Rosé POV
Andito ako sa hospital para dalawin si Lisa. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng nakangiti, nadatnan kong nag uusap si tita, Tito at si Lisa. Hindi muna ako tuloyang pumasok, pinakinggan ko lang ang pinag uusapan nila.
Dad, ayusin nyo na ang mga papers na kailangan ko papuntang Thailand. Dun ko nalang itutuloy ang pag aaral ko. Sambit ni Lisa
Anak sigurado ka na ba sa desisyon mo? Sagot ng daddy nya.
Ito nalang ang naiisip kong paraan para makalimutan ko na sya. Bagong buhay, bagong mga tao, at bagong lugar. Gusto kong simulan ang buhay ko sa Thailand. Baka sakaling mahanap ko ang sarili ko na nawala mula ng minahal ko sya. Walang Jennie, walang lugar na makakapagpa alala sa kanya dun. Sabi ni Lisa.
Nanatili lang ako sa likod ng pinto na medyo nakasiwang, sapat na para marinig ko ang pinag uusapan nila. Hindi ko man makita ang ekspresyon ng mukha nya pero ramdam ko ang lungkot.
Mula ng makilala ko sya palaging nakangiting Lisa ang nakikita ko. Nakaramdam naman ako ng lungkot, palagi nya akong pinapangiti pero sya naman pala ay may lungkot ding dinadala.
Sige anak, ako ng bahala sa mga kailangan mo. Para paglabas mo dito ay makaalis ka na. Sabi ng daddy ni Lisa.
Dad, mom gusto ko po munang magpaalam kay Jennie. Ayaw ko namang gawin sa kanya ang ginawa nya sakin noon. Ayaw kong umalis ng di ko manlang nasabi sa kanya ang mga nais kong sabihin. Pagpapaalam ni Lisa. Wala akong narinig na sagot sa sinabi nya kaya inayos ko na ang sarili ko at binuksan ko na ang pinto. Naabutan kong nakayakap si Lisa sa mommy nya. Pasimple naman nyang pinahid ang luha at ngumiti sakin.
Kanina ka pa dyan? Tanong sakin ni Lisa
Hindi naman, kakarating ko lang din. Sagot ko sa kanya habang naglalakad ako papalapit sa kanila. Niyakap ko ang mommy at daddy nya bilang pagbati pag katapos ay bumaling ako sa kanya at ngumiti.
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari sakin sa maghapon. Mga ilang oras pa ay nagpaalam na ako.
Lisa, kailangan ko na palang umalis. May pupuntahan pa kasi ako. Pagpapaalam ko sa kanya. Nagpaalam na din ako sa mommy at daddy nya. Pagkalabas ko ng Hospital ay mabilis akong nagmaneho, bago ako tumuloy sa pupuntahan ko ay bumili muna ako ng bulaklak at pinagpatuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa makarating ako kung saan naruruon ang isang taong may malaking parte ng buhay ko. Naglakad ako at tumigil sa tapat ng isang puntod. Umupo ako, napansin ko naman ang kandila at bulaklak na hindi naman ako ang nagdala.
Baka naman isa sa kaibigan nya ang naglagay nito. Itinabi ko muna ang bulaklak na tuyo na at inilagay ko ang bulaklak na binili ko.
Hi honey. Nakangiti akong tumingin sa puntod na nasa harapan ko
Kumusta ka na dyan? Tatlong buwan na din pala simula ng kinuha ka nya sakin. Miss na miss na kita. Pagpapatuloy ko, huminga ako bago ako muling nagsalita.Alam mo may nakilala akong babae. Mabait sya, masayahin at palagi nya din akong pinapangiti. Wag kang magseselos sa kanya ha. Natatawa kong sambit, ipinagpatuloy ko ang pagsasalita ko.
Andito ako para magpaalam sayo. Aalis muna ako, sasamahan ko sya dahil alam kong kailangan nya ako doon. Wag kang mag alala mag iingat ako dun. Hon, tutuparin ko na ang huling bilin mo sakin. Bubuksan ko na ulit ang puso ko, nararamdaman kong handa na ulit ito. Sabay turo ko sa tapat ng puso ko. Nanatili lang ako ng mga ilang minuto at napagpasyahan ko ng umalis para ihanda ang kailangan ko papuntang Thailand. Sasama ako kay Lisa, katulad ng pinangako ko sa sarili ko nung araw na mabugbug sya.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si mommy na naghahanda ng hapunan. Kinausap ko sya sandali, pinaalam ko sa kanya ang plano ko. At agad naman syang pumayag, nagpapasalamat daw sya kay Lisa dahil tinulongan akong makawala sa madilim kong nakaraan. Gusto pa sana nyang makausap si Lisa pero sinabi kong hindi na kailangan kasi mapagkakatiwalaan naman sya.
Hindi ko na ipinaalam kay Lisa ang plano ko. Kaya naman nagulat sya ng makita nya ako sa Airport.
Ang pagpunta naming ito sa Thailand ay magsisilbing simula ng panibagong buhay naming dalawa.
Someone POV
Nakatanaw lang ako sa babaeng umiiyak sa harap ng isang puntod. Andito sana ako para magtirik ng kandila sa puntod ng kababata ko, kaya lang nakita kong may babaeng umiiyak sa harap nun. Hinintay ko muna syang makaalis bago ako lumapit. Nagtagal sya dun ng mga 30 minutes bago tuloyang umalis. Nang masigurado ko ng nakalayo na sya, saka naman ako naglakad papunta kung saan nakahimlay ang kaibigan ko. Nagtirik ako ng kandila at iniligay ko ang bulalak na dala ko sa tabi ng bulalak na inilagay ng babae kanina. Nakaupo lang ako sa tabi ng puntod ng kababata ko at nagsalita.
Sino yun girlfriend mo? Buti ka pa nakita mo na ang babaeng mamahalin mo bago ka bawian ng buhay. nakangiti kong sambit at agad din namang napawi ang ngiti ko ng maalala ko yung batang nakilala ko noon.
Nasan na kaya sya? Hanggang ngayon hindi ko parin sya mahanap. Sabi ko sa isip ko, naputol ang pag iisip ko ng tumunog ang phone ko. Napangiti naman ako ng makita kung sino yun.
Jenduek, bungad ko sa kanya..
Ok..ok punta na ako dyan. Pinatay ko na ang tawag at bumaling ako sa puntod ng kaibigan ko.Babalik nalang ako dito may emergency e. Sambit ko at naglakad na papunta kung saan nakapark ang kotse ko.
BINABASA MO ANG
First love, Last love
RomanceHello guys, gusto kong ipaalam sa inyo kung bakit BLACKPINK ang napili ko. Siguro dahil masyado na akong naimpluwensyahan ng mga nababasa kong Jenlisa story. Bukod dun, subra din akong inlove sa kanila. Kaya naman naisip ko, bakit hindi ako gumawa n...