Jennie POV
Isang linggo na ang nakalilipas mula ng masaksihan ko ang muling pagkikita ni Lisa at Kai. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko, na yung ex boyfriend ko ay isa sa mga mahahalagang tao sa buhay ni Lisa.
Andito ako ngayon sa restaurant, kung saan hinihintay ko si Kai gusto daw nya akong makausap.
Nasan na kaya yun? Hindi parin talaga nagbabago. Sambit ko, tiningnan ko ang relo ko at nagpalinga linga. Napangiti ako ng makita ang lalaking kakapasok lang, nakangiti syang naglalakad papunta sakin.
Sorry na late ako. Dumaan pa kasi ako ng bar kaya inabot ako ng traffic. Paghinge nya ng paumanhin.
Okay lang. Natatawa kong sambit, napangiti naman sya at binuklat ang menu.
Kumain na muna tayo. Sambit nya at tinawag ang Waiter. Agad itong lumapit at kinuha ang order namin.
Habang hinihintay namin ang order ay nagsalita si Kai.
Si Lisa, sya ba yung dahilan kung bakit nag aral ka sa New Zealand? Sya ba yung sinasabi mong tao na minahal mo kahit alam mong mali? Seryosong tanong nya, nagtataka akong tumingin sa kanya.
Paano mo nalaman yung tungkol samin ni Lisa? Balik kong tanong sa kanya.
Hindi na mahalaga yun Jennie. Basta sagutin mo nalang ang tanong ko. Sambit nya, tumango nalang ako bilang tugon sa tanong nya. Ngumiti sya at muling nagsalita.
Mahal mo pa? Tanong pa ni Kai. Tiningnan ko sya daretso sa mata at saka nagsalita.
Mahal na mahal at kahit kelan hindi nawala yun. Sambit ko, nagbago ang ekspresyon ng mukha nya at kita sa mga mata nya ang lungkot. Hinawakan ko ang kamay ni Kai na nakapatung sa lamesa at muli akong nagsalita.
Pero wag mong iisipin na hindi kita minahal Kai. At masaya ako dahil nakilala kita nung mga panahong gusto ko syang makalimutan ikaw yung nandyan. Hindi man naging maganda ang kinalabasan ng relasyon natin, pinagpapasalamat ko parin na dumating ka sa buhay ko. Sambit ko, hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa isa nyang kamay bago sya nagsalita.
Alam ko Jennie, nagkataon lang na hindi talaga tayo ang nakatadhana para sa isa't isa dahil may isang taong nakatadhana talaga para satin. At ikaw! alam kong si Lisa ang para sayo. Kaya kung ako sayo, gawin mo ang lahat para makuha mo sya ulit. Seryosong sambit ni Kai, kita sa mga nya ang senceridad ng bawat salitang kanyang binigkas. Naputol ang pag uusap namin ng dumating na ang pagkain na inorder namin kaya umayos na ako ng upo.
Mabilis kaming natapos kumain ni kai kaya agad na akong nagpaalam sa kanya. Dahil may kailangan pa akong tapusin sa office.
Hinatid ako ni Kai kung saan nakapark ang kotse ko. Bago pa man ako pumasok ng kotse ay tinawag nya ako.
Jennie! Tawag nya sakin kaya bumaling ako sa kanya.
Magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong ko. Basta siguradohin mo lang na hindi mo na ulit iiwan ang Lisa namin. Nakangiting sambit ni Kai dahilan para mapatawa ako.
Masyado na syang nagpapakakuya kay Lisa. Sabi ko sa isip ko.
Alis na ako! Sambit ko, hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya at agad na akong sumakay sa kotse ko. Binuhay ko ang makina at nagbusina bilang pagpapaalam. Kumaway naman si Kai at pailing iling na naglakad papunta sa kotse nya.
Mabilis akong nakarating sa company dahil hindi naman ito kalayuan sa pinanggalingan ko. Pagkarating ko dun ay agad na akong pumasok sa elevator upang pumunta sa office ko. Akmang sasara na ito ng may isang kamay na pumigil dito dahilan para muli itong bumukas.
Wait! Sabi ng taong pumigil dito, bahagya syang natigilan ng mapagtanto nyang ako ang nasa loob. Bago pa muling magsara ang elevator ay agad na syang pumasok.
Hi Jennie. Nakangiting bati sakin ni Lisa, kaya ngumiti din ako pabalik bilang tugon.
Wala namang nakaschedule na meeting ngayon. Ano kayang ginagawa nya dito? Tanong ko sa isip ko.
Para sayo. Sambit ni Lisa at inabot sakin ang isang bouquet ng kulay Pink na Daisy. Hindi ko napansin na may dala syang bulaklak dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa mukha nya.
Namiss ko ang taong to! Tapos dagdag mo pa ang kakaibang tibok ng puso ko dahil malapit sya sakin.
Thank you. Sambit ko, at palihim na napangiti. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sinusulyap sulyapan ko si Lisa na ngayo'y nakatingin sa reflection namin na tila malalim ang iniisip. Magsasalita na sana ako ng may mga pumasok na ilang empleyado at binati nila kami ni Lisa. Kilala na din kasi dito si Lisa dahil malaki ang share ng kompanya nila sa project na kasalukuyang hinahawakan namin ni Lisa. Bahagyang ngumiti si Lisa sa mga ito at muling sumeryoso ng mukha.
Ganito ba sya makitungo sa ibang tao? Iisipin mong masungit sya kung hindi mo talaga sya kilala. Naputol ang pag iisip ko ng bumukas na elevator at nagsilabasan na kami. Tahimik lang si Lisa habang nakasunod sakin, nadaanan namin si Irene na nagulat ng makitang magkasama kami ni Lisa. Tumingin sya sakin na tila nagtatanong. Ngumiti nalang ako sa kanya at minustrahan kong mamaya kami mag usap. Tumango nalang sya, nagpatuloy na akong pumasok sa office ko at sumunod na din si Lisa.
Ipinatong ko ang bulaklak na bigay nya sa table ko at bumaling ako sa kanya na ngayo'y nakatayo at nagmamasid sa paligid.
Upo ka. Nakangiting sambit ko, umupo naman sya at nanatiling pinagmamasdan ang loob ng office ko.
Kumusta ka na? Agaw pansin ko sa kanya, ngumiti naman sya bago nagsalita.
Okay na. Maikling sagot nya.
Wala ba syang balak magbukas ng pag uusapan? Saka mukhang may kakaiba sa kanya ngayon. Sabi ko sa isip ko, at muli akong nag isip ng sasabihin.
Salamat nga pala sa bulaklak, para san pala yun? Tanong ko.
Ahmm pasasalamat ko yan dahil sinamahan mo ako sa hospital. Nauutal nyang sambit at tumingin sya sa ibang direksyon.
Bakit ba parang kinakabahan sya? Tanong ko sa isip ko. Sandali pang namayani ang katahimikan at si Lisa ang bumasag nito.
Ahmm. Jennie alis na ako. Sambit nya, tumayo na sya upang umalis. Sinundan ko lang sya ng tingin.
Aminin ko na kaya sa kanyang mahal ko pa sya at gusto kong ayusin namin ang relasyon naming nasira noon. Siguro nama'y walang masama kung ako ang makipagbalikan sa kanya. Tutal ako din naman ang dahilan kung bat nasira yun. Sabi ko sa isip ko, huminga ako ng malalim upang kumuha ng lakas ng loob bago ako muling nagsalita.
Lisa tayo nalang kaya ulit. Sambit ko, bubuksan na sana nya ang pinto ng mapatigil sya at bumaling sakin. Wala akong mabasang emosyon sa mga mata nya kaya nagsalita muli ako.
Lisa kahit ako nalang manligaw basta hayaan mo lang akong ipakita sayo na mahal kita. Dagdag ko pa habang naglalakad ako papalapit sa kanya.
Hindi pwede Jennie. Seryosong sambit nya habang nakatitig sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng kunting kirot sa puso ko pero dapat hindi ako agad sumuko.
Please Lisa, alam kong napakalaki ng pagkakamali na nagawa ko sayo noon, at wala akong karapatan na hingin sayo ang bagay na ako mismo ang naging dahilan kung bakit nawala. Pero please, ngayon! Hinding hindi ko na gagawin yun, bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon. Mahal kita Lisa. Mahal na mahal, at kahit kelan hindi nagbago yun. Pagmamakaawa ko sa kanya. Nanatili lang syang nakatitig sa mga mata ko na tila sinusukat kung totoo ba ang mga sinabi ko.
Sorry Jennie, pero hindi ko kayang ibigay ang hinihiling mo. Ayaw kong manligaw ka sakin. Seryosong sambit nya, pagkatapos nyang sabihin yun tila nanlambot ang mga tuhod ko, napaluhod ako sa harap nya at hinawakan ko ang kamay nya.
Lisa hindi ko kayang makitang hawak ka ng iba. Alam mo ba nung malaman kong ikakasal ka na kay Chaeng, parang gumuho ang mundo ko. Araw araw kong pinagdarasal na sana akin ka parin, na sana ako parin. Sinabi ko noon sa sarili ko na kung sakaling bigyan pa ako ng pagkakataon na bawiin ka, ipaglalaban na kita, iingatan at hindi na kita iiwan. Ito na yun Lisa oh! Sambit ko habang patuloy akong umiiyak. Pilit nya akong tinatayo pero hindi ako nagpatinag, nanatili lang akong nakaluhod sa harap nya. Hindi ako tatayo hanggat hindi nya ako pinagbibigyan sa gusto ko.
Lisa please, bumalik ka na sakin.
BINABASA MO ANG
First love, Last love
RomansaHello guys, gusto kong ipaalam sa inyo kung bakit BLACKPINK ang napili ko. Siguro dahil masyado na akong naimpluwensyahan ng mga nababasa kong Jenlisa story. Bukod dun, subra din akong inlove sa kanila. Kaya naman naisip ko, bakit hindi ako gumawa n...