Chapter 1

16 1 0
                                    

Chapter 1

June 2011

Nang tumunog ang bell para sa homeroom period ay agad na nagsi-pasok ang mga nasa labas. Pumunta na rin sila sa tama nilang upuan bago pa man dumating ang kanilang class adviser. Wala pang sampung minuto ay dumating na nga si Sir Eduardo Carbilledo. Noong una ay masungit at strikto ang guro pero nang lumaon ay unti-unti na rin itong nagiging malapit sa buong klase.

Nasa kalagitnaan ito nang pagse-share ng word of God nang mapansin nito ang pagbubulungan nina Saturnino at Alastair. Agad namang napatingin ang buong klase sa dalawa nang sitahin ito ng guro.

"Care to share what you two are talking about? Saturnino? Alastair?"

Nagsikuhan ang dalawa at nag-ngisian. Maya-maya ay si Saturnino ang sumagot sa guro.

"Sorry, sir," anito. Pinipigilan ang lalong matawa.

Kumunot ang noo ng guro at tinitigan ang dalawa. Nang mapadako ang tingin ni Saturnino sa gawi nila at nang magtama ang mga mata nila ay siniguro ni Kaylene na makikita nito ang pag-rolyo niya ng mata. Unti-unting nawala ang ngisi sa labi ng lalaki.

Isa ito sa dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi inabala ni Kaylene ang sarili na kaibiganin si Saturnino. Nayayabangan siya rito. Nababastusan pa nga minsan. Mayaman kasi kaya naman malakas sa mga nakatataas. Kaya kung umasta, kahit sa mga teacher, minsan parang wala ng pag-galang.

Ikina-iirita niya 'yon. Ikina-iinis niya na tila ba madali nitong nalulusutan ang masasamang gawi nito dahil lang sa ma-pera ang pamilya nito. Pero mas naiinis siya na para bang okay lang 'yon sa ibang guro dahil na rin sa parehas na dahilan.

Halos buong buhay ni Kaylene ay kapitbahay—o mas tamang sabihin na katapat-bahay—na nila ang lalaki at ang pamilya nito. Sa mahabang panahon na 'yon ay kahit kailan hindi sila nag-usap miski isang beses ni Saturnino.

Mula elementary rin ay nasa iisang eskwelahan na sila ngunit hindi nagiging magka-klase. Kapag naman nagkakasalubong sa subdivision na tinitirhan nila ay parang hindi nila nakita ang isa't isa. Ni walang tanguan.

Maya-maya ay narinig na lang ni Kaylene na pinagpapalit na ni Sir Carbs, ang tawag nila sa adviser kapag hindi oras ng klase, si Alastair at Grace ng pwesto. Lihim s'yang napalatak. Sinuwerte pa talaga ang kulot dahil katabi na tuloy nito ngayon ang kaibigan niya.

Hours passed by and it seemed like a normal day except Kaylene got a new friend in Alastair. Mabilis silang nagkasundo ng lalaki. Sa tuwing may pagkakataon ay nagdadaldalan sila gaya ng tipikal na estudyante.

Matapos kumain nang tanghalian ay agad na nagsi-akyatan mula sa canteen sina Kaylene at ang kan'yang mga kaibigan. They've been friends since their freshman year kung saan unang beses nilang naging magkaka-klase. Nang sumapit naman ang sophomore at junior year ay nagkahiwa-hiwalay sila ng section. At ngayong huling taon nila ay pinagpala silang magkasama-sama ulit sa iisang klase.

The girls named their group EightAs or 8As. Naisip nila ang pangalan na iyon dahil lahat sila ay nagsisimula sa letrang A ang pangalan. Almira Kaylene. Angelou Francine. Alaine Jahaira. Althea Grace. Anna Daniella. Alison Mae. Avianna Rea. Adrianna Patrice. They all have very different personalities kaya naman nakaka-mangha na sa kabila noon ay nagkakasundo pa rin sila.

Gaya ng tipikal na lunch break sa kahit ano naman yatang eskwelahan ay nagkumpulan sila sa isang pwesto kahit pa hindi naman talaga sila doon nakaupo sa oras ng klase. Nagsimula silang magdaldalan ng kung ano-ano.

Dahil close naman ang buong IV-Chivalry at wala naman silang personal talagang pinag-uusapan ay hindi nila alintana na may lumapit sa kanilang ibang kaklase. Masyado rin kasi silang abala sa pagtatawanan kaya naman wala na silang naging pakealam sa lumalapit.

Fierce Young HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon