Habang nag da'drive si Cedric kinuha ko ang cellphone ko para etext si mommy na pauwi na ako. Naabutan pa kasi kami ni Cedric ng traffic 6:30pm na at mas malala pa dito umulan pa. Wrong timing naman tong ulan. Grrrrr! Pero mahina lang naman yon.Sa sobrang tahimik naming dalawa ni Cedric dahil nga nandito parin kami sa Edsa naaubutan ng traffic hindi na siguro s'ya mapakali dahil hindi padin ako nagsasalita simula kanina at hindi ko rin s'ya masyado pinapansin. Feeling ko nahahalata na n'ya ito.
"Margarette, Can I ask you? Are we okay?" sabi n'ya habang nakatingin sakin.
Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa tanong n'ya. Ano bayan hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Self kalma!
"Oo naman, we're okay! I told you kanina right." sabi ko ng mahinahon.
"Parang hindi kasi tayo okay, hindi mo manlang ako matingnan ng maayos tapos hindi mo pa ako kinakausap simula kanina." Malungkot na sabi n'ya.
Sabi ko na eh, halata ako masyado para akong tanga bat naman kasi ako maiinis sa kanya hindi naman n'ya ako girlfriend para magselos. Damn it Margarette Anne. Nakakasakit kana ng tao. sabi ko sa sarili ko.
"Okay tayo ano kaba tsaka wala lang ako sa mood kaya hindi kita masyado pinapansin sorry!." sabi ko ng hindi siya tinitingnan. Shit naman kasi hindi ko kaya mareee.
"Ahmp! Sorry pala kanina kung lumabas ako ng kotse, nakita kasi ako ni Andreyah kaya lumabas ako nag usap lang kami kanina pero saglit lang yun. Tapos after nun may SHS na nakakita sakin tapos nag papicture ayun. Hindi na ako agad nakapasok sa kotse ko inantay nalang kita and hindi ko naman kasama mo pala si Kyleigh." Mahabang explain n'ya.
"Hindi mo naman kailangan mag explain sakin Cedric. I'm not your girlfriend para magexplain ng ganyan. and do what ever you want. Buhay mo yan gusto mo kausapin mo pa lahat ng babae tutal madami ka naman nun lalo na si Andreyah dapat s'ya sinusundo mo hindi ako." sabi ko sa kanya.
Agad na napatingin sa side ko si Cedric siguro nagulat sa mga sinabi ko. Damn it Margarette! Kung ano ano pinagsasabi mo ayan tuloy bahala ka sa buhay mo. Shet! Anong gagawin ko?" sabi ko sa sarili ko.
"Tinawanan lang ako ni Cedric. "
Agad na tumingin ako sa kanya habang tumatawa na nagda'drive.
"Bakit ka tumatawa d'yan?" Maldita kung sabi.
"Kasi kung ano-ano pinagsasabi mo." natatawa n'yang sabi. "Ofcourse Marga I don't have girlfriend right now okay. Kung meron man dapat hindi kita sinusundo dapat hindi ikaw ang kasama ko ngayon and once I commit in a relationship I'm serious I don't entertain anyone." Seryosong sabi niya.
"Ah! Okay" yan lang ang nasabi ko sa kanya. Nagseselos kasi ako kay Andreyah. Hmp! Leche naman oh.
"Are you Jealous? Kung about ito kay Andreyah stop it. Hindi ko gusto yun magkaibigan lang kami nun." kalmado n'yang sabi. "Mcdo pala muna tayo drive thru Alam kung gutom kana."
Hindi na ako nagsalita at tango nalang ang tanging nasagot ko sa mga sinabi si Cedric.
Bakit ba kasi ako nagseselos?" 2pc Chicken Joy wt 2large Fries both coke yung drinks and 2Chessy Burger." sabi ni Cedric.
Siguro nahalata n'ya na kanina pa ako nagugutom nakakahiya naman tong tyan ko bat kasi natunog. Pero ayos nadin yun sobrang gutom na talaga ako.
Nang okay na ang order ni Cedric agad na nag park muna sya ng Car nya tsaka kami kumaing dalawa. Tenext nya din daw si Dad na late kami makakauwi dahil sa traffic and kumain pa kaming dalawa. sabi n'ya lang sakin.
Habang kumakain ako ng Chessy burger ko biglang nagsalita si Cedric.
"Marga hindi mo pa sinasagot—- ." sabi n'ya.
Agad akong nabulunan dahil sa sinabi n'ya agad namang binigay n'ya sakin ang softdrinks ko. Hindi kasi kami naka hinge ng water buti nalang at Large tong coke.
"Anong sinasabi mo?" Sabi ko sa kanya.
"What I mean is sa tanong ko sayo kanina." natatawang sabi n'ya. Hinampas ko siya agad.
"Para ka kasing ewan ayusin mo kapag nagtatanong ka. Ano ba yung tanong mo kanina?" sabi ko sa kanya.
"Are you jealous kaniba kay Andriyah?"
Luh! Anong sasabihin ko dito. Ayoko namang sabihin na oo kasi nahihiya ako. Bakit ba kadi ako nagseselos dun sa babaeng yun? Tsaka hindi naman n'ya ako Girlfriend so hindi ako aamin.
"Ha? Hindi ah! Bakit naman ako magseselos dun." Sabi ko sa kanya sabay inaya ko na s'yang umuwi dahil magrereview pa ako kasi mag Quiz kami bukas.
"Don't be jealous okay. Walang kami nun swear to God and hindi ko siya gusto ikaw lang ang gusto ko." sabi n'ya habang seryosong nagda'drive.
Nagulat ako sa sinabi n'ya shit! Seryoso ba siya? Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi n'ya.
"Ha? Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya. Malapit na kami sa bahay namin.
"Sabi ko gusto kita." sabi n'ya sakin. Agad na pinark ang sasakyan n'ya sa tapat ng bahay namin. " So now, tell me are you jealous kanina kaya hindi mo ako pinapasin? pahabol na tanong n'ya pa.
"Fine, I tell you na. I get mad of you because I told you naman na wag kang lumabas sa car mo diba? Tapos makikita ko pa na nag uusap kayo ni Andriyah naisip ko na Girlfriend mo siya kaya ayun. Tsaka ayoko lang din na ma issue sa school okay. Akala kasi ng iba Boyfriend kita.
"Kinakahiya mo ba ako kaya ayaw mo' akong palabasin sa car ko?" tanong n'ya.
"Ofcourse not. I told you ayokong maissue sa school namin Cedric madaming nagkakagusto sayo. Sikat ka sa School namin. Kalaban ka namin Every game ng Basketball tsaka hindi mo ako Girlfriend no para mag selos at pagbawalan ka." sabi ko sa kanya. Agad na lumabas ako ng car n'ya ayoko ng ganitong usapan. Pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon Feeliing ko nga naririnig nya ito.
Agad na lumabas din si Cedric sa Car n'ya at biglang pumunta kung saan ako nakapwesto. Nasa gate na kasi ako namin biglang hinawakan n'ya kamay ko. Magpapaalam nadin ako sa kanya and magpapasalamat sa paghatid. Pero bakit bigla akong kinabahan sa kanya. Ang lamig ng kamay ko. Nakakahiya!
"Can I ask you?" seryosong sabi n'ya ng nakatingin ito sakin.
"What? I mean ano yung itatanong mo?" hindi ako makatingin sa mata n'ya.
"Look at me first before I ask you something." sabi n'ya.
Dami naman nitong pakulo magtatanong lang naman eh ayaw pa sabihin. Inis na sabi ko sa sarili ko. This time nakatingin na ako sa kanya. Animal naman to napaka gwapong lalaki. Lord bakit naman ganito ka gwapo to. Jusko Mahabagin hulog na ako sa kenye!
"Aaa... ano itatanong mo? nauutal kung sabi.
"Do you like me? Because me I like you a lot." Seryosong sabi n'ya sakin.
Biglang bumilis ulit tibok ng puso ko dahil sa sinabi n'ya. Jusko namaaaaaaaaan. Sige na nga hindi ko na patatagalin to.
"Ahmmp, Yeah! I like you too." Medyo nahihiya kung sabi. sabay iwas ng tingin sa kanya. Dahil sa sinabi ko bigla n'ya nalang akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa n'ya. Sobrang higpit ng yakap n'ya parang ayaw na nya akong bitawan
"Sorry, I'm happy lang sobra" nakangiting sabi n'ya. " ah! Sige na pumasok kana sa loob nyo, See you Tomorrow! Sabay kiss n'ya sa forehead ko." Agad na bumalik na siya sa car n'ya at pinaandar na niya ito hindi na niya inantay ang sagot ko.
"Goodnight" mahina kung sabi dahil nakaalis na siya at hindi na n'ya narinig iyon. Damn! that kiss arghh! . bulong ko sa sarili ko ng nakangiti.
Pumasok na agad ako sa loob ng bahay namin at pagpasok ko nakatingin agad ng masama sakin si kuya JL. Shit! Baka nakita n'ya kami ni Cedric? Patay!!!