Kabanata 10

1.9K 35 0
                                    

Kabanata 10

Kiss

Maghapon ko nang hindi nakita si Kirk. Siguro ay nag date sila maghapon ng Anne na iyon! Habang iniisip ko kung ano na ang ginagawa nila ngayon ay mas lalo lamang sumasama ang loob ko kay Kirk. I thought we have something special between us. He's helped me with my punishment until it was lifted.

Tapos malalaman ko na may girlfriend pala siya? And her name is Anne, she called me nene and I can't accept it! I may look like a kid but I got curves too! Hindi ko nga lang maipagmamalaki pa. Pero alam kong darating rin ang araw kung saan magiging katulad rin ang katawan ko sa mga katawan na gustong maging girlfriend ni Kirk. He just has to wait for that time!

"Kanina ka pa makabusangot anak." Puna ni mommy habang kumakain kami ng hapunan. Napatingin tuloy ako sa kan'ya. Mataman niya akong tiningnan tila binabasa niya kung anong nasa isip ko. "Something wrong?" Tanong niya pa sa akin.

"Nothing mom. I'm just tired." Sagot ko sa kan'ya. Matagal niya muna akong tiningnan bago niya ibinalik ang kan'yang tingin sa pagkain niya. Napatingin ako kay dad at nakita kong naka tingin rin pala siya sa akin.

Pinagkibitan ko ng balikat si dad upang mawala kung ano man ang iniisip niya.

"I heard from your adviser that your punishment has been lifted," napa buntong hininga ako. Of course, mom would know that. Lahat ng nangyayari sa school ay alam niya, lalong lalo na ang mga tungkol sa akin.

"Kanina po ang last mom. Dapat bukas pa, hindi ko alam kung anong nangyari at bakit tinapos nila ngayong araw." Sagot ko sa kan'ya, tiningnan niya ulit ako habang nginunguya niya ang kan'yang pagkain.

Uminom siya ng tubig, "are you disappointed about it, Thralia?" Usyusong tanong sa akin ni mommy. Seriously? Yes, mom. I'm disappointed. I'm disappointed because I will not be able to see Kirk tomorrow and so for the next seven days since he was suspended for 2 weeks because of my own doing.

"Hindi po." Sagot ko sa kan'ya at nag tagal na naman ang kan'yang malisyosang tingin sa akin. Ibinaba ko na ang kubyertos ko. Nagulat sina mom and dad sa ginawa ko.

"Busog na po ako." Saad ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan sila. "Akyat na po ako sa taas. Good night mom, dad." Hinalikan ko sila sa pisngi bago ako tuluyang umakyat sa aking silid. Hindi naman na sila nag tanong kung bakit hindi ko tinapos ang aking pagkain. Maybe they knew.

Naligo muna ako bago ako natulog. Maaga naman akong nakatulog dahil sobrang drain ako ngayong araw dahil kay Kirk. Pinagod niya ang utak ko kakaisip sa kan'ya. Na stressed ako kakaisip sa kanila ng girlfriend niya. Nasaan na kaya sila ngayon? Maaga kaya silang umuwi?

Nakatulugan ko na ang aking pag iisip.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tumulala muna ako sa aking malambot na kama bago ko naisipang mag handa na para sa pag pasok. Mabagal ang kilos ko at alam ko kung anong dahilan nito.

I will not see him today. Tapos na ang punishment ko kaya wala na siyang dahilan pa para pumunta sa school ngayon. Isa pa, ayaw rin ng girlfriend niyang si, Anne. Bumaba na ako pagkatapos kong mag bihis ng uniporme. Nasa dining na si mommy at daddy.

As usual nag babasa si mommy ng dyaryo habang umiinom naman si dad ng kape habang naka tingin kay mom. "Sasabihin na ba natin sa kan'ya?" Nasa hamba na ako ng pinto ng marinig ko si mommy.

"Yes, Thralia should know about this. I know she will be happy." Sagot ni daddy. Kumunot ang aking noo.

"But what if she disagrees about this Luv?" Mom asked dad. I'm getting confused. Ano bang pinag uusapan nila?

"What should I know, mom?" Pumasok na ako at umupo sa aking silya. Nagkatinginan pa sila ni daddy, mas lalo lamang niyong pinakunot ang aking noo at pinukaw ang aking kuryusidad. Seriously what's with them?

Controlling the Wild Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon