Jennie POV
Hindi ako mapakali, kanina pa ako nakauwi dito sa condo at kanina ko pa din tinatawagan si Lisa pero di nya sinasagot.
Si Suelgi kaya? Kasama kaya nya si Lisa? Tawagan ko nalang kaya si Irene at sa kanya ako magtatanong. Sabi ko sa sarili ko pagkatapos tinawagan ko ang number ni Irene.
Bakit ba hindi din nya sinasagot? Sira ba tong phone ko at lahat ng tinatawagan ko ay hindi sumagot. Naiinis kong sambit, para na akong baliw na salita ng salita mag isa. Tinawagan ko ulit si Irene sa limang pagkakataon at sa wakas sinagot na din nya.
Hoy Irene! Bakit ba hindi ka sumasagot agad? Inis kong sambit.
Nandito kasi kami sa hospital Jennie. Pasensya ka na, hindi ko narinig tawag mo. Sambit nya, hindi ko man sya nakikita ngayon ay ramdam kong hindi sya okay.
Anong ginagawa mo dyan? Sinong kasama mo? Teka saang Hospital ba yan? Papunta na ako. Magkakasunod kong sambit habang kinukuha ang susi ng kotse ko at nagjacket.
Pagdating mo nalang dito sa xxxxx at dito mo nalang malalaman. Sambit nya, nakaramdam ako ng kaba kaya nagmadali na ako na pumunta sa hospital na sinasabi ni Irene.
Pagkapark ko sa kotse ko, nakita ko agad si Irene na nakatayo at matiyagang naghihintay sa entrance ng hospital. Agad na akong lumapit sa kanya.
Ano na Irene? Ano bang nangyari? Sinong nakaconfined? Magkakasunod kong tanong.
Si Lisa. Seryosong sagot nya sa tanong ko. Pinagmamasdan ko muna sya upang masigurado kung totoo yung sinabi nya. Ngunit wala paring nagbago sa ekspresyon ng mukha nya. Hindi na ako nagpaliguy liguy at hinila ko na sya papasok.
Pagkarating namin sa floor kung saan andun ang room ni Lisa. Malayo palang ako ay nakita ko na si Jisoo at Suelgi na nakatayo sa labas ng room ni Lisa. Nang mapansin nilang naglalakad na kami papalapit sa kanila ay hinarang nila ako.
Wait Jennie, mamaya ka na pumasok. Pagpigil sakin ni Jisoo, ngunit hindi ako nagpapigil.
Ano bang nangyari? Tanong ko at pinihit ang doorknob. Pipigilan pa sana ako ni Irene ngunit huli na. Naabutan kong masayang nag uusap si Lisa at si Rosé. Agad silang napatingin sakin ng marinig nila ang pagpasok ko.
Sila na ba ulit? Hindi na pala ako kailangan dito. Sabi ko sa isip ko at unti unti akong nakakaramdam ng bigat sa dibdib ko.
Sorry. Tanging nasabi ko nalang, agad na akong lumabas ng room ni Lisa at sinarado ko ito. Narinig ko pang tinawag ako ni Rosé pero nagmistula akong binge at mabilis akong naglakad palabas ng hospital. Pinipigilan ako nina Irene pero hindi ko sila pinansin.
Nang makarating ako kung saan nakapark ang kotse ko ay agad na akong sumakay sa kotse ko. Doon ko na ibinuhos ang lahat ng sakit nararamdaman ko sa mga oras na to. Paulit ulit kong hinampas ang manibela ng kotse ko hanggang sa mapagod ako. Pinagpatuloy ko lang ang pag iyak, gusto kong umiyak hanggang sa mawala na lahat ng sakit.
Nasasaktan ako, akala ko okay na e. Akala ko pwede na kami ni Lisa. Umasa na akong magiging maayos na ang lahat samin.
Ang tanga tanga mo Jennie! Paninisi ko sa sarili ko. Sandali akong napatigil sa pag iyak ng may kumatok sa bintana ng kotse ko. Tiningnan ko ang taong yun, minustrahan nya akong ibaba ang bintana ng kotse ko. Pinahid ko muna ang luha ko at saka ko sya sinunud.
Bakit Chaeng? Tanong ko sa kanya at binigyan sya ng pekeng ngiti.
Pwede ba tayong mag usap? Tanong nya, hindi ako sumagot pero sa halip na umalis sya ay umikot sya sa kotse ko at umupo sa passenger seat. Nag seatbelt sya saka bumaling sakin at nagsalita.
Tara. Maawtoridad nyang sambit. Nagugulohan man ako'y binuhay ko na ang makina at nagmaneho palayo sa hospital.
Dinala ko sya sa lugar kung saan kakaunti lang ang mga sasakyang dumadaan. Nasa mataas kaming lugar at kita ang syudad sa ibaba. Pinatay ko na ang makina at bumaba. Nakatanaw lang ako sa malayo ng maramdaman kong lumapit sya sakin. Bumaling ako sa kanya, nakatanaw lang din sya sa malayo na tila malalim ang iniisip.
Anong gusto mong pag usapan? Seryosong sambit ko. Bumuntong hininga sya at nagsalita ng hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.
Alam kong mahal mo pa si Lisa. Pasimula nya, napataas naman ang kilay ko pero nanatili parin akong tahimik habang hinintay ang susunod nyang sasabihin.
At alam kong ganun din sya sayo. Kung paano ka nya tingnan, at kung paano sya makitungo sayo. Hindi ako manhid para hindi ko maramdaman yun. Nung araw na pumunta kami sa condo mo sinabi ko na sa sarili ko na bahala na sa kung anong maaaring mangyari. Nakahanda akong palayain sya kung sakali mang yun ang hilingin nya. Kaya lang iba talaga si Lisa, meron syang paninindigan. Mas pinili nyang manatili sakin at pilit na itanggi sa sarili nya na ikaw parin. Alam mo kung bakit? Tanong nya sakin, ngunit hindi ako sumagot nanatili lang akong tahimik at ibinaling ko na ang tingin sa malayo. Muli syang nagsalita.
Dahil sabi nya minsan na din syang naiwan at alam nya kung gaano kasakit yun. Ayaw nya akong makitang masaktan pero ako, nagawa ko syang saktan. Siguro nga, nakatadhana lang na magkakilala kami pero hindi naman talaga kami ang para sa isa't isa. Nanginginig na ang boses nya kaya tumingin ako sa kanya. Umiiyak na sya.
Anong ibig mong sabihin? Nagugulohan kong tanong. Tumingin sya sakin, pinahid nya ang luhang nasa pisnge nya at hinawakan nya ang kamay ko bago sya muling nagsalita.
Ipaglaban mo si Lisa, wag mong pigilan ang puso mo Jennie. Hindi mo ba nakikita yung mga nangyayari ngayon? Ito na yun oh! Minsan mo na syang isinuko, at sana sa pangatlong pagkakataon wag mo ng hayaang mawala sya sayo. Alam kong mahal nyo pa ang isa't isa. Kilala ko si Lisa, siguro nagugulohan lang sya ngayon kaya pilit nyang tinatanggi sa sarili nya na ikaw parin. Oo minahal nya ako, pero hindi katulad ng pagmamahal nya sayo Jennie. Kaya please tulongan mo sya. Hindi ko to sinasabi para samin ni Jisoo, sinasabi ko to kasi mahal ko si Lisa at mahalaga sakin ang kaligayahan nya. Nagkataun lang na dumating si Jisoo para sakin. Sambit nya, kitang kita ko sa mga mata ni Chaeng ang katapatan ng bawat pangungusap na kayang binitawan. Niyakap ko sya, at sa pagkakataong yun parehas na kaming umiiyak.
Thank you Chaeng. Paulit ulit kong sambit. Naputol ang pag iiyakan namin ng tumunog ang phone nya. Kumalas sya pagkakayakap at kinuha ito. Ngumiti sya ng makita kung sino ang tumatawag at sinagot nya to.
Hello babe
Oo magkasama kami, pabalik na din kami dyan. Nahirapan lang kaming humanap ng mabibilihan ng pagkain.
Okay bye, I love you.
Pagkasabi nya nun ay ibinaba na nya ang call at bumaling sakin.Tara na! Hinahanap na daw tayo ni Lisa, saka baka makahalata na yung mga yun. Pag aaya nya, naglakad na kami papuntang kotse ko. Bumili muna kami ng pagkain para hindi sila magtaka pagbalik namin sa hospital.
Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Masaya ako sa mga nangyayari, ang problema ko nalang ay kung paano ko ipagtatapat sa mga magulang ko ang tungkol kay Lisa. Pero sa ngayon si Lisa muna ang pagtutuunan ko ng pansin. Katulad nga ng sabi ni Chaeng, kailangan kong tulongan si Lisa na ipaintindi sa sarili nya na ako parin ang mahal nya.
BINABASA MO ANG
First love, Last love
RomanceHello guys, gusto kong ipaalam sa inyo kung bakit BLACKPINK ang napili ko. Siguro dahil masyado na akong naimpluwensyahan ng mga nababasa kong Jenlisa story. Bukod dun, subra din akong inlove sa kanila. Kaya naman naisip ko, bakit hindi ako gumawa n...