Chapter 9: Lover's Quarrel

410 28 13
                                    


Lowella


"May problema ka ba, Lou?" takang tanong ni Delia habang pinapanood ako sa pagtipa sa harap ng computer. 

Kumunot ang noo ko sa kanya na nagtataka paano niya nasabi na may problem ako. "Ako? Wala. Bakit?"


Napatingin si Delia sa screen ko habang tinitingnan ako. "Kanina pa caps lock iyang tinata-type mo. Galit ka ba kay Mayor?"


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya na napatingin sa screen. Oo nga! Lahat ng letra ay naka-caps lock na! Parang gusto kong iumpog ang ulo ko sa aking mesa dahil ibig sabihin lamang noon ay lahat ng nai-type ko mula kanina ay ganito na. Isa-isang nai-browse ko iyon at lahat nga ay naka-caps lock.


Napabuntonghininga na lamang na nai-highlight ko ang mga naka-caps lock at nai-delete.  Napatingin ako sa orasan. Pasado alas nueve na at kailangan maipasa ko iyon bago magsimula ang meeting nila mamayang ten o'clock.


Humila ng upuan si Delia. "Oy, magsabi ka nga at mukhang kanina ka pa tulala. Hindi ko nakita si Reed kaninang umaga sa flag ceremony. Lover's quarrel?" panghuhula niya na bahagyang bumulong. 


Umirap lamang ako rito. Kahit kailan ay matalas ang pang-amoy ni Delia. "Pulos ka tsismis." 


Pero aminin ko man iyon o hindi ay nag-alala rin ako na hindi ko nakita si Ignacio mula pa noon Sabado. Maliban sa isang nakakainis na text niya na 'How are you?' ay wala na akong natanggap na kahit na anong text mula sa kanya. Dumaan ang Linggo kung kailan kami ay nagsisimba at saka kakain sa labas pero walang Ignacio na nag-text o nagpunta man lamang sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko.


Naninikis ba si Ignacio?


Ipinaparamdam niya na ako ang mali kaya dapat ay ako ang manuyo. Na ako ang may makitid na utak kaya kasalanan ko ang lahat. Sa naisip ay lalo lamang tumataas ang aking pagrerebelde. 


"Hindi kayo sabay pumasok. Eh, di may LQ nga kayo," panghuhuli ni Delia na tinitigan pa ako sa mga mata.


Pinandilatan ko lamang siya. "Bumalik ka na roon sa mesa mo, Delia. Makita ka pa rito ni Boss Harry. Mapagalitan pa tayo."


Umingos lamang ito at bumulong. "Mamaya sa breaktime, ha? Mukhang naging lolo na naman si Engineer at nagkakaganyan ka. Sabi sa akin ni Aries ay lumabas kayo noon Biyernes. Nagkuwento na naman siguro tungkol kay Myr."


Ibinalik ko na ang tingin ko sa ginagawa ko. "Eh, ano pa nga ba? Siya, bumalik ka na nga at nang matapos ko itong ginagawa ko," pagtataboy ko sa kanya para hindi na ako kulitin nito. Tumayo na nga at umalis si Delia pagkatapos na magbilin na kailangan ko na magkuwento sa kanya. 


Sa totoo lamang ay gusto ko ng i-text si Ignacio at itanong kung nasaan ito.  Ngayon lamang nangyari na nanikis nang ganito si Ignacio. Huwag nang isama pa na dalawang araw siyang hindi nagparamdam sa akin. Kinakabahan na napatingin ako sa labas ng opisina namin na noong nakaraang taon lamang ay pinalitan iyon ng mahabang salamin na makikita ang mga taong paakyat sa opisina ni Mayor. 

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon