Chapter 39.5

462 7 3
                                    

Lisa POV

Lisa hindi ko kayang makitang hawak ka ng iba. Alam mo ba nung malaman kong ikakasal ka na kay Chaeng, parang gumuho ang mundo ko. Araw araw kong pinagdarasal na sana akin ka parin, na sana ako parin. Sinabi ko noon sa sarili ko na kung sakaling bigyan pa ako ng pagkakataon na bawiin ka, ipaglalaban na kita, iingatan at hindi na kita iiwan. Ito na yun Lisa oh! Sambit ni Jennie habang patuloy na umiiyak. Pilit ko syang tinatayo pero hindi sya nagpatinag, nanatili lang syang nakaluhod sa harap ko.

Lisa please, bumalik ka na sakin. Pagmamakaawa nya. Hindi na ako nakatiis na makitang nasa ganun syang kalagayan kaya umupo ako at niyakap ko sya. Lalo syang naiyak ng maramdaman nya ang yakap ko. Pumikit muna ako at ngumiti bago nagsalita sa pagitan ng mga yakap namin.

Ayaw kitang payagang manligaw sakin dahil gusto ko, ako ang manliligaw sayo. Mahinahong sambit ko, napatigil sya sa pag iyak ng marinig nya ang sinabi ko, unti unti syang kumalas sa pagkakayakap sakin at seryosong tumingin sa mga mata ko.

Ano ulit yung sinabi mo? Pagpapaulit nya, itinayo ko muna sya at inaayang umupo sa sofa. Binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti at inilagay ko sa likod ng tenga nya ang buhok na humaharang sa mukha nya saka ako muling nagsalita.

I love you Jennie, pasensya ka na kung natagalan bago ko narealize na ikaw parin. Natakot ako e! Natakot akong baka maulit na naman yung nangyari satin nun. Natakot na baka iwan mo ako ulit. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko na kakayanin kapag nangyari yun. Pero ngayon handa na ako, handa na akong tanggapin ang kahit na anong mangyari. Manalo man o matalo wala na akong pakialam. Pagkasabi ko noon ay hindi ko napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi muna sya sumagot sa sinabi ko sa halip ay niyakap nya ako at saka nagsalita.

Salamat Lisa. Paulit ulit nyang sambit. Hinalikan ko ang ulo nya bilang tugon, at naramdaman kong mas lalong humigpit pa ang yakap nya.

Mahal na mahal kita Jennie. Sambit ko

Mahal na mahal din kita Lisa. Sambit nya, sandali akong pumikit upang damhin ang yakap nya at ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na to.

Flashback

Andito ako ngayon sa kwarto ko, isang linggo na mula ng makalabas ako sa Hospital at sa isang linggo na yun hindi na ako nakipagkita kay Jennie. Gusto ko munang makapag isip dahil nagugulohan na ako sa nararamdaman ko. Ang laki ng nagiging epekto ng bawat ginagawa ni Jennie para sakin. Ayaw kong isipin na ginagawa nya yun dahil may nararamdaman parin sya para sakin. Ayaw kong umasa! Saka baka ginagawa lang nya yun dahil na aawa sya sakin.

Pilit ko nalang winaksi sa isipan ko si Jennie at nagtaklob ng kumot. Ilang sandali pa akong nasa ganoong posisyon ng may kumatok sa pinto ngunit hindi ako sumagot.

Lisa papasok na ako ha. Pag papaalam ng taong yun. Tinanggal ko na ang kumot na nakataklob sa mukha ko at tumingin sa taong nakatayo na sa tabi ng kama ko.

Sandali kong pinakiramdam ang sarili ko kung may mararamdaman pa akong kirot sa puso ko. Ngunit wala akong maramdaman na kahit na ano.

Bakit ang bilis naman ata? Sabi ko sa sarili ko

Bakit? Tanong ko kay Rosé, ngumiti naman sya at umupo sa tabi ko.

Anong bakit? Kumusta ka na? Yang sugat mo, magaling na ba? Isang linggo na tayong hindi nagkikita, palagi ka nalang nagkukulong dito sa kwarto mo. May problema ka ba? Tanong nya, umupo naman ako at ginulo gulo ang buhok.

Importante ba talaga yung 3 month rule? Seryosong tanong ko sa kanya, ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Seryoso lang syang nakatingin sakin kaya naisip kong iiba nalang ang usapan. Magsasalita na sana ako ng bigla syang tumawa, naiinis ako sa kanyang tumingin.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon