Habang nasa sasakyan n'ya kami ngayon hindi ako mapakali kasi naman nakakahiya (gusto ko nalang magpakain sa lupa). sabi ko sa isip ko."May binili akong C2 d'yan baka nauuhaw kana para sating dalawa yun nandyan sa likod pakikuha nalang kung gusto mo uminom, paabot nalang din nung sakin thanks!." sabi ni cedric habang nag da'drive.
Ano ba' naman to andaming utos akala mo naman boss.
"Uhm! Okay lang wag na I have water naman here sa bag ko. Thanks nalang!" sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Sabi ko yung akin kako paabot." Ulit na sabi n'ya pa.
" Ay! Sorry Sige" agad kung kinuha yung C2 at nilagay ko nalang yun sa gilid n'ya.
"Thanks!" nakangiti n'yang sabi.
Nahihiya parin talaga ako, sanay ako sa ganitong situation pero hindi naman yung kasama ko si Cedric no! Parang kanina lang naiinis ako sa kanya kasi puro s'ya laman ng isip ko dahil sa pag follow n'ya sakin sa Instagram. Tapos ngayon magkasama na kami tapos ihahatid n'ya pa ako sa school namin automatic issue to. Napahinto ang sasakyan ni Cedric dahil sa traffic light.
"Ah! Ano pala My name is "Cedric Sammuel Gomez" pamangkin ko si skyler. Sabi ko kanina sa kanya wag s'yang aalis sa tabi ko kasi may hinahanap lang ako para sa Project namin tapos pag tingin ko wala na agad s'ys doon buti nalang ikaw nakakita." sabi ni Cedric.
"Share mo lang?" sabi ko at tumingin sa kanya.
Bigla s'yang tumingin sa side ko at tiningnan n'ya ako ng masama. Nagkatitigan kami ng matagal ng bigla kung iniwas ang pag tingin ko sa kanya.
"Ahmp! Ano nakita ko lang pamangkin mo kanina sa gilid ng mga books nakayuko agad kung pinuntahan kasi parang umiiyak siguro nawawala." sabi ko.
"Salamat! Kundi dahil sayo baka nawala na si sky, malalagot pa ako sa Ate ko' Treat nalang kita." Nakangiti na n'yang sabi while driving.
"Ano kaba wag na, Ihahatid muna nga ako sa school namin okay nayun." sabi ko.
" Anyway, Ano palang ginawa mo dun sa mga books at doon ka napunta?" tanong ni cedric sakin.
" May hinahap kasi akong Libro kaso hindi ko na nahanap dahil nakita ko yung bata, tapos pamangkin mo pala."
"Anong libro ba hinahanp mo?" tanong n'ya pa ulit.
"Marketing in Travel and Tourism. Kaso hindi ko nahanap pero hayaan muna yun. Babalik nalang ako bukas ng NB." nakangiti kung sabi.
Nagulat kami bigla dahil gising na si baby Sky. Nakatulala s'ya sakin ngayon siguro inaalala n'ya na ako kanina yung nag karga sa kanya.
" Kuya ced Is that your Girlfriend? (She's Pretty I like her)." Tanong ni sky kay Cedric.
Parihas kaming nagulat at natawa ng bahagya dahil sa sinabi ni sky.
"No baby! This is your Ate Margarette yung tumulong sayo kanina". sabi ni Cedric sa kanya.
"Ate okay lang po ba d'yan ako sayo kandong mo po ako" sabi ni sky sa akin.
Ofcourse baby, agad na lumapit s'ya sakin at kinandong ko ka'agad. Maya-maya pa ay agad nasukahan sakin pa talaga. Putcha! Sa uniform ko pa (huhuhu) tiningnan ko kaagad ang oras it's 4:45 pm 15mins nalang start na ng class namin.
"Hala shet! Skyler naman hindi ka nag iingat. d'yan ka pa talaga sumuka ano kaba ba naman hindi ka nag iingat." galit na sabi ni Cedric kay Sky agad namang umiyak ito.
"No Ced it's okay tsaka hinaan mo nga yang boses mo' paalala lang bata to ha! Pinaiyak mo pa tsk! Sabi ko sa kanya.
Biglang napatingin si Cedric sa'akin. Agad namang umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Ang ganda pala pakinggan kapag ikaw mismo bumabanggit ng name ko. Bakit pag sa iba ampanget." Sabi n'ya.
" Aba, Malay ko! Bilisan muna 15 mins. nalang start na ng class ko dun nalang ako sa school magpapalit ng top ko." Sabi ko sa kanya.
Naalala ko bigla wala pala akong extra shirt na dala. Kahit sa locker ko wala kasi Tuesday palang ngayon Friday pa PE namin, Every PE lang naman kasi ako nagdadala ng extra shirt.
"Ate sorry po di na po' mauulit" sabi ni sky ng na uutal kasi umiyak.
"It's okay baby, I can handle this" sabi ko ng nakangiti sa kanya.
Tiningnan ko sa bag ko kung may dala akong panyo at buti nalang may panyo akong dala. Biglang napatingin sa side ko si Cedric habang pinupunasan ko ang suka ni sky sa uniform ko.
"May extra t-shirt kabang dala?" tanong sakin ni Cedric.
Mag sisinungaling dapat ako sa kanya na I have dala na extra t-shirt kaso I have no choice kaya sasabihin ko nalang ang totoo.
"Wala nga eh, pero hayaan muna medyo okay naman na hmmm, perfume ko nalang to para hindi nalang masyado maamoy" natatawa kung sabi.
"No, uhmp! I mean I have extra t-shirt and Jersey jacket there hiramin mo nalang muna, malapit na tayo sa school nyo dun ka nalang sa cr nyo magpalit balik mo nalang sa'akin next week." Sabi sa'akin ni Cedric.
Biglang hininto n'ya ang sasakyan dahil nasa tapat na kami ng school namin. Tiningnan ko muna kung anong oras na It's 5:05pm late na ako ng 5mins. Pag tanggal ko ng seatbelt ko may binigay sakin si Cedric na paper bag siguro yung t-shirt and jacket pero sinuot ko na agad yung jacket at at may nakalagay padun na Last name n'ya na Gomez. Patay issue to!
Inayos ko na ang mga gamit ko and Paglabas ko ng car n'ya lumabas din si Cedric. Naglalakd na ako ng ilang hakbang ng biglang tinawag ako ni Cedric
"Margarette" sabi n'ya bigla.
Napahinto ako sa pagkakalakad ko at bigla ko s'yang tiningnan.
"Ha? Bakit ano yun?" sabi ko (kunwari nakangiti).
"Bagay sayo yung Jacket soon magiging Last mo nadin yan." Natatawa n'yang sabi.
"And also pala Thankyou ulit and pasensya na sa nagawa kanina ni sky. Mag iingat ka Goodluck. Sabi ni Cedric at bumalik agad s'ya sa sasakyan n'ya at umalis na.
Parang baliw, Lumabas pa talaga s'ya para lang sabihin yun? And wait, Did he said na Soon to be na Gomez ako ganun? Siraulo ba siya? So Fuck? Type niya ako ganun? OMG sana totoo lord!!!!!!
Pumasok agad ako sa school at dumereto na ng CR para magpalit. Sinuot ko agad ang White Shirt ni Cedric medyo malaki ng konti pero ayos naman tingnan at buti nalang may jacket ako kaya hindi halata na naka white shirt lang ako loob pero yung GOMEZ sa likod ng jacket is sobrang halata. Shet!!!
After ko mag-ayos dumeretso na ako sa room namin at swerte ko dahil nakasabay ko lang si Ms. Mara agad akong pumasok ng room at pag tingin ko sa side kung saan nakaupo si Kyleigh ay nakatingin din pala ito sakin pero ang sama ng tingin n'ya sakin. Siguro dahil sa suot kung jacket bahala na buti gabi narin naman kaya hindi na nila mahahalata ang Last name na nakalagay sa likod ng jacket. Pero si kyleigh halatang halata n'ya kasi wala akong jacket na ganun at Gomez pa nakalagay sa likod nito.