Habang naglalakad kami palabas ng bahay namin. Nakatingin lang sakin si Cedric dahil hawak-hawak ko ang kamay n'ya. Agad na binitawan ko iyon ng nasa labas na kami ng gate namin."Get in Margarette." Agad na sabi sakin ni Cedric ng nasa tapat na kami ng kotse n'ya.
"Ayoko! Bahala ka sa buhay mo mag tataxi ako" sabi ko sa kanya.
"I said Go Inside! You said na malalate kana tapos mag iinarte kapa d'yan. Wag mong antayin na bubuhatin pa kita bago ka sumakay sa sasakyan ko." Sabi nya na seryoso.
Tangina s'ya pa galit? Dapat nga ako magalit kasi sabi ko wag na akong sunduin tapos ngayon sya pa galit? Gago to' ah. Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan nya 7:20am nadin no choice ako.
"Put your seatbelt Margarette kung ayaw mong ako pa ang maglagay n'yan sayo." Sabi nya. Agad ko s'yang tiningnan ng masama. You asshole sabi ko. Tinawanan lang ako ng gagu!
Habang nasa car na n'ya kami ngayon nakatingin lang ako labas hindi ko s'ya tinitingnan pero alam kung napapatingin s'ya sa side ko.
"Sorry kanina, I'm just shit damn it. Basta I'm sorry hindi ko nasabi sayo na kilala ko ang parents mo. And also your kuya's kaibigan ko sila nakakalaro ko sa basketball sometimes lalo na si JL." Sabi ni cedric sakin habang nag da'drive.
Agad akong napatingin sa kanya. Isa din yun sa mga iniisip ko bakit kilala s'ya ng parents ko and also my kuya's sobrang close na nila bakit hindi ko alam yun? Kaya pala ganun nalang ako kung asarin ni Kuya JL sa kanya. Alam kasi ni Kuya JL na Crush ko'tong si Cedric simula Highschool pa kami. All this time Tangina? Magkakakilala sila?
Andami kung tanong sa isip ko. Pero binaliwala ko muna iyon dahil late na ako 7:35am na late na ako ng 5mins at na traffic pa kami.
"It's okay! Nagulat lang din ako I told you naman kasi kagabi na wag muna akong sunduin pero ginawa mo padin. Why?" tanong ko sa kanya.
"I'm just want to be with you. I mean gusto ko lang na ihatid ka sa school nyo. Atsaka mamayang 11am pa pasok ko wag ka mag alala. Bakit ayaw mo ba na sunduin kita at ihatid sa school n'yo ha? May boyfriend kaba na magagalit sakin?" Sabi n'ya ng hindi ako tinitingnan.
"Tangina? Ano ba pinagsasabi mo? Nababaliw kana ba Cedric? Kung gusto mo iba sundin mo not me. Kasi I have driver naman na magsusundo sakin okay. And Can you shut up your mouth. I don't have boyfriend wag mo'kong igaya sayo na madaming babae." Napataas ang boses ko ng pagkasabi sa kanya.
Napatingin agad s'ya sakin siguro nagulat sa mga nasabi ko. Shit Margarette hindi ka nag iingat sa mga nasabi mo tapos sinigawan mo pa yung tao.
"Bakit ka nagmumura? Wag ka ngang magmura kababae mong tao nagmumura ka." Sabi n'ya.
Wow! Akala mo s'ya hindi nagmumura. Murahin ulit kita d'yan eh. Tsk!
"Ano naman sayo kung nagmumura ako? Ha?"
"Ayoko sa mga babaeng nagmumura okay! Kaya iwas iwasan mong magmura kundi hahalikan kita d'yan sige." Sabi n'ya.
"Subukan mo lang hahampasin kita. Tsaka malapit na tayo bilisan mo ng konti dahil sayo nalate ako bwiset ka." Sabi ko at inirapan s'ya tinawanan lang ako ng mo'kong.
"Ang cute mo mainis. Araw- araw na kitang iinisin." Sabi n'ya na natatawa.
"Bilisan mo tangina! Late na ako ng 20mins. Andaldal mo kasi. Pag ako nayari dito sa prof. ko malilintikan ka sakin Cedric Sammuel." Sabi ko ng naiinis na. Sa harap pa ako binaba amp. Pag ako na issue na naman inanto lagot sakin to. Bumaba agad sa Cedric ng sasakyan nya at umikot para pag buksan ako ng pinto.
"Oh! Labas na nagmamadali ka diba? Ayan Boss. Goodluck sana pagalitan ka." Nakangiti n'yang sabi sakin. Pakyu ka! Sabi ko at inirapan s'ya agad na naglakad ako papuntang Entrance. Another Late ka na naman Margarette Anne. Kasalanan to ni Cedric. Tsk!
"Mamaya susunduin ulit kita. Ah! May utang kang halik sakin kasi nakailang mura ka. Take care baby." Sigaw sakin ni Cedric agad na napatingin ako sa kanya. Tiningnan ko s'ya ng masama at napansin ko na napapatingin sakin ang ibang mga kababaihan siguro dahil sa sinabi ni Cedric. Inanto sumigaw pa talaga argh! Patay ka sakin mamaya.
Tiningnan ko Cedric na kumakaway sakin ngayon habang tumatawa. Pinakyuhan ko ito at mas lalo s'yang tumawa at sumakay agad ito sa sasaktan n'ya at pinaandar paalis.
Tiningnan ko kung anong oras na. It's 7:55am shit! Baka hindi na ako papasukin ng prof ko Major subject pa naman namin yun. Dali dali akong tumakbo ng hagdan kasi 3rd floor pa yung room ko kung saan Building ng mga Flight Attendant.
Pagdating ko ng room namin walang tao dito. Shet! Nasan na mga kaklase ko? Agad na kinuha ko ang cellphone ko para etext si Kyleigh kung nasaan sila. Nakita ko na madaming message sakin si kyleigh doon at missed calls . Agad kung binasa yung message n'ya na wala daw kaming First Subject dahil may inasikaso ang prof namin. Safe ako shit!
May isang message padun galing kay Cedric agad na clinick ko iyon at binasa.
"Goodluck sana ma'late ka with smiling Face:)" sabi n'ya.
"Animal ka! Wag mo'kong masundo sundo mamaya kung ayaw mong masuntok kita. Hayup ka." reply ko sa text n'ya.
Agad namang nag vibrate ang cellphone ko. Akala ko si Cedric iyon pero si Kyleigh pala. Sabi n'ya nasa Gym daw sila nanunuod ng basketball. Agad akong naglakad para puntahan sila sa Gym.