa ang nakaupo ay very down to earth na si Patricia kaya nga naging malapit din kami sa isa't isa noong high school.
Huwag nang idagdag na mabuti pa si Patricia na sa kabila ng kanyang estado sa buhay ay na-a-appreciate ang kagaya ko samantalang ang kasintahan ko sa matagal na panahon ay parang hindi pa rin niya na-appreciate kung ano ang kaya ko lamang ibigay sa kanya. Mahirap ba na intindihin na bukod sa ako ang nagpapa-aral sa aking dalawang pamangkin ay pinaghahandaan ko rin ang kinabukasan namin kapag ikinasal na kami? Na bukod sa magarbong kasalan ay gusto ko na may sarili na kaming bahay oras na ikasal kami. Pero mukhang hindi importante iyon kay Lou.
Nang tumunog muli ang notification na may nag-message ay saka ko lamang napansin na hindi ko pa pala nabubuksan ang text notification.
Hindi ko alam kung kaba ang naramdaman ko nang makita na si Patricia ang nag-text. Hindi ba at dapat ay pagkadismaya ang maramdaman ko dahil hindi si Lou ang nag-message?
Binuksan ko iyon. Nangungumusta siya at nagpapasalamat sa pagsama ko sa kanya sa kanilang rest house sa San Vicente. Agad na ni-reply ko siya na okay lamang iyon. Maya-maya ay tumunog muli ang cell phone ko. Nag-reply uli si Patricia.
Patricia: I enjoyed last night, Reed.
Ramdam ko ang tila pagtayo ng excitement sa simpleng pagsasabi niya noon. Maging ang pagtawag niya sa pangalawang pangalan ko. Sa aking mga kaklase ay Reed ang tawag nila sa akin. Tanging si Lou lamang at si Mamang ang tumatawag sa akin sa pangalang Ignacio. Ang mga magulang ni Lowella ay Reed na rin ang tawag sa akin mula pa noong naging kami. Kapag paminsan-minsan ay natatawag akong Ignacio ng kanyang tatay kapag nakaka-inom.
Agad na sinagot ko si Patricia na ganoon din ang nararamdaman ko. Na nag-enjoy rin ako kagabi.
Patricia: Even the kiss?
May tatlong smiley pa ang dulo ng kanyang text. Napalunok ako kasabay ng tila pagkabog ng dibdib. Sa kaba o sa kapareho pa rin excitement ay hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Love Takes Time
RomanceWhen Lowella left her town, she was brokenhearted. A broken relationship and the hunger to make her dreams come true made her leave the town where she had the first taste of love. She convinced herself that their love wasn't meant to be. Ignacio, e...