Chapter 29

437 9 0
                                    

Lisa POV

Pagkarating ko ng bahay dumaretso na agad ako sa kwarto. Binuksan ko ang ilaw at inikot ko ang paningin ko. Ramdam na ramdam ang lungkot sa bawat sulok nito. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko. Bumuntong hininga ako at nagsimula ng maglakad papalapit sa kama, pabagsak akong humiga, at pumikit.

Gustohin ko mang matulog, ngunit hindi ako dalawdalawin ng antok. Nakikita ko sa bawat sulok ng kwartong to ang mga masasayang ala ala namin ni Rosé. Kapag pumipikit ako naaamoy ko ang pabango nya. Nagsisimula na naman akong umiyak. Umupo ako at bumaling sa picture namin ni Rosé. Kinuha ko ito at saka nagsalita.

Namimiss na kita baby, ang hirap naman ng ganito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Namimiss na kita baby, ang hirap naman ng ganito. Paano ko ba ipagpapatuloy ang buhay ng wala ka. Ilang taon din akong nasanay na palagi kang nandito sa tabi ko tapos sa isang iglap, nawala ka na. Gustohin ko mang bawiin ka pero hindi na pwede. Alam kong hindi ka magiging masaya sakin kapag ginawa ko yun. Tumigil ako sa pagsasalita, bahagya akong tumawa at pinahid ang luha sa pisnge ko. Mukhang baliw na ako sa mga oras na to pero wala akong pakialam. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon at tanging pag iyak lang ang kaya kong gawin.

Muli akong humiga habang yakap ang picture naming dalawa ni Rosé. Umiiyak lang ako hanggang sa nakatulog na ako.

Kinaumagahan nagising ako ng may maramdaman akong nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Kinurap kurap ko ang mata ko, at ininat ko ang kamay ko.

Good morning! Bati sakin ng pamilyar na boses. Napabaling ako sa nagsalita, nagulat ako ng makita ko ang babaeng iniiyakan ko kagabi. Nakangiti syang sumampa sa kama at tumabi sakin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang yakap nya.

Bakit parang ang sakit ng nararamdaman ko sa yakap nya? Dahil ba alam kong ito na ang huling yakap nya sakin. Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko at nagsimula ng lumabas ang luha sa aking mata. Umiyak ako ng walang tunog upang hindi nya mahalata. Ayaw kong kaawaan nya ako. Ayaw kong makita nyang mahina ako. Nang hindi ko na mapigilan pa ang pag iyak ay bumangon ako dahilan para mapabangon din sya.

Maliligo na muna ako. Sambit ko habang nakatalikod, hindi ko na inintay pa na sumagot sya at nagtungo na ako sa cr. Inilock ko ang pinto at agad kong binuksan ang shower. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Alam kong pumunta lang sya dito para magpaalam. Kaya dapat ihanda ko na ang sarili ko. Kailangan nyang makitang masaya ako sa naging desisyon ko na palayain sya. Ayaw ko syang mahirapang umalis kaya dapat masaya akong haharap sa kanya.

Ilang minuto lang akong naligo at bago ako lumabas pina alalahanan ko muna ang sarili ko sa mga dapat kung gawin.

Lisa! Maging malakas ka sa harap nya okay! Sambit ko sa sarili ko, tumingin ako sa salamin at ngumiti. Pagkatapos ay nakangiti akong lumabas ng banyo.

Nakita ko syang nakaupo sa gilid ng kama ko at nakangiting nagpophone.

Panigurado si Jisoo katext nya. Sambit ko sa isip ko. Lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Nang maramdaman nya ako ay inangat nya ang ulo nya at binitawan ang phone nya.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon