Nasa room na kami ngayon kung saan pangalawang subject na namin. Inaantay nalang namin ang prof namin na si Ms. Jimenez isa s'ya sa maldita na prof namin. Feeling nga namin araw araw meron s'ya I mean Red Day, kasi palaging nagagalit samin. Walang araw na hindi s'ya nagalit samin.Pumunta muna ako kung saan naka upo si Kyleigh katabi n'ya kasi si Dañiela kaya nakikichika din ako. Si Eina kasi palagi kung katabi kahit saan kami nakaupong subject. Palaging si Eina katabi kapag Surname ang babasehan ng maga prof.
At nang dumating na ang prof namin agad kaming nagsiayusan lahat. At pumunta na sa kanya-kanyang upuan.
"Goodmorning Everyone" sabi ni Ms. Jimenez sa'amin.
Agad kaming bumati din sa kanya. Si Ms. Jimenez ay isa sa major na subject na mahirap. Buti nga at nakaka survive kami sa kanya. Araw araw may pa quiz random question lang.Habang naglelesson ang prof. namin napapatingin ako sa side ni Kyleigh. Napapatingin din pala s'ya sa side ko. Parihas kasi kaming bokya pagdating sa subject na'to. Kaya every quiz namin hindi kami umaasa na mataas ang makukuhang score namin dito.
After 2hours na pagtuturo natapos nadin sa wakas si Ms. Jimenez. As usual bago natapos nag pa quiz s'ya buti nalang at matalino si Eina at pinapakopya n'ya ako ng patago. ( hehe )
Naglalakad na kami ngayon ni Kyleigh papuntang canteen lunch time na kasi namin . Sumama din samin ang dalawa, na si Eina at Dañiela. Ang kaibigan kasi namin na si Ivonne at Gillian mamaya pa breaktime nila alas dos kaya every lunch time hindi kami magkakasabay. Iba- iba kasi ang sched namin. Every Sunday lang kami nagkakasabay kumain or it depends kapag may Meeting mga teacher's ganun.
Habang kumakain kami ngayon nila Kyleigh may biglang lumapit na isang grupo sa'amin na kababaihan. Napatingin kami agad sa kanila.
"Ikaw ba si Margarette Anne Miller ha?" sabi ng babaeng maganda siguro same course kami nito. Matangkad and same uniform kasi kami.
Napatingin agad sakin sila Kyleigh, Eina, Dañiela. At ang mga ibang tao sa Canteen napapatingin sa side namin. Siguro dahil sa mga dumating na babae Lima kasi sila. Agad na tumingin ako kay Kyleigh at kinindatan lang ako nito. Tumayo ako agad na sinagot ang babae.
" Yes, Why?" sabi ko ng nakataas ang kilay.
"Gusto ko lang sabihin sayo na, layuan mo si Gomez kung ayaw mong masali sa gulo. Hindi kayo bagay ni Cedric so please can you Stay away from him. Or else—-" hindi na n'ya napatapos ang sasabihin n'ya dahil biglang tumayo si Kyleigh at sinagot s'ya.
"Or else ano ha? What are you going to do to my bestfriend if she doesn't stay away from Gomez huh?" Sabi ni kyleigh sa babae. S'ya si Andriyah ibang Section s'ya kaya hindi din namin masyado nakakasalamuha.
"I'm just saying that she should avoid Gomez kasi hindi sila bagay. Damn you bitch! Lets go girls." sabi n'ya samin sabay irap ng mata at umalis na. Gagu yun ah.
Tangina, nun ah! Wag n'ya akong subukan kasi baka ilampaso ko mukha n'ya sa sahig. Porket maganda s'ya ganun na umasta. Hmp! sabi ni Kyleigh, halata na sobrang naiinis si Kyleigh kay Andriyuh at doon sa grupo na kasama n'ya.
"Hayaan muna yun Marga, kasi Issue talaga at usap-usapan na alam ng karamihan Boyfriend mo si Cedric Gomez." sabat naman ni Dañiela.
"Hindi mo ba talaga boyfriend si Gomez girl? Kasi kung ako yun ay naku ipagkakalat ko talaga sa lahat na AKIN LANG SI GOMEZ ang hot pa naman nun. Ay jusko anakan mo ako Gomez. " natatawang sabi naman ni Eina.
Gagu to," hahahahahha" Alam kung maganda ako pero hindi ako sikat dito sa School namin. Siguro kaya ganun na madaming nagtatanong kung kami ni Cedric kasi Sobrang kilala si Cedric dito sa school namin. Pano' ba naman Basketball Player iyon at Captain ball siya sa school nila sa UE.
Kahit sa school nila sa UE ay sikat si Cedric. Madami ding kababaihan ang nagkakagusto doon. Kaya nagulat ako ng wala s'yang girlfriend ngayon. At kaya nga nagustuhan ko din yun dahil na gwapo s'ya, Matalino, Civil Engineering ang course, at Family Oriented. At hindi ko naman akalain na magiging close kami ng ganito.
"Girls ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na, hindi ko talaga boyfriend si Cedric swear. Kung boyfriend ko yun Edi ako na swerte pero hindi talaga kami." sabi ko sa kanila at tinuloy na ulit namin ang pagkain naming apat.
"Girl nakatingin satin ang ibang mga tao doon sa table. Siguro dahil sa nangyari kanina. Ang siga namin kasi nito ni Kyleigh nakakatakot ka." natatawang sabi ni Dañiela.
"Hayaan nyo na sila girls titigil din ang mga yun." sabi ko.
Natapos nakaming kumain lahat. Agad na nagpahinga kami ng konti at papasok na kami para sa last subject namin. Hanggang 4pm lang kami ngayon.
Habang nasa room na kami for the last subject. Agad na dumating ang teacher namin at biglang naglesson ito. Hindi namin ito major subject kaya nakakawalang gana din makinig. Pero kahit anong gawin namin need makinig no choice kami, tatlong oras pa naman din to. What a boring subject. Tsk!
Habang nakikinig ako biglang nag vibrate ang cellphone ko agad na kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag text doon.
"Nandito na ako sa labas ng school nyo:)" sabi ni Cedric sa text.
Agad akong kinabahan sa text ni Cedric bawal s'yang makita ng mga kaibigan ko at ng ibang mga tao. Ayokong ma' issue at tsaka panigurado kapag nakita ng mga tao na sinundo ako ni Cedric andami na namang panibagong chismiss.
Agad kung kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko at nereplayan si Cedric. Pagtingin ko sa side ni Kyleigh nakatingin pala ito sakin. Siguro nagtataka to may katext ako. Shet!
"Wag kang lumabas sa car mo d'yan kalang sa loob. Ang kulit mo sabi ko sayong wag mo na akong sunduin pero ginawa mo padin." sabi ko sa sa kanya. Agad namang nagreply ito.
"Alright, wait kita dito." ganyan lang iksi ang reply n'ya sakin. Amputek bakit ganito lang reply n'ya sakin? Alangan naman mag Iloveyou yan sayo? Diba no? Sabi ko sa sarili ko.
Natapos na magturo ang prof. namin agad na inayos ko ang mga gamit ko at inayos din ang sarili ko konting lagay lang ng tint at mascara.
Nagmadali ako para lumabas na agad ng room at dumeretso na kung nasaan nag park si Cedric na Car n'ya. Agad na hinarangan ako ni Kyleigh.
"Saan ka pupunta? Sabay na tayo, papasama ako sayo sa SM bibili ng Cake and gift ko birthday kasi ngayon ni Mommy." Sabi ni Kyleigh sakin.
"Ha? Ano kasi halika nga dito muna." Agad na hinablot ko siya at dumereto kami sa CR.
"Sino pala kanina ang katext mo? Bakit ka nag cecellphone alam kung hindi mo gawain ang mga ganun Margarette sino yun?" sabi nya habang nag aayos.
"Girl, si Cedric yun ano kasi, hmmp! Andito siya ngayon sinundo n'ya ako. Sabi ko nga wag na kasi baka maissue na naman kami pero ang kulit nandun sya ngayon sa labas ng school natin inaantay ako." sabi ko.
"Shet, Really? OMG ganito nalang sabay nalang ako sa inyong dalawa tutal maaga pa naman" natatawang sabi n'ya.
Agad na nagmadali kaming dalawa para puntahan si Cedric kung saan nakapark ang sasakyan n'ya sa labas ng school namin.