Kabanata 3

23 12 1
                                    




Nasa classroom namin ako ngayon habang nagkaklase kami hindi talaga mawala sa isip ko kung paano nalaman ni Cedric ang username ko sa Instagram.

"Hoy Marga tinatawag ka ni ma'am" kalabit sa'akin ng kaklase ko.

Tinabig ko lang ang kamay n'ya. Ano ba'yun Eina?

"Sabi ko tawag ka ni ma'am, hindi ka nakikinig kanina pa n'ya tinatawag ang last name mo malalagot ka na naman." inis na sabi ni Eina.

Umayos agad ako ng pagkaupo ko at tumingin kay ma'am nasa gitna kasi ako nakakainis! Gusto ko nasa likod ako para hindi ako mahalata ni Ma'am. Bakit kasi naka' base pa sa Last name yung arrangement namin sa upuan.

"Ms. Miller!  Are you listening?" Medyo galit na sabi ni Ms. Juz.

"Yes ma'am" nakangiti kung sabi.

"If you are listen to me I will give you a scenario Stand up." sabi ni Ms. Juz.

Kinabahan ako bigla kasi isa to' sa mga Major subject namin si Ms. Juz and also kilala din siya dito sa univesity namin na masungit. Tiningnan ko si Kyleigh sa kabilang upuan at binigyan n'ya ako ng isang ngiti at thumbs up bago ako tumayo at nginitian ko' din siya. Bakit kasi si Cedric laman ng isip ko lintek! Pag ako walang nasagot dito handa na akong lumabas sa classroom namin. (Hahahahah)

This is a scenario Ms. Miller okay. If You are in the Middle of a meal service when a passenger with an infant hand a used diaper in your direction, she asks you to dispose of a diaper for her. What did you do? tanong ni ma'am Juz sa'akin.

" Uhmmp! Well, I can inform the passenger that I can absolutely dispose the diaper for her, however only after the meal service is complete." sabi ko ng nakatingin kay ma'am.

"Good, Sit down." sabi n'ya.

Nginitian ko nalang si ma'am at agad akong umupo sa upuan ko at bigla akong siniko ng katabi kung si Eina, Huy girl buti nasagot mo tanong ni ma'am kung hindi patay kang bata ka papalabasin ka talaga nun' sa classroom.

Matik alam ko' na agad ang mangyayari kapag hindi ko talaga nasagot yun. Buti nalang ay madali lang ang tanong ni Ms. Juz. Siguro kung about sa Places and Principles yung tanong n'ya tapos kailangan isa- isahin mo' pa  lahat ng places jsq mahabagin, kusa na akong lalabas. (Hahahaha) Actually, Alam ko naman yung mga yun, kaso minsan nagkakabaliktad mga places na mga sinasabi ko' kaya nakakalito talaga siya. Buti nalang at Naka chamba' ako ngayong araw nice one self!

"Buti nasagot mo tanong ni Ms. Juz kanina ang galing mo dun" nakangiting sabi ni kyleigh sakin.

Naka chamba lang ako sira! Natatawang sabi ko sa kanya.

Hinihintay ako ni kyleigh ngayon, dahil inaayos ko pa ang mga gamit ko. At pupunta kaming Canteen ngayon dahil maagang nag dismiss si Ms. Juz sa'amin. Habang naglalakad na kami nakakasalubong namin ang mga cheerleaders.

"Siguro nag practice sila galing gym eh' tsaka halatang mga pawis pa." sabi ni kyleigh.

"Siguro nga, alam mo ky sayang kadin bakit kaba kasi huminto sa pagiging cheerleader mo?" tanong ko sa kanya.

Dati kasing cheerleader to' si Kyleigh at ako naman ay Volleyball player everytime na may training kami palagi kaming sabay ni ky papuntang school (JRU) kaso bigla nalang nag back'out to si ky. Hindi ko alam yung reason kaya hinayaan ko nalang at ngayon naalala ko' na naman.

Hindi sinagot ni kyleigh ang tanong ko about sa cheerleader kaya tumahimik nalang din ako. At ng nasa canteen na kami ngayon  andaming tao. Paupo palang sana ako ng bigla akong hinila ni kyleigh. Shet! yung bag ko hmp!

Nasa labas na kami ngayon ng school namin (pinalabas kami ni manong guard kasi tropa namin yun hehe). Pupunta kaming starbucks doon nalang daw kami mag meryenda may malapit na Starbucks kasi dito sa school namin.

" Lets go sa SM" Sabi ni kyleigh.

Nagulat ako sa sinabi niya. Amp! Starbucks lang sa SM pa talaga, tapos naka pang uniform pa kami siguro may binabalak to. Saktong break time namin after ni Ms. Juz. Ang next meeting namin mamayang 5pm pa Last subject namin yun. Hanggang 7:30pm pa ang class namin ngayon and 1:30pm palang kaya may halos 3hours pa kaming natirira para mag enjoy.

"Nasa SM nadaw sila Gillian and Ivonne tara na Marga " sabi ni kyleigh at pumara ng taxi agad kaming sumakay.

Pagpunta namin sa Starbucks nandun na ang dalawang kaibigan namin. Kasama ni Gillian ang Boyfriend niya na si Lenard  at Nandun din sa isang upuan ang Boyfriend ni Kyleigh na si Linus. Sinasabi ko na nga ba eh! May binabalak tong babaeng to kabisado ko na'to eh. Kaya pala gustong mag Starbucks sa SM para makita lang boyfriend niya. Ang galing!

Nagpasabay nalang ako ng order ko na isang Chocolate chip cream with donut, Magbibigay na sana ako ng pera ko pero hindi ito tinanggap ni Kyleigh Libre n'ya nadaw ako. Aba Big time ate mo Hmp! Sana araw-araw.

It's okay, That's love (Love #1) Where stories live. Discover now