Kabanata 35

1.9K 43 3
                                    

Kabanata 35

Rejected

"I'll take this," ibinigay ko sa saleslady ang damit na nagustuhan ko. Tumingin tingin pa ako ng mga damit sa department store at ng wala na akong magustuhan ay binayaran ko na ng tuluyan ang napili ko.

Napagpasyahan ko ng umalis sa restaurant kanina ng tapos na akong kumain. Ramdam na ramdam ko kasi ang inggit ng babaeng may gusto kay Kirk sa 'kin at konting konti na lang matutunaw na ako sa masasamang mga tingin niya.

She's been watching me after I told her about my relationship with Kirk.

"Alis na ako," baling ko kay Kirk. Hindi ko na hinintay pang makapag salita pa siya. Nag lakad na ako palabas ng restaurant. Ngunit agad ring natigil sa paglalakad ng may humila sa kamay ko.

"Where are you going?" Sinundan niya ako. Binawi ko ang kamay ko sa kan'ya at pagod ko siyang tiningnan. Dapat ba lahat ng lakad ko ay alam niya?

"Bakit?"

"Just answer me, Thralia. I told you I didn't sleep with anyone last night, okay?" Napa-irap ako. Ito na naman ba ang pag-uusapn namin? At hindi rin naman ito ang dahilan ko kung bakit ako aalis. Kaya ano ang pinagsasasabi niya?

"Hindi naman ako umalis dahil iniisip ko ang bagay na 'yan. Umalis ako dahil wala akong balak na makisali sa meeting niyo." He frowned, mukhang ayaw niya pang maniwala sa sinasabi ko. I pressed my lips into a thin white line.

"Okay." I yawned.

"We can't talk so I decided to go on the nearest mall here," kibit balikat kong sagot sa kan'ya.

"I'll come with you, then." Kaagad ko siyang inilingan.

"You have a meeting, Kirk. Tapusin mo na para mapag-usapan na natin ang tungkol sa kasal." Hindi niya ako sinagot bagkus ay matagal niya lamang akong tiningnan. Napapa buntong hininga pa siya.

"Ihahatid na kita."

"No, ang alam ko may van naman sila dito. They can definitely drive me to the mall. Kaya bumalik ka na doon at pag-usapan niyo na ang dapat niyong pag-usapan ng makapag-usap na rin tayo tungkol sa kasalan." Napabuntong hininga na naman siya sa sinabi ko. Hinintay ko siyang mag salita ngunit parang wala na rin naman siyang balak na sagutin ako kaya naman nginitian ko siya.

"Sayonara, Kirk." Tinalikuran ko na siya, ikinaway ko lang ang palad ko.

"Tapos na kaya ang meeting nila?" Tanong ko pa habang tinitingnan ang mga damit na napili ko.

I was on my way to pay for the clothes when I bumped into someone. Nahulog ko ang dala niyang suitcase. "I'm sorry." Pinulot niya ang nahulog na suitcase at yamot niya akong tiningnan, ngunit agad na nag bago ang ekspresyon niya ng makita niya ako.

Nagtataka ko siyang tiningnan. Mukhang natulala yata to sa ganda ko eh. "Ms. Schauerte?" Kumunot ang noo ko.

"Do you know me?" Nginitian niya ako. Inilahad niya sa 'kin ang palad niya.

"I'm Daisuke," Daisuke? Wala naman akong kakilalang Daisuke eh. Paano niya kaya ako nakilala? I was about to accept his palm when someone pulled me. Napapikit na lang ako ng mapagtanto ko kung sino iyon. What is he doing here? Talaga bang hindi niya ako hahayaang mapag-isa?

"Kanina pa kita hinahanap," mapanganib na bulong niya sa tainga ko. He fixed his eyes on the man in front of us. Mukhang nagkagulatan pa silang dalawa.

"Engr. Montemayor." Kilala niya rin si Kirk? Sino ba kasi siya? At bakit niya kami kilala?

"Atty. Alfonso." Narinig ko na ang apilyedong yan ah?

Controlling the Wild Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon