Chapter 20

476 8 0
                                    

Lisa POV

Nagdadrive ako papunta sa bahay nina Rosé.   Masaya akong tumingin sa salamin upang makita ang regalo ko sa kanya na nakalagay sa  back seat.

Siguradong magugustohan to ni Rosé. Bulong ko, isang linggo ng hindi kami nagkikita ng Fiancé ko. Araw araw akong pumupunta sa kanila para dalawin sya. Pero hindi nya ako hinaharap, tinatawagan at tinetext ko sya pero hindi nya sinasagot. Nag aalala na ako sa kalagayan nya. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari. Sana maging ok na ang lahat, hindi parin namin nauumpisahan ang pag aayos ng kasal dahil sa mga nangyayari.

Mabilis akong nakarating sa bahay nila. Kinuha ko ang bulaklak at gitira na regalo ko sa kanya, agad akong bumaba ng may ngiti saking mga labi. Nadatnan kong nasa living room ang mommy nya.

Hello tita kumusta na po si Rosé? Tanong ko, tumayo naman sya para yakapin ako matapos ay pinatong ko sa center table ang dala ko at umupo sa tabi ng mommy nya.

Kumakain naman sya ng pagkain na dinadala ko sa labas ng kwarto nya. Yun nga lang ayaw nya paring makipag usap. Sambit nya, bakas sa mukha nya ang pag aalala. Tumingin sya sakin bago muling nagsalita.

Lisa, hayaan mo muna sya baka gusto lang talaga nyang mapag isa. Hayaan mo at kakausapin ko sya para sayo. Dagdag pa nya.  Sasagot na sana ako ngunit biglang nagring ang phone ko. Kinuha ko naman ito mula sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Tita sandali lang po, kailangan ko lang pong sagutin ang tawag na to. Sambit ko at tumayo na ako at naglakad papunta sa garden.

Hello Bambam. Anong Balita? Tanong ko.

Lisa kailangan nating magkita, punta ka dito sa xxxxx. Sambit nya.

Sige papunta na ako. Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay nagpaalam na ako sa mommy ni Rosé. Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Bambam.

Mabilis akong nakarating sa lugar kung saan naghihintay sakin si Bambam. Nakita ko agad sya, nang mapansin nya ang kotse ko ay agad syang pumasok at umupo sa tabi ko. Inaabot nya sakin ang dala nyang envelope.

Andyan lahat ng information ng taong pinaiimbestigan mo sakin. Sambit nya. Kinuha ko naman ito, bubuksan ko na sana ng pigilan nya ako. Napatingin ako sa kanya at nagsalita sya muli.

Lisa ano bang nangyayari? Pwede ka namang magsabi sakin kung may problema. Nakalimutan mo na bang kaibigan mo parin ako kahit nagtatrabaho ako sayo. Sambit nya, kita ko ang pag aalala sa mukha nya. Ngumiti naman ako sa kanya at nagsalita.

Okay lang ako Bambam wag kang mag alala. Sambit ko at tuluyan ko ng kinuha ang laman ng envelope na binigay nya sakin.

Jisoo Kim. Unang nakita ko, binasa ko ang information tungkol sa kanya. Habang binabasa ko yun nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib. Ibinababa ko ang papel na hawak ko at tumingin kay Bambam.

Paano to nangyari? Baka nagkamali ka lang. Nangangatal ang boses ko habang binitawan ang mga salitang yun. Naramdaman ko nalang na may tumulo ng luha sa pisnge ko. Agad naman akong niyakap ni Bambam.

Shhh.. tama na. Pagpapatahan nya sakin.

Paano kung bumalik na pala ang mga ala ala nya at iwan na nya ako? Ikakasal pa kami. Sambit ko, para akong batang umiiyak at nagsusumbong sa nakakatanda kong kapatid.

Kung sakali mang mangyari yun, wala tayong magagawa. Na kay Rosé ang desisyon Lisa, wala tayo sa lugar para ipagdamot sa kanya ang kaligayahan. Ang mahalaga ginawa mo ang lahat para sa kanya at kung hihilingin man nya na palayain mo sya, sarili nyang choice yun. Medyo gumaan naman ang bigat na nararamdaman ko sa mga sinabi ni Bambam..

Kaya ko to, dapat kayanin ko. Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong gawin kung anong tama.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon