Habang naglalakad kami ngayon ni Kyliegh papunta sa labas ng school namin. Napapansin ko ang ibang estudyante ay nakatingin sa'aming dalawa. Bakit kaya sila nakatingin? Baka may dumi kami sa mukha? sabi ko sa isip ko."Kyleigh, Bakit kaya sila nakatingin satin?" bulong na tanong ko Kyleigh. Ako maldita din talaga ako pero depende iyon sa trato nila sakin. Kung maldita sila mas maldita ako sa kanila.
"Hayaan muna mga yan, wag mo nalang pansinin baka nagagandahan lang mga yan sating dalawa" natatawang sabi ni Kyleigh.
Nang nasa labas na kami ngayon ni Kyleigh ng school nakita namin na madaming tao sa banda gilid doon hindi namin alam kung anong nangyayari. Agad kaming pumunta kung saan madaming tao.
Kinuha ko nadin ang cellphone ko para etext si Cedric na nandito na kami sa labas ng school namin. Hindi ko kasi natanong kanina kung saan siya banda nag park alam ko lang nasa labas s'ya ng school namin.
"Nasan kana? Nandito na ako sa labas ng school namin kasama ko si Kyleigh." sabi ko sa text.
Hindi padin nagrereply si Cedric 10mins ago na. Bakit ang tagal kaya nito magreply. Alam ko kasi kapag nagtext ako kay Cedric wala pang isang minuto nagrereply agad ito sakin bakit ngayon antagal n'ya? Hmmmp!
"Girl, Ayun si Cedric pinagkakaguluhan ng mga babae siguro nagpapapicture sila. Ano bayan bakit naman kasi apakapogi ng bebe mo." natatawang sabi ni Kyleigh. Hinampas ko s'ya sa sinabi n'ya.
"Kyleigh tumigil ka nga hindi ko bebe yan. Tsaka halikana magtaxi nalang tayo." sabi ko. Maglalakad na sana ako ng bigla akong hatakin ni Kyleigh papunta kung naasan si Cedric.
"Cedric!" Sigaw ni Kyleigh para makita kami ni Cedric. Madami kasing nagpapicture sa kanya na mga Babae lalo na mga SHS tsk!
Kahit ako aaminin ko na pogi talaga si Cedric lalo na pag naglalaro s'ya ng Basketball naku! Napakadaming babae na patay na patay sa kanya.
"Uy, Kyleigh Hi!" sabi ni Cedric. Sabay tumingin ito sakin. Pangalawang beses na n'ya akong nakita na nakauniform na pang Flight Attendant parihas kami ni Kyleigh. Umiwas ako ng tingin sa kanya. At ang ibang mga kababaihan ay nakatingin sa'amin.
"Halika na alis na tayo" sabi ni Kyleigh. Agad na Sumakay kami sa kotse ni Cedric. Sa harapan na ako pinasakay ni Kyleigh sa likod nadaw s'ya. Awkward naman nito. First time kasi na kasama naming dalawa si Kyleigh.
Nang nasa loob na kami ng sasakyan ni Cedric agad na nagsalita si Kyleigh. At sinabi n'ya kay Cedric bakit kasama ko si'ya/ Bakit kasama namin s'ya. Hindi ako nagsasalita nakatingin lang ako sa labas.
"Ah, Cedric sumabay pala ako sa inyo ni Margarette nasabi n'ya kasi sakin na susunduin mo daw s'ya kaya naisip na kung pwede pahatid kami sa SM papasama sana ako kanya bibili ng Gift kay mommy and Cake kung okay lang sayo na ihatid mo kami." sabi ni Kyleigh kay Cedric. Ang kapal talaga ng mukha nito ni Cedric.
"Ah, sure hatid ko kayo sama nadin ako sa inyo para may bantay kayo" natatawang sabi ni Cedric.
"Sige sige masaya yan." natatawa din sabi ni Kyleigh.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bag naglaro ng games doon. Tiningnan ko sa side mirror si Kyleigh kung anong ginagawa nagce'cellphone din pala ito. Napapansin ko din na tumitingin sa side ko Cedric pero hinayaan ko lang ito.
Galit ako sa kanya, paano ba naman sabi ko ng wag lumabas sa car n'ya pero lumabas padin s'ya. Tsk!
Nasa SM na kami ngayon. Naglalakad na kami papuntang Gucci store. Bibilhan daw kasi ni Kyleigh mommy n'ya ng bag yun daw gift n'ya kay Tita and after nun bibili nalang kami ng cake and uuwi. Wala din naman kasi akong bibilhin na iba.